Chapter 6
Hindi ako mapakali habang nakaupo sa aking upuan. May mga estudyante na nakatingin saakin, dumudungaw lang dito sa classroom namin at babatiin ako. Mamayang hapon na gaganapin ang labanan sa pagitan ni Luna at Akame. At ako pa itong napapahamak. Hindi ko naman kasi alam na seseryosohin ni Luna ang hamon ni Akame. Nakakainis lang dahil kahit saan tignan talo ako kay Akame. Napabuntong hininga na lamang ako. May mga lumapit saakin para sabihing galingan ko. Tinatanguan ko lang sila at hilaw na ngumiti.
Normal naman saakin ang aking ikinikilos dahil una sa lahat hindi ko naadopt ang pag-uugali ng mga hapon. Napapansin ko lang na karamihan sa lumalapit saakin ay mga nerd. Napabuntong hininga ulit ako. Hindi ko naman kasi inakala na tatagal ako ng limang araw rito! Nakuha ng tingin ko ang apat na lalaking nagtutulakan. Namumula ang nangunguna sakanila habang nahihiyang nakatingin saakin. Pinagtaasan ko sila ng kilay, tss a bunch of nerds, again.
"Kaya mo 'yan, Menma." Narinig kong sabi ng lalaking may buhat-buhat pang mga libro.
Tumikhim ako at umayos ng upo. "Anong kailangan niyo?" Tanong ko na nakapagpatalon sa kanila.
Mukha ba akong ghost?
"A-ayoko na nga! Nakakatakot parin siya hanggang ngayon!" At tumakbo ito palabas ng classroom.
Agad naman sumunod sa kaniya ang tatlo. Para akong nagkaroon ng question mark sa ulo ko. Ayos lang kaya sila? Inihilamos ko ang aking mga palad sa mukha ko. Nakakapanghina habang iniisip kong kahit isang keys wala akong alam. Bakit ba wala akong talento pagdating sa musika?
"You look stressed"
Napaangat ang tingin ko kay Kasei. Sinimangutan ko ito.
"Pwede bang magback off?"
Bakit kasi sineryoso ng Dean ang hamon ni Akame? Dahil malaki ang tiwala ni Dean kay Luna? Nabanggit sa nobela na ang Dean mismo ang naging professor ni Luna sa kaniyang piano lesson. Simula pagkabata ay ang Dean na mismo ang nagtuturo kay Luna, simply because the Dean is her father's best friend. Kaya naman sobrang natutuwa si Dean kay Luna. Now I know why Kasei said something like that when he asked me if i would love to go home.
"Bakit ka naman aatras?" Nagtatakhang tanong ni Kasei saakin.
Napalunok ako. Sasabihin ko ba na hindi ako marunong mag piano? Ha, eh baka pagtawanan ako. Hindi na bibenta kung sabihin kong nauntog ulit ang ulo ko at nakalimot na ako.
"Tensed. You're just tensed, Luna. Come on, ikaw pa ba? Kayang-kaya mo si Akame"
Then he give me that assuring smile. Napatigil ako bigla at napatitig sa kaniyang ngiti. Suddenly I felt my heart skipped for a bit. Or am I imagining things? Alam ko namang sobrang attractive ni Kasei sa manga mismo. Pero iba pala kapag totoong tao na ang kaharap mo. Kumurap-kurap ako at tumikhim. Siguro natukso ako kay Kasei sa manga kaya heto ako ngayon at nagiimagine na totoo nga lahat ng character sa binabasang kwento. Oh masamang ispiritu! Layuan mo ako!
Napapakagat labi na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagtitipon sa loob ng Grand Stand ng school. Patay, magsisimula na ang laban pero ako palaboy-laboy lang. Pag pumasok ako jan at umakyat ng stage, katapusan na ng lahat. Hindi lang ako mapapahiya kundi masisira ang image ni Luna! My god ano ang gagawin ko?! Someone please help meeeeeeee!!
Sa sobrang lawak ng Kaitou High hindi na ako magugulat kung bakit tinitingala ng mga taga Tekkei Highschool at Karasuno High ang school namin pati mga estudyante. Ito na ata ang pinakamalaking eskwelahan sa buong Tamahome Land. Oh ngayon ang school pa ang iniisip mo ha? Huhu hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!
"The challenge will be started in a minute, fetching Kitora Kangguro. I repeat, The challenge will be started in a minute. If Kitora Kangguro will not be presented here, she will be disqualified and the Dean will delegate Akame as the new World Champion Pianist."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. s**t I can't just ruin Luna's reputation and image and career just because I don't know how to play piano! But there's no other way but to let Akame win this match.
"AKAME! AKAME! AKAME!"
Students started chanting Akame's name as she go up on stage. Hindi muna siya umupo sa tapat ng kaniyang sariling piano. Sa kanan ay nandoon ang piano na ang Dean mismo ang nagdala para kay Luna. Nakita ko ang dismayadong mukha ng ibang estudyante at mga guro. Si Dean ay nakaupo sa gilid kasama ang ibang guro pero hindi naman siya mukhang galit. Nilapitan siya ng EMCEE at may binulong. Ako naman ay pilit nakikisiksik sa mga estudyante dito sa baba at tinatakpan ang mukha gamit ang isang panyo. Binili ko ito kanina.
"Luna will be here. Let's wait for her please. I know my favorite moon won't let me down. Thank you."
Mas lalo akong naguilty at nanlumo ng marinig iyon kay Dean. Biglang umakyat sa stage si Kasei para abutan ng mineral water si Akame. May mga kinilig pa nga nung nginitian ni Akame si Kasei. Gosh, kita niyo 'yun? Aba'y nareject na nga itong martyr na ito heto na naman at nagpapasikat sa babaeng ito.
Nahawi ang mga estudyante sa gitna ng dumating ang grupo ng varsity player, at nangunguna roon si Kazuki. Nanlaki ang mga mata ko. Ngiting-ngiti ito habang nakikipagbiruan sa mga kasama niya. Hindi niya man lang binigyan ng tingin si Akame. Sinulyapan ko si Akame at nakita ko siyang nangingislap ang mga mata habang nakatanaw kay Kazuki, at si Kasei ay mapait na ngumiti bago nagpaalam na bababa na ng stage.
Ngayon ko pa ba kukwestiyunin ang rason ni Luna? Ang usapan nila ni Akame ay pag natalo ni Akame si Kazuki, ay ilalakad siya nito kay Kazuki at irereject sakali mang manligaw si Kazuki kay Luna. At kapag nanalo si Luna? Iyon ang hindi ko pa alam. Tinanggap ito ni Luna dahil gusto niya rin naman si Kazuki. Pero paano na ito ngayon? Watashi wa nani o subeki ka?! (What should I do?!)
Nilunok ko na ang lahat ng natitirang kaba saakin at umalis sa kinatatayuan ko. Lumabas ako sa loob ng Grand Stand at inayos ang sarili. May mangilan-ngilang estudyante ang nasa labas, pero dahil may sarili silang ginagawa paniguradong hindi nila ako mapapansin. Dumiretso ako sa locker room ng school at doon nagpalit ng damit. Pupunta ako. Pero siguro ang nag-iisang choice ko ay ang isuko ang laban.
Halos hindi na ako makangiti nang makapasok ako sa Grand Stand. Maaliwalas man ang lahat pero pakiramdam ko ambigat-bigat ng balikat ko, bawat paghakbang tila ba may nakasabit na mabigat na bagay sa katawan ko. Ni hindi ko maayos ang porma at ang paglalakad ko. Sa tanang buhay ko mukhang matitikman ko na kung paano mapahiya sa harap ng maraming tao.
Everyone clapped their hands when I entered the Grand Stand. Nangunguna roon ang varsity players at ang grupo ng mga nerds. Para akong nakakain ng panes na pagkain kasi pakiramdam ko matatae na ako. Pinagpapawisan ako ng malamig.
"Finally Kitora is here. A warm welcome for our World Champion Pianist, Kitora Kangguro!"
