[Dominick Alcantara POV] Saan ba ako mag si-simula? Ah... Yeah, doon nga. Doon sa part kung paano dumating sa buhay ko si Leaf Carrion. Isang mapag mahal sa pamilyang babae at dakilang bread winner. Pansin ko na 'yon pag pasok palang n'ua sa company ko. Kilos at galaw n'ya masasabi mo agad na diterminado siyang tao. Wala siyang inaaksayang oras. Kuha agad n'ya atensyon ko. Hindi dahil sa gusto ko na s'ya noon, pero dahil sakto s'ya sa planong binubuo ko. Kaya inalok ko s'ya ng kontrata dahil alam kong hindi mag ta-tagal ang pagmamatigas n'ya at kakagat narin s'ya. At tama nga ako nakuha ko ang gusto ko, napapirma ko s'ya at binayaran para sa pag payag niya. Sa madaling salita oo naging kabit s'ya. Pero bago ko simulan ang plano ko desidido na akong hiwalayan si Veron. Malamig na ang

