Chapter 64 Dahil sa sinabi na iyon ni Akame sa akin sa araw na iyon, iniwasan ko na si Kasei. Hanggang sa bahay ay hindi ako lumalabas ng kwarto ko at nagdadahilan na busog pa ako kapag tinatawag niya ako para kumain. Saka lang ako kakain kapag tapos o tulog na sila ni Kei. I'd always choose to stay away from him. Hindi naman siya nagtatakha kung bakit ako naging mailap sa kanya. At sa weekend naman ay talagang idinadahilan ko na may gagawin pa kami ni Ms. Makoto para lang sa shrine ako manatili. Hindi naman sa masisira ko ang relasyon nila ni Akame. Dahil unang-una ay wala namang gusto sa akin si Kasei. Pangalawa ay wala akong balak na umamin. Pero kaya ako umiiwas ay dahil sa nasasaktan ako. Inaaamin ko iyon sa sarili ko at hindi ko ide-deny. Hindi ko pa nasusubukang magmahal noon. Mai