Sobrang ingay. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko ibang tao ako. Hindi ako si Luna, o hindi ako si Yashita. Umakyat ako ng stage. Pero pati mga paa ko'y hindi ko maramdaman. Nagtama ang paningin namin ni Akame. Bakas sa kaniyang mukha ang malaking tiwala sa sarili. Nanginig ang aking mga kamay pagkaupo ko pa lang sa harap ng piano. Normal ba 'yung malula ka habang nakatingin sa mga keys? Nakakatawa ka, Yashita.
"Sa labanang ito, walang patakaran. Ang nag-iisang criteria upang mapagdesisyunan ang mananalo ay ang buto mismo ng mga estudyante at mga guro. Ngunit dahil dumating si Kitora Kangguro, hindi na maipapasa ang titulo niya bilang isang World Champion Pianist."
Para akong nakahinga ng maluwag pagkarinig ko sa sinabi ng EMCEE.
"Pinaunlakan ng Dean ang hamon ni Akame kay Luna para sa isang bagay na silang tatlo lamang ang nakakaalam. At dito rin masusukat ang galing ng dalawa."
Bumalik ulit ang kaba ko habang nagsasalita ang babae. Hindi ko maiwasang masulyapan si Akame na nakangiti ng malapad habang pabalik-balik ang tingin saakin at kay Kazuki. Para akong bingi, hindi man lang marinig ang sinasabi ng EMCEE. Ganito ang pakiramdam ng sobrang kinakabahan. Lumalakas ang aking paghinga.
"Simulan na!"
Napalunok ako nang muling nag-ingay ang mga tao sa paligid. Tumayo si Akame at nag bow bago umupo muli sa kaniyang upuan at pinusisyon ang kaniyang mga daliri.
"AKAME! AKAME! AKAME!"
"KITORA! KITORA! KITORA!"
Sa alon ng mga tinig na iyon, nangingibabaw ang boses ni Kasei. Ngiting-ngiti ito habang naka okay sign kay Akame. Sumisigaw ito ng buong pangalan ni Akame. Aba. Suportado ang loko.
Natahimik ang lahat nang magsimulang tumugtog si Akame. Bilang isang mangguguhit, ramdam ko ang pinaghalong lungkot at silakbo ng damdamin na napapaloob sa kaniyang itinutugtog. The way she moves her fingers, the sound the piano producing is very heartwarming. It gives you the reason to imagine someone who you want to dedicate the lyrics with. I can tell that she's very talented.
Sa sobrang pokus ng lahat sa kaniya. Muntik na nila akong makalimutan. Kung tutuusin dapat kanina ko pa sinabayan si Akame sa pagtugtog. Pero hindi ko maigalaw ang aking mga daliri. Ayaw ko na mapahiya ako lalo na't kung susubukan kong bumuo ng tunog ay baka pumangit ang kay Akame. Pero anong gagawin ko? Kanina pa tumutugtog si Akame at hindi man lang ako nagpakitang gilas.
In that moment I let her finish the lyrics. Without doing anything, without trying to compete with her. Pumalakpak ang lahat pagkatapos nun. At saakin naman napunta ang lahat ng atensyon nila. They are waiting for something that would never come. Nginitian ko sila ng pilit at nag peace sign. May mga tumawa at ang iba'y tahimik lamang.
Sinulyapan ko si Dean at nakangiti ito habang nakatingin saakin. Ang laki naman ng expectation ng iba kay Luna...
"I… I-i won't compete with Luna"
Ang mga katagang pilit kong binibigkas ngunit hindi lumalabas saaking bibig. Para bang labag sa kalooban ko na isuko ang laban. Tinitigan ko lang ang piano sa harapan ko. At sa kauna-unahang pagkakataon naramdaman ko ang awa sa sarili ko. Para akong ipinahiya sa harapan ng maraming tao. Para akong bata na pinagalitan ng guro niya dahil pati 1+1 hindi man lang masagutan. Ipinikit ko ang aking mga mata at maramdaman ko ang aking mga luha na nag-uunahan sa pagpatak.
"Tik tok, tik tok..."
That's Akame. Inip na siguro. Siguro wala na talaga akong choice. Napadako ang tingin ko kay Kazuki. He looks sad. Napakagat labi ako.
"Wipe your tears," he mouthed and smiled.
