Chapter 5

2158 Words
Chapter 5 Alas tres pa lang ay dilat na dilat na ang aking mga mata. I was wondering if I'm going to meet Kazuki or not? Bukod sa wala akong magawa dito sa bahay dahil weekend, hindi ko naman hilig ang kumanta katulad ng ginagawa ni Luna. Isa pa hindi ko alam kung paano simulan ang paghahanap sa sagot kung bakit at paano ako napunta dito.  Tumayo ako at lumabas saaking kwarto. Tahimik ang buong paligid. Nakapatay ang ilaw sa baba at bukas ang pintuan papuntang balkonahe kaya doon na lang ako tumungo. Nakita ko si Kasei na seryosong nagpipinta. Marunong pala siyang magpinta?! Hindi ako gumalaw saaking kinatatayuan. The way he's holding his brush, its every strokes, and the passion he is putting into his painting to give it a life, pakiramdam ko tinalo pa ako sa pagpipinta.  Hindi pa man nakukulayan ang pinipinta niyang isang babaeng nakatalikod habang nakatingala sa isang Cherry Blossom ay mararamdaman mo ang lungkot sa larawang iyon. The scene in it looks very sad. Maya-maya'y dinagdagan niya ng pagpatak ng ulan, at sa kabilang gilid ay isang maginoong lalaki ang may kasamang babae ngunit ang mga mata'y nakatingin sa babaeng nakatingala sa puno.  Napaawang ang bibig ko. "Magaling ka palang magpinta..." Hindi iyon tanong.  Hindi niya ako nilingon. Umupo ako sa tabi niya ngunit nag-iwan ako ng agwat para sa aming dalawa. Ayoko siyang maistorbo kaya tumingala na lamang ako sa kalangitan. The stars are shining so bright. I memorize every little detail of it. I missed my home. I missed my room where I can watch stars in the middle of the night without being disturb. I missed my mom and dad. I missed everything about me, everything I have before.  "The more I paint, the more i feel alive," sabi niya.  I smiled. Well, I felt that too. "When you give life to what you paint, it gives you more reason to live your life." Huminga ako ng malalim. "Mararamdaman mong habang kinukulayan mo kung ano ang iyong iginuguhit, nakukulayan din nito ang buhay mo." I remembered the first time I joined a contest. Unang subok talo ako. Pero hindi ako nawalan ng pag-asang magpinta pa. Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataong magpinta kasama ang pinakamagaling na painter sa Japan. Luckily he recognized my works and masterpiece. May gumawa pa ng article tungkol sa aming dalawa. That made me think, no matter how hard it is in the beginning or in the middle, it will always be worth it in the end.  "Bakit gising ka pa?" Tanong ko sakanya at sinulyapan ito.  Obviously, Yashita, he is painting.  "Nagpipinta ako habang nag-iisip. This is normal to me." "Sugoi! (Amazing / Great)" I can almost hear a cricket after my reaction. Hindi ito sumagot at nakapokus lamang sakanyang ipinipinta. Nakakunot ang kaniyang noo. Ano kaya ang iniisip niya? Huminga ako ng malalim bago niyakap ang sarili dahil nakaramdam ako ng lamig. Dapat nag-iisip din ako eh!  "I wonder what you are thinking, Kasei… is it Akame?" Naisambit ko nalamang sa mababang tono habang nakatingala sa kalangitan.  Naramdaman ko ang pagtigil niya sakanyang ginagawa.  "Why are you silent? Dati naman kapag alam mong si Akame ang iniisip ko o bukambibig ko sesermunan mo ako o pangangaralan" Natawa ako sa kaniyang sinabi. Sana nga si Luna nalang ang katabi mo ngayon. Ano kaya ang posibleng maging senaryo rito habang magkatabi sila? Walang katapusang bangayan?  "Why are you laughing? You… look weird to me. You never laugh while we are together, alone or not" Ang tono ng boses niya ay parang gulat ngunit may halong pagpipigil. O kung ano man iyon ay hindi ko matukoy. Ibinaling ko ang titig ko kay Kasei at doon ko pa lamang naklaro ang mga luhang lumandas sa gilid ng kaniyang mga mata. Oh my god, why is he crying?!  I was taken aback while staring at his teary eyes. Ang buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Sobrang liwanag nun. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko nang manginig siya dahil sa pag-iyak.  "W-what happened to you?" Nauutal kong tanong. This is my first time seeing a man crying in front of me! Hindi ko alam ang gagawin. Dahan-dahan kong iniangat ang aking mga palad at inisa-isang punasan ang kanyang mga luha.  "S-s-she rejected me again..." Hindi ako nagsalita. Nakaramdam ako ng inis kay Akame.  "I was able to handle the pain while I'm alone. But everytime you are around I feel like I should let the pain break me. Y-you should leave me a-alone." I was stunned for a moment. So kahit pala ganoon ang sitwasyon nila sa nobela, ang totoo ay si Luna rin naman mismo ang nagcocomfort kay Kasei?  "Crying doesn't mean you are weak. It's a sign that you are strong. You are able to express what you are feeling and be able to bear the pain. Mas masakit kung hindi mo na alam kung paano umiyak, dahil pakiramdam mo walang wala ka na. Emptiness. You are looking for a missing piece to complete your emptiness but because you are pent in the dark, feels like living in vain, you can't even let yourself walk forward." Kinagat ko ang labi ko. Do I even make sense? "Rejection. Rejection. Rejection. Ang tapang mo naman. Pang-ilang rejection na ba iyan ha? Pang-ilang iyak mo na iyan dahil lang kay Akame? Kasi para saakin, masyado ka ng naging martyr. Saludo parin ako sayo kasi nakakaramdam ka parin ng sakit." Hindi ito nagsalita. I sighed, "In every failure, there is success."  Tumigil na siya sa paghikbi. Nakaramdam ako ng awa sakanya. Hindi naman siguro masama kung sabihin kong tigilan na niya si Akame. Kasi nakikita ko nang wala talaga siyang pag-asa sakanya. He will always fail and will only taste success, if he fell out of love. Haynaku Tenten Takahashi, bakit mo naman kasi ginawang patay na patay itong leading man mo sa leading lady ng nobela mo? Siguraduhin mong may happy ending sila pag binasa ko ang latest update ha! Kundi ako mismo ang gagawa ng happy ending nila!  Natahimik ako bigla. Dapat pala sarili ko ang pinoproblema ko. Tumawa si Kasei kaya napataas ang kilay ko. Luh, moody ka dude?  "You look like a college girl advising a fool high schooler."  I made a face.  "I'm a college girl naman talaga!"  "Ows? Kaklase nga kita tapos magiging college ka? Hahaha kung magjojoke ka naman sana Luna dapat 'yung nakakatawa talaga!" "May limang joke ako!" "Sige nga" "JOKE! JOKE! JOKE! JOKE! JOKE! HAHAHAHA!" Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa sama ng kanyang ekspresyon. Tumawa ako ng malakas. Syempre hindi talaga bebenta ang joke na iyon.  "Corny!" Walang gana nitong sambit.  "Oh ito sagutin mo. Ano kasunod ng Mars?" "Jupiter?" "Mali! April! HAHAHAHA!" "Luh?" Ngumiwi ito kaya tumawa ako ng malakas.  "HAHAHAHAHAHA" Until dawn I give all my best just to divert his attention and comfort him. Kahit pa alam kung corny at walang sense lahat ng pinagsasabi ko hindi ako tumigil. Hindi nakatakas saakin ang natapos niyang painting. At sumakit bigla ang puso ko. Dahil bilang isang mangguguhit, alam ko kung ano ang ipinaparating ng larawang iyon. Ang kasama ng lalaking babae ay walang mukha, ang nakatalikod na babae na nakatingala sa puno na may dalawang taong nakaupo sa malaki nitong sanga, umuulan, malungkot na senaryo kung saan kasama ng ginoo ang kanyang minamahal, ngunit sa iba naman nakatingin ang dalaga kung saan ito rin ay pinagmamasdang mabuti ang masayang imahe ng kanyang minamahal kasama ang ibang babae. Ngunit bakit sa kabila ng lahat ng iyon, ginawa niyang nakangiti ang mukha ng lalaki na para bang walang nakikitang makakapagpalungkot sakanya?  "Pasensya na nalate kasi ako ng gising. " Bati ko kay Kazuki.  20 minutes na akong late. Pero mabuti nalang at naabutan ko si Kazuki. Kahit naman ang totoo hinintay ko pang makatulog si Kasei bago ako umalis.  "Okay lang. Haha. Upo ka." Umupo ako sa tapat niya. Agad naman itong nag order. Sinabi ko nalang na kung ano ang ioorder niya 'yun nalang rin akin.  "Pasensya nga pala. Alam kong oras mo ngayon para kumanta sa Shimazu Park. Pero kasi ano..." Humigop ako saaking kape at mataman siyang tinitigan. Namula ito bigla. Normal reaction when your crush is around pffft.  "S-salamat sa pagpapaunlak ng imbitasyon ko" "Okay lang. Wala namang malisya iyon para saakin." "Oo. Ano. Ahm…" "Wag kanga mautal sa harapan ko! Hindi ba sinabi ko na sayo na hanggat hindi pa bumabalik ang dating ako, friends lang tayo?" Sinabi ko iyon sakanya noong inihatid niya ako.  "Oo... May gusto lang akong linawin" "Ano naman iyon?" Napalunok ito. He is stuttering kaya sinuway ko nalang at sinabing saka na niya sabihin pagkatapos naming uminom.  "I bought a ticket yesterday. World Star Arcade, masaya doon. Hindi ba dati ipinangako mo saakin na sasamahan mo ako roon?" Ayoko namang maging bastos o siraan si Luna sa harap ni Kazuki kaya pumayag ako. Isa pa gusto ko ring gumala. Dahil nasusuffocate na ako sa bahay at pakiramdam ko sasabog ang utak ko sa lahat ng mga nangyayari saakin. How I really wish to end this dream or whatever is this. Gusto ko nang bumalik at makipag-asaran kay papa at tulungang magluto si mama. Namiss ko ang 5ft. Pillow ko na si Kakashi. I missed my old school. Kahit wala naman akong kaibigan madali naman akong pakisamahan.  Dinama ko ang sariwang simoy ng hangin. Dahil medyo malayo sa syudad ang World Star Arcade na ito, fresh na hangin ang iyong malalanghap. Siguro sinadyang dito ipatayo ito para mas gumanda at gumaan ang pakiramdam ng mga pumupunta rito. I am wearing a fitted jeans, print t-shirt and a sneakers. Wala akong nilagay na palamuti saaking buhok. Bumili na lang kaya ako ng wig? Hindi talaga ako sanay na maikli ang buhok ko.  "Wanna ride a roller coaster?" Tango lang ako ng tango sa mga tanong ni Kazuki. Naenjoy ko naman ang mga rides. Kitang-kita ko sa mga mata ni Kazuki na masaya siya. Suddenly I felt guilty. Masaya rin siguro si Luna kung siya ang nandito.  "Gusto mo ba nung teddy bear na iyon? I can get it for you!" Nakangiti nitong sambit.  Sobrang hyper ni Kazuki na pakiramdam ko sa bawat angat ng gilid ng kanyang mga labi ay nakakaguilty'ng ibang tao talaga ang kasama niya at hindi ang taong itinitibok ng puso niya. I wonder how it feels? Paano ba ang pakiramdam na kaharap mo ang katawan ng mahal mo pero ibang kaluluwa naman ang komokontrol doon. Nakikilala parin ba ng puso iyon?  "Sure. You can get it. I'll buy an ice cream while waiting for you"  Tumango ito. Ako naman ay agad nang tumalikod at tumungo sa bilihan ng ice cream.  "Dalawa nga po. 1 Vanilla and 1 Cookies & Cream" Naghintay ako ng ilang minuto bago makuha ang akin dahil may ibang nakapila. Pagkaabot ko ng ice cream ay may biglang humablot nun saakin. Nagulat ako pero hindi ko nalang pinansin ang kumuha nun. Pinagtaasan ako ng kilay ng ibang costumer kaya omorder ulit ako ng isa pang Vanilla. Tumingin ako sa gilid ko ang nakita ko ang batang babaeng kinakain ang Vanilla na kinuha niya saakin. Titig na titig ito saakin.  "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa bata.  "Ano pong pangalan niyo?" Tanong nito pabalik.  Nginitian ko ito.  "Luna," sagot ko.  Tila hindi naniwala ang bata. Pero hindi ko nalang pinansin at kinuha ang ice cream dahil narinig kong tinatawag ako ni Kazuki. Agad kong inabot sakanya ang Vanilla Ice Cream. "I thought you hate Cookies & Cream?" Nagtatakha ang tono ni Kazuki.  Oh Luna hate that flavor?  "Gusto ko na ito ngayon"  Agad kong inagaw sakanya ang malaking teddy bear. Nangingiti ko itong kinarga habang nakikita ko sa peripheral vision ko ang nakangiting si Kazuki.  "Dati hindi ka ngumingiti kahit sa maliit na bagay. Mas gumaganda ka pala kapag ngumingiti ka, you should smile more often" Ibinaling ko ang atensyon ko sakanya.  "Simula ngayon, makikita mo na akong ngumingiti kasi diba sabi ko sayo hindi ako ang isang Luna" Ngumiti naman ito saakin pabalik. Nakangiti ako hanggang sa ginabi kami ng uwi. Nanood pa kasi kami sa sinehan. Pagkatapos ay napagpasyahan naming umuwi na.  "Thank you for this day, Kitora. You made me so happy today" Napakamot siya sakanyang ulo kaya tumawa ako. Mahina ko siyang hinampas gamit ang malaking teddy bear.  "Sabi kong huwag kang mamula sa harapan ko eh! Sa susunod pipingutin ko 'yang tainga mo! Nangunguna palagi sa pamumula eh!" Sabay kaming napatawa nang iminuwestra niya saakin na itry kong pingutin ang kaniyang tainga.  "Oh sige na. Umuwi ka na. Gabi na oh. Salamat din sa araw na ito. Naenjoy ko" Panandalian kong nakalimutan ang aking problema. Pakiramdam ko naglakbay lang ako sa isang fantasy land kung saan isang pikit ko lang ay makakalimutan ko na ang lahat.  "Sige. Good night, Luna" "Good night, Kazuki" Kinawayan ko siya bago isinarado ang gate. Pero hindi ako gumalaw roon. Alam kong nasa labas pa ng gate si Kazuki. Pinakiramdaman ko siya. At dahil sa sobrang tahimik ng paligid, rinig na rinig ko ang kaniyang sinabi.  "I will never forget you, Miss. It is fate  who brought us to meet." Is it just me, o pakiramdam ko hindi si Luna ang minimean niya sa MISS na iyon? Binuksan ulit ang gate dahil naalala ko na may sasabihin sana siya saakin noong nasa coffee shop kami pero hindi niya natuloy. Ngunit wala na siya roon. Lumakas ang t***k ng puso ko. Hindi kaya may kinalaman si Kazuki kung bakit ako nandito? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD