Marupok na kung marupok, pero ito naman ang ipinangako ko sa sarili ko. Kapag ayos na ang lahat at ok na si Dom sa mga desisyon n'ya ay walang tutol akong sasama. Sino bang nais mawalan ng ama ang kaniyang mga anak? Hindi ako. Ayaw kong kawawain ang mga anak ko iung pwede naman may sulosyon. "Salamat po sa pag aalaga sa akin Manang." Isang yakap ang iginawad ko kay Manang habang pigil ang aking luha. "Walang duda." Nakangiti si Manang habang nakatingin kay Dom na matiyagang naghihintay sa kotse. "Mahal ka nga n'ya." "Salamat po sa mga payo ninyo. Hinding-hindi ko po iyon kalilimutan Manang." "Mag i-ingat kayo. Kahit anong oras ay maari kang bumalik rito Leaf. Nandito lang ako, at sana hindi matapos ang pagkakaybigan na meron kayo ni Draco. Alam mo ako'y nalulungkot kasi inaasahan kon