I'm sorry Luna. I'm sorry Kazuki. Tumayo ako at huminga ng malalim. Buo na ang desisyon ko.
"Hindi ko na kakalabanin si Akame. Panalo na po siya." Pikit-mata kong sambit na nakapagpatahimik sa buong paligid.
Tumingin ako kay Akame at gulat na gulat ito. Alam kong hindi pekeng gulat iyon. Lahat ay hindi inaasahan na isusuko ni Luna ang labanang pinaunlakan niya. Pati ako ay hindi ko gugustuhing sumuko si Luna. Agad naman na sumang-ayon ang mga guro maliban kay Dean. Dismayado ang kaniyang ekspresyon. Nakakahiya na talaga ako. Binigyan ko pa ng sakit ng ulo ang Dean at si Luna.
Bababa na sana ako ng stage. Pero, "Hindi pa tapos ang laban."
Nilingon ko si Akame. Mula sa pagkakagulat napalitan ito ng ngiting-aso. What? Anong hindi tapos ang laban?
"Isinuko ko na, Akame. Ano pa bang gusto mo ha? Panalo ka na, magagawa mo na ang kung ano mang napagkasunduan natin noon."
Tatalikuran ko na sana siya ngunit may mga estudyanteng umakyat sa stage dala-dala ang mga gamit pangguhit. Huh? What's the meaning of this? Tumayo si Akame at binigyan ako ng nangmamaliit na tingin. Bumaba kaagad ang mga estudyante pagkatapos maarrange ang mga materials.
"Hindi ko inaasahan na mananalo ako sa unang round ng laban natin, Luna. Paano pa kaya kung manalo ako sa panghuli?" Masyadong nangmamaliit ang kaniyang tinig.
So in the very beginning she is trying to corner Luna?! Kasi alam niyang hindi marunong magpinta si Luna. Sinigurado niya na matatalo siya sa first round ng laban, pero sa last round ay sa kaniya ang huling halakhak. Napakuyom ako sa inis at galit. I hate that kind of person. Ayaw na ayaw ko sa taong kinakawawa at minamaliit ang ibang tao.
This Akame is not just selfish, she's evil. Ang pagmamahal niya kay Kazuki ang nagpabulag sa kaniya. Ang pagmamahal. Tss. Hindi ko siya kailanman mapapatawad. Hinding-hindi ko kakalimutan ang araw na ito, ang araw na minaliit niya si Luna, dahil sa ngayon, tanggap kong ako si Luna sa labas, pero ako si Yashita sa loob.
I licked my lower-lip and faced the students.
"This will be the last round of the challenge. Inaanyayahan namin si Kasei Tatsumi na umakyat na stage at ang apat pa nitong kasama. Sila ang magsisilbing hurado," ani EMCEE.
"Panigurado si Akame na ang magwawagi."
"Walang laban si Luna kay Miss Akame."
"Hindi pa nga nagsisimula ang laban alam na natin kung sino ang mananalo."
Tss. Pathetic. Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok. Hindi na kailangang itali. Kunting bangs lang ito pero kiri pa rin naman. Bumalik ang sigla ko ng maisip si Kakashi Hatake, okay, let's get it on. Sa puntong ito, lalaban ako.
Agad akong pumunta sa pwesto ko. Nagulat ko ata ang lahat at lahat sila napatigil sa kung ano man ang ginagawa nila.
"Akame, panalo ka na sa unang laro. Pwede mong ipakansela kay Dean ito." Narinig kong sabi ni Kasei kay Akame.
"Ano ba! Akala ko ba Kasei nakapag-usap na tayo? Hindi ba sinabi ko sayo na suportahan mo na lamang ako kay Kazuki?"
Killing two birds with one stone, huh. Getting rid of Kasei and then Luna for the sake of your love… nonsense. I gritted my teeth and use the paint brush to put a stain on my face and draw a circle on my right cheek. Napaghalo ko na ang paborito kong kulay. Ngayon Akame, ipakita mo saakin ang galing mo. Siguraduhin mong mapapantayan nito ang paghanga ko sa isang simpleng mangguguhit na bago pa lamang natututo.