Chapter 65 Agad ko siyang itinulak dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay naging jelly ang aking mga tuhod. Napasandal ako lalo sa dingding dahil nanghihina na ako nang sobra. Hindi ko matignan si Kasei sa kanyang mga mata. Nagdidiwang ang mga kulisap sa tiyan ko na para bang sila ang hinirang na kampeon. Pinamulahanan ako dahil sa kanyang itinanong. I shouldn't let my feelings rule over me. Hindi ito tama. Dapat ay sinusunod ko ang payo ni Kazuki na layuan siya pero para akong magnet na gustong-gustong mas lumapit pa kay Kasei. "A-Ano bang p-pinagsasabi mo, Kasei?" nauutal kong tanong. He sighed frustratingly. Napabaling ang tingin ko sa kanya. Ngayon ay bahagya siyang nakatungo. "Ano bang problema mo?" He stayed silent. He's not usually like this. Kasei is always composed and calm,

