Nakayuko lang kami ni Dom. Gulat na gulat kasi si Mama at Papa ng makita ang tiyan kong halata na ang pag bu-buntis ko. "Dalawang linggo kaming walang balita sayo tapos pag dating mo buntis kana?! Matagal kana bang buntis? Bakit ang laki na?" Napahilot si Papa sa sentido bago uminom ng tubig. "Ibig sabihin buntis kana noong ipakilala mo palang s'ya na boyfriend mo s'ya? Ang pupusok talaga." Naiiling na segunda pa ni Mama. "Ang sabi ni Draco 'yung kaybigan mo, ay nag bakasyon ka lamang." Hindi pala sinunod ni Draco 'yung sinabi kong sabihin n'ya kay Mama na break na kami ni Dom? Pasaway talaga ang isang 'yon. "Alam kong nasa tamang edad na kayo at wala naman kaming tutol. Ang inaalala ko lang ay ang anak naming si Leaf, baka matapobre ang magulang mo e, kawawain lang anak namin?" Pani

