Chapter 4

2120 Words
Chapter 4 Gumising ako ng maaga, at mukhang mas maaga pa kay Kasei. At dahil hindi ako sanay na kapag hindi kasama sina mama, ako ang nagluluto. Kaya naman sa araw na ito magluluto ako! Para pa akong walang pinoproblema habang nagluluto. Dahil pakanta-kanta pa ako. Mamaya ay titigil ulit ako doon sa Cherry Blossom Tree. Malay natin may biglang mag pop up na kasagutan kung bakit ako napunta dito. Imposible naman kasing panaginip 'to. Ano ito isang araw ng hindi nagigising? "L-luna?!" "Ay anak ka ng palaka!" Napatalon at napasigaw ako sa gulat ng may tumawag saakin kasabay ng pagkalabit saakin. Akala ko minulto ako, si Kasei lang pala na hindi pa tinatanggal ang nilagay na powder sa mukha! My goodness! "Ano ba! Bat ka nanggugulat?!" "Nagluluto ka?" Gulat nitong tanong. "Obvious ba?" Sarkastiko kong sagot. "Kailan ka pa natutong magluto?" Oh right, Luna doesn't know how to cook. And here I am, troubling her again— eh nasa trouble din naman ako ah? Nasaan ba kasi si Luna?!! "Di na bale. At least marunong na ako di ba?" "Kahapon ka pa weird... hindi ka ba sinapian?" "Sinapian ako ng isang magandang dalaga sa balat ng lupa, oo" Mukha naman itong naniwala. Inawat pa ang sarili saakin. Kutusan ko 'tong lalaking ito eh. "Paniguradong totoo na 'yan. Kahapon ka pa ah" "Iniistress mo bangs ko! Lumayo ka saakin ah. Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan" "Wala ka namang bangs—" "Kasei, shut up! Pag hindi ka tumahimik hindi kita papatikim ng mga niluto ko" "Tikim lang? First time mo nga lang magluto ayaw mo pa akong pakainin. Mukha pang labag sa kalooban mo" "Sure na sure ka ah? Hindi mo man lang iniisip kung lalagyan ko ng lason o hindi?" "Paniguradong ngayon mo lang naisip ang lason na iyan kaya hindi ka nakapaghanda. I'll wait in the sala while you are preparing our breakfast. Yohoo! It's my time to shine in the sala," at umalis na siya patungong sala. Napangiwi nalang ako. Nakakabanas naman oh! Hindi ko pa pala nalilibot ang buong bahay. Siguro mamayang gabi nalang. Agad rin naman akong natapos sa pagluluto. Hindi ko pa natatawag si Kasei agad na itong umupo at nagsimulang kumain. "Hindi man lang nagpasalamat" Tumawa ito ng malakas. "Itadakimasu! (They use this expression in japan before they eat)" Masigla nitong sambit at nagpatuloy sa pagkain. Itinabi ko ang ketchup nang malagyan ko ang noodles ko. Agad ko itong hinalo at natatakam na tinikman ito. "Yuuuuum!!" Nasagip ng tingin ko ang mukha ni Kasei na nakangiwi habang nakatingin sa noodles at ketchup na pinaghalo ko. "What? Gusto mo?" Alok ko sakanya. Umiling ito at sinabing,"Hindi ka naman mahilig sa noodles dati ah, at isa pa pinakaayaw mo ang pinaghahalo ang noodles at ketchup. Pinapagalitan mo pa nga ako kapag kumakain ako ng noodles sa harapan mo." Hindi kumakain ng noodles si Luna? Pwes ako mahilig sa noodles! "Masarap kaya pag pinaghalo" Tumawa ako ng malakas nang makitang para siyang masusuka. "Luhh, ang arte mo naman" "Alam mo Luna, nakakapanibago ka ngayon. Syanga pala galingan mo sa contest ha" Natahimik ako ng marinig iyon sakanya. Eh hindi ba kalaban ko si Akame? "Kalaban ko si Akame" "Alam ko" "Siya dapat ang sinasabihan mo nyan" "Tss. Alam kong gustong-gusto mo ang pagp-piano. Kaya alam kong hindi mo papayagang manalo si Akame. Si Akame kasi hindi naman niya passion ang pagppiano. Isa siyang magaling na mangguguhit. Hindi ko lang alam kung bakit nakahiligan niya ang pagppiano simula nung nanalo ka sa paligsahan noon at hinirang na World Champion Pianist." Manggugu...hit si Akame? Ibig sabihin kahit pinagsama kami ni Luna, kaya niya paring makahabol. Grabe naman… talentadong bata pala 'tong leading lady sa nobelang iyon. Manhid ata 'tong si Kasei. Obvious naman na naging pianist si Akame dahil sa gusto niyang malagpasan si Luna para lang kay Kazuki— para mapansin siya ng lalaking iyon! "Kahit hindi mo sabihin gagalingan ko!" Kahit ang totoo hindi ko alam kung paano. "At teka! Kailan ka pa natutong gumuhit, Luna?" Napaangat ang tingin ko sakanya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong hindi niya makikita ang iginuhit kong mukha ni Kakashi kung hindi siya pumasok sa kwarto ko! "Anong ginagawa mo doon?" "Sasabihin ko