"I will definitely come, hija." Wika ni Mrs. Aguiluz. Muli itong sumubo ng cake. Kasalukuyan silang nasa dining room ng matanda at kumakain ng carrot cake. Matapos siyang tawagan ni Mrs. Aguiluz kagabi at anyayahang pumasyal sa bahay nito ay kaagad siyang nag-bake ng paborito ng matanda. Gusto sana niyang imbitahan si Jozel pero may klase ito ng hapong iyon. Napagpasyahan na din ni Althea na imbitahan ang matanda sa gaganaping Village Night sa darating na Biyernes ng gabi. "Naku mabuti naman po. I'm sure matutuwa ang mga amiga ninyo na dadalo din sa Village Night." Tumango ang matanda. "That's for sure." "Kung bakit kasi hindi pa kayo pumupunta ulit sa center?" Tanong niya. "I'm planning to go there next Saturday. Tapos ko na naman ang mga priorities ko kaya I have a lot of time na."