sanang ibalik mo 'yung mapa kaso mas nauna kang bumaba. Nakita ko lang 'yung guhit mo. Sino pala 'yun?" Inirapan ko lang ito at hindi na siya sinagot. Aabsent sana ako ngayon at bibisitahin ang Cherry Blossom Tree kahapon. "Boyfriend mo?" Hindi na nakatiis at tinanong ulit ako. I grinned and replied, "Yeah" Para pa itong nabilaukan sa simpleng pagkumpirma ko. "Akalain mo may pumatol sa katulad mo?" Humagikhik ito kaya hinampas ko ang braso niya. Napalakas ata kaya lumayo ito pero mas lumakas ang kanyang pagtawa. "Hoy! Hindi porket nerd sa paningin niyo si Luna ibig sabihin wala ng magkakagusto sakanya at saka wala na siyang karapatang magkaboyfriend ah!" "Pffft" Patuloy ito sa pagpigil sakanyang tawa. Pinangunutan ko ito ng noo dahil sa inis. "Itawa mo na nga 'yan! Baka kung saan pa lumabas!" Pinanliksikan ko ito ng tingin pero hindi natinag. "Kasei hindi bagay sayo ang ganyan. Mukha kang ipis na namimilipit. Yuck!" He burst into laughter. "Nye! Nye!" Nagpatuloy ako sa pagkain kahit tawa parin ng tawa ang asungot na ito. "Syanga pala, totoong boyfriend mo siya?" Tumango ako. Maniwala bobo! "I know that man..." Naiwan sa ere ang isusubo ko sanang noodles. Kilala niya? HAHAHA eh fictional character iyon sa Naruto! "Wag mo nga ako pinagloloko, Kasei! Imposibleng kilala mo siya." Inirapan ko ito pero hindi nakatakas saakin ang pagseryoso ng kanyang mukha. "Luna, payo ko lang sayo ha. Mas mabuting hiwalayan mo nalang 'yang boyfriend mo. Bata ka pa, huwag ka munang pumasok sa relasyon-relasyon na iyan" Pinagtaasan ko siya ng kilay. I'm not a kid anymore. Plus he doesn't need to remind me, dahil talagang hindi ako papasok sa isang relasyon kahit pa college na ako. Naunang pumasok si Kasei sa school. Ako naman ay dumiretso kaagad sa Cherry Blossom Tree upang suriin iyon. Pagkatapak ko palamang sa tapat nito ay agad nang umihip ang malakas na hangin. Tiningala ko ang Cherry Blossom. "Hindi kaya may kinalaman ang babae sa airport?" Simula noong nakilala ko ang babae na iyon, kinabukasan napunta na ako dito. May kapangyarihan ba siya? But that's impossible! There's no such a thing like magic! Sa mga kwento at epiko lamang ito nag-eexist. Wala naman kakaiba sa Cherry Blossom na ito eh. Wala namang butas na pwedeng mapasukan katulad ng nangyari kay Alice. Pero paano ako napunta dito? Ano 'yun bigla nalang akong nagtransform bilang isang Luna? Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Pinadyak-padyak pa ang mga paa at padabog na nagsimula nang maglakad. Bigla akong napatigil nang muntik na akong mabangga kay Kasei. Akala ko ba pumasok siya? "Ano ba! Wag ka nga sumusulpot bigla na parang isang kabute!" Sigaw sakanya. Bakas sa mukha niya ang pagtatakha. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tiningala ang Cherry Blossom Tree. "Anong ginagawa mo dito? Mahuhuli ka na sa klase ah?" Inirapan ko ito bago siya nilagpasan. "Ito na nga papasok na ako!" Sinabayan niya ako sa paglalakad at hindi na umimik pa. Medyo naaw-awkwardan ako saaming dalawa. Panay kasi ang sulyap niya saakin habang ako ay nagkukunwareng walang napapansin. Pero ang totoo nakikita ko siya sa peripheral vision ko. "Dinaanan ko lang si Akame sa bahay nila. Kaso ang sabi ng kuya niya nauna na siyang pumasok. Nagkataon lang na nadaanan kita kaya..." "Hindi naman kita tinanong ah?" Tumingin ako sakanya. Napangiwi ito sa aking iniasta. Hindi ko naman siya tinanong diba? Nakita ko ang pagiging malikot ng kanyang mga mata. Mataman niya akong tinititigan pagkatapos ay nag-iwas ito ng tingin. May problema ba siya? Nang paliko na kami para makapasok na sa gate ng school agad itong tumigil sa paglalakad. Napatigil din ako at tinignan siya na may pagtatakha. "Bakit? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko sakanya. Matangkad si Kasei. Katamtaman ang kulay ng balat. Medyo mahaba ang buhok na bumagay sakanyang perpektong mukha. Matangos ang ilong. At nakakainggit ang kanyang malalantik na pilik-mata. Kung tutuusin mas nakakaakit pa ang kanyang mga labi kaysa labi ng isang babae. Well, he's not a fictional character if he's not perfect, right? Napatitig ako sakanyang malalalim na mata. Maitim iyon, sobrang itim na pakiramdam ko hinihigop niya ang aking lakas. Napakurap-kurap ako. Umiling ito at nag-iwas ulit ng tingin saakin. May mali ba sa mukha ko? "You never used that hairpin… before." Napahawak ako sa suot kong hairpin. Nakita ko lang ito sa drawer ni Luna. Ginamit ko kasi hindi ako sanay na hindi nakatali ang aking buhok. Pero dahil maikli ang buhok ni Luna, hairpin lang ang kailangang gamitin. "Why? Is it panget?" Nakita ko ang pagseryoso ng kanyang mukha bago ito sumagot ng, "No. It looks good on you." At nauna na itong maglakad. So he gave this hairpin to Luna huh? Kasi hindi naman siya siguro magrereact ng ganon kung hindi ito galing sakanya. Halos patakbo akong maglakad para lang maabutan ito. Para kasing may mali eh. Parang may mali sa lahat na hindi ko matukoy. Hindi kaya may malaking rason kung bakit ako nandirito? Hanggang sa nagsimula ang klase ay lutang ako. Wala rin naman akong interes tungkol sa history nila. Laking Pilipinas ako, at kahit may dugo akong hapon, hindi ako nakapag-aral sa Japan. Dahil napagkasunduan ni mama at papa na sa Pilipinas kami manirahan. Hindi sa ayaw ng aking pure filipina na ina ang mga hapon, kundi dahil ayaw ni papa na ungkatin pa ang problema ng kanilang buong angkan, generation to generation. Para akong si Edogawa Conan na taimtim na pinag-iisipan kung paano malutas ang isang krimen. Ang kaibahan lang namin ay wala akong hawak na ebidensya, o kahit na ano na makakatukoy kung bakit ako nandito. No leads. I'm totally clueless. I'm sure that Cherry Blossom doesn't have something to do with this. Argh, this is very frustrating! "Ang lalim ng iniisip mo ah?" Bigla akong napatalon sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Akala ko aatakihin na ako sa puso dahil sa sobrang gulat. Napaupo ako sa isang bleacher dahil kakatapos lang ng P.E namin. Pinagpapawisan na ako pero mas pinili kong mag-isip-isip muna kahit wala naman akong maisip na dahilan kung bakit ako nandito. Napataas ang kilay ni Kazuki bago ito tumawa at tumabi saakin sa pag-upo. Naasiwa ako dahil sa hindi pa ako nakakapag palit. Amoy pawis pa ako. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya. "May binigay lang akong papers kay Amatori Sensei. I was looking around then I saw you, kaya nilapitan na kita." Ngumiti ito ng malapad. His eyes are damn mesmerizing. Para ako nitong hinihigop. Napakaganda ng kanyang dilaw na mga mata. Pero kung ikukumpara sa mga mata ni Kasei, wala itong panama. Though I love Yellow and I hate Black, I don't know why but now I have the reason to love Black. "May klase ka pang papasukan? Baka malate ka" Tumikhim ako para ipakitang hindi ako komportable saaming sitwasyon. Pero mukhang wala itong napapansin. Nakasuot siya ng jersey. Sa likod nito'y may numerong 12 at pangalang Moon. Kung tutuusin hindi ang pangalan ang nilalagay sa jersey, instead, it is the name of the school or club. "Ah, haha. Pinakiusapan ko si Senpai na kung maaari Moon nalang ilagay sa baba ng number ko. Ang totoo niyan matagal ko ng gustong ilagay ang Moon sa bawat jersey na suot ko, ngayon lang napagbigyan" Nakita niya siguro na nakatingin ako sakanyang likod dahilan kung bakit niya sinabi iyon. But… in what purpose? "Bakit Moon?" Hindi ko na napigilan at natanong ko siya. "Luna means Moon…" Bigla kaming natahimik. Namula siya. Pero ako hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung kailan wala dito si Luna saka pa naging vocal itong si Kazuki. Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko nakaramdam ako ng lungkot. Bakit kaya? Dahil ba sa parang ako ang dahilan kung bakit hindi sila nagkakaroon ng moment ngayon? Bakit kasi sobrang inlove itong si Kazuki kay Luna? "Y-you don't mind that, right?" Maliit na tinig na tanong niya. Napatingin ako sakanya at ngumiti ng pilit. "Of course not! Mas lalo ko lang napatunayan na kakaibang level na iyang nararamdaman mo saakin. Ikaw Kazuki ha, hahaha" Since i can assure myself that Luna won't mind that. Hilaw na tawa iyon. Pero mukhang hindi niya nahalata at namula pa ito ng sobra. "Bukas, Sa Black Coffee, 8:30am. Meet me there." Tumayo ito at tumakbo agad. Naiwan akong nakanganga doon. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong umangal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD