Kabanata 1
Riadella's trip to a secluded town was tiring. It took her more than ten hours just to get here. Maybe, if she didn't commute, she'll be here early than usual. But, Riadella doesn't want to use her car because of the fact that her parents might trace her. She has to leave her belongings so that she can live freely for the mean time.
Riadella walked slowly as she neared at the rocky pathway...
"Excuse me po. Manong, saan po ba ang bangkang sasakyan patungo sa El Sitara?" marahan niyang tanong sa matanda.
"Naku! Huli ka na, nakaalis na ang bangka."
Ani nito at nagpatuloy sa ginagawa. Mayamaya ay muli siyang binalingan nito. "Pero kung gusto mo, sumabay ka na lang kay Syd."
Kumunot ang kanyang noo. "Sino naman po 'yon?" natawa lang ang matanda sa naging reaksyon niya.
"Wag kang mag alala mabait iyon— oh, and'yan na pala siya, e."
Sinundan ni Riadella ang direksyon na tinitingnan nito. Pinagmamasdan niya ang matangkad na lalaking may namumutok na biceps dahil sa dalang malaking banyera na ngayon ay wala ng laman. Kahit nakatalikod ay pansin niya kaagad ang malapad nitong katawan. Halatang babad rin sa initan dahil sa mamula-mula nitong kulay.
"Doon nakatira 'yang si Syd. Pumupunta lamang rito para dalhin sa pamilihan ang mga nahuling isda." rinig niyang turan ng matanda.
"Mabait 'yan, kahit hindi naman kailangan na magdala ng mga isda ay kanyang ginagawa. Minsan pa nga hindi na niya 'yan pinababayaran. Lumaking marangya naman kasi ang binata." dagdag pa ng matanda na animo'y binibida ang lalaki sa kanya.
Tumikwas naman ang kanyang kilay. "Manong, gusto ko lang naman pong makarating sa isla pero bakit parang gusto niyo nang i-kwento ang talambuhay niya? Anak niyo po?"
Natawa naman ang matanda dahil sa kanyang tinuran. Umiling na lamang ito at niyakad siyang lapitan ang lalaki.
"Syd, babalik ka na ba sa isla? Puwede mo ba siyang isabay? Nakaalis na kasi ang bangka mula pa kanina."
Kumunot naman ang noo ng binata. Lumingon pa nga sa paligid na para bang may tinitingnan. Kalaunan, binalingan din ang matanda na may pagtataka.
"Nakaalis na?"
May pagdududang tanong pa nito dahil naroon pa naman ang sinasabi nitong bangka. At iyon lang din naman ang tanging bangkang pinapapayagan makatawid sa kasunod na pribadong isla. At isa pa, ang matanda mismo na nasa kanilang harapan ang may-ari din nang bangkang patambay tambay lang sa tabi ng dalampasigan.
Pansin niya pang naging mailap ang mga mata ng matanda dahil kung saan-saan na nakatingin. Hindi na lamang niya iyon pinagtuunan ng pansin.
"Oo. Nakaalis na nga, Syd." tila nagmamadali pang ani nito na akala mo nakalusot na sa pinagtatakpan nitong 'di matawarang katamaran.
Wala namang nagawa si Syd at siya na ang binalingan. Marahan itong tumango. "Aayusin ko lang ang bangka. Maghintay ka dito." gustong ngumiwi ni Riadella nang mahimigan nito ang tila nagsusungit ang binata sa tono ng pananalita niyon.
"Wag mo na lamang pansinin. Gano'n lang talaga si Syd. Mukha mang pinaglihi sa sama ng loob pero mabait 'yan." singit na naman ng matanda na akala mo hiningian ng opinyon.
Tumango na lamang siya at nag paalam na rito dahil tinawag na siya ng masungit na binata. Mukhang tapos na nitong ayusin ang bangka pati na rin ang dala niyang luggage bag at isang backpack. Tinulungan din siya nitong sumakay sa bangka dahil napansin yata nitong hirap siya dahil sa suot na sandalyas at nagkataon pang hanggang kalahati ng hita lamang ang suot niyang bistida. Well, she couldn't blame herself for wearing such kind of dress because there's no doubt that she loves to wear those and she's even more comfortable with it.
"Puwede bang magtanong? May kilala ka bang Tanya Vianca Vinciguerra? Do'n kasi ako pupunta." bigla naman siya nitong nilingon.
"She's my younger sister." kahit seryoso ang mukha ng binata ay hindi maiwasan ni Riadella ang titigan ito. Maraming guwapo sa Manila pero hindi niya maitatanggi na kakaiba rin ang pagiging magandang lalaki ng kaharap.
Napaisip naman bigla si Riadella. "Oh, akalain mo 'yon may kapatid pala ang babaeng 'yon na mukhang international model at mukhang pinalad na halos masalo na nito ang lahat ng katangian."
"Kaibigan ko si Tanya. Siya rin ang nagyayang sa kanila ako magbakasyon." paliwanag na lang niya rito. Tumango lamang ang binata at muling binaling ang tingin sa unahan.
Nang makarating sila sa El Sitara ay agad niyang nakita si Tanya. Malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa kanila na animo'y proud na proud sa nagawa.
"Mabuti na lang nando'n pa si Kuya Syd, kundi wala kang masasakyang bangka." ani nito at niyakad na siya patungo sa naghihintay na itim na BMW sa 'di kalayuan.
"Oo nga. Bakit kasi hindi mo na lang ako hinintay kanina?!" napaiwas naman ito ng tingin.
"Inayos ko ang silid na gagamitin mo."
"Puwede mo naman iyon ipasuyo na lang."
"Masyado kang importanteng bisita, kumbaga VIP ka. Kailangan ako mismo ang mag aayos no'n." pero ang totoo sinadya naman nitong iwan siya dahil nga sa plano nito.
Natigil na rin sila sa pagtatalo ng makalapit si Syd. Inutos din nitong pumasok na ang dalawa sa loob ng sasakyan na siya rin naman nilang agad na ginawa.
"Malayo ba ang mga bahay rito?" pansin niya kasing pulos niyugan lamang ang nadadaanan nila mula pa kanina.
Nilingon naman siya ni Tanya. "This island is a private property. Only a Nervalez blood has access to this island."
"But... you're not a Nervalez. Lavilla was your middle name."
Tanya just smiled at her and pointed her forefinger where Syd been seated. "That man right there is a Nervalez. Kuya Syd's mother owned this island. To make story short, he owned this island because Kuya Syd is the only son of Sandrine Nervalez and an only grandson of Senyora Sandra and Don Adriano Nervalez. Sana all 'di ba?"
Riadella was beyond speechless. She couldn't even properly process those information she just receives from Tanya's talkative and uncontrollable mouth. Tanging tango na lamang ang nagawa niya. Hindi na rin siya umimik at baka maisipan na naman niyang magtanong at ang walang pakundangan niyang kaibigan ay sagutin na naman siya at magbigay pa ng ibang impormasyon na animo'y sumasagot lamang sa essay writing.
Looking at the huge mansion in front of her, Riadella couldn't hide the admiration that visibly written in her beautiful expressive brown eyes. Seeing the mansion that has a touched of Italian renaissance designed. Somehow, it made her think that she's back in renaissance period. And to top of that, Riadella couldn't imagine that she's in the middle of an island where the huge and old mansion was built.
"Benvenuto nella casa piû dolce del mio carissimo fratello, Riadella." (Welcome to my dearest brother sweetest home, Riadella.)
Immediately, Riadella looked at her side. "Am I really welcome here, Tanya?" she can't help it but asked.
"Oo naman, no! Si Kuya Syd na rin naman ang nagsabi na puwede akong magdala ng kaibigan rito."
Riadella just tilted her head and whispered. "Your brother's face was very unwelcoming..."
"Don't mind him. He's just impersonating Lady Gaga's song— mum mum mum (mah) po-po-po-poker face.”
Naguluhan naman siya at kunot ang noo na binalingan si Tanya na kung makatawa ay parang wala ng bukas. Kumanta lang naman ito ng wala sa tono ay nagkagano'n na bigla.
"What?!"
Again, Tanya just laughed wholeheartedly. Hawak pa nito ang tiyan, namumula na ang mukha at halos maiyak na kakatawa. Napailing naman siya. Malala na ang babaeng 'to.
Sa wakas ay huminto na rin ito at sumeryoso ngunit manaka-naka pa rin ang pagtawa kaya sinamaan niya ito ng tingin para magtino.
"Alright, I'll stop now. I'm just joking, Riadella. Let's go. I'll show you your room."
"It was lame. Don't do that again or you'll see yourself struggling to death in the middle of the sea— escaping not to be eaten by a shark.
"There is no shark here, my friend."
"Oh, good for you, then."
Kinagabihan, matapos nilang mag hapunan ay hinatid siya ni Tanya sa kanyang silid.
"Matulog ka na. Bukas ng umaga ipapasyal kita. Meron ditong Waterfalls, puntahan natin." ani nito. Patulak pa nga siya nitong pinasok sa loob ng silid. Sinamaan niya ito ng tingin. Ewan niya ba pero habang tinitingnan niya ito ay mukha pang kinikilig.
Tanghali na ng magising siya. Pababa pa lamang siya ng hagdan ay naririnig na niya ang boses ni Tanya. Kausap niyon si Syd. Na agad din namang nahinto ang pag uusap ng dalawa nang parehong mapatingin sa kanya.
"Mabuti naman gising ka na, Riadella. Pero mukhang hindi kita masasamahan mamaya. May aasikasuhin pala ako ngayon. Wag kang mag alala napapayag ko naman si Kuya Syd na samahan ka." do'n naman kumunot ang noo niya.
"Puwede namang pumunta do'n bukas pag wala ka ng gagawin, ah." hindi niya sigurado pero parang pinandilatan siya ng mga mata ni Tanya.
"Ano ka ba! Ang ganitong mahahalagang bagay ay hindi na dapat ipinagpapabukas pa. Malapit pa lang tayo sa exciting part."
"Huh?"
"Wala."
Wala na nga ring nagawa pa si Riadella kundi ang gawin na lang ang sinabi nito. Ayaw man niya dahil medyo nahihiya sa kapatid nito at maaabala pa niya, ay tinuloy na rin niya ang pagpunta sa Waterfalls na sinasabi ni Tanya. Kaysa naman mawalan ng saysay ang pag punta niya rito. Wala naman sigurong masama kung hiramin niya muna nang isang araw ang oras ng lalaki. Wala naman yata siyang gagawin at pumayag naman pala.
Matarik ang kanilang dinaraanan papunta sa Waterfalls. Maingat ang kanyang mga hakbang para hindi madulas. Nauuna si Syd sa kanya at tila hindi napapansin ang malapagong niyang paglalakad. Nakanguso siyang nakatingin sa malapad nitong likod.
"Pag lumingon ka, akin ka—"
At nang lumingon nga si Syd. "May sinasabi ka?" nakakunot noo na tanong nito.
Lihim siyang napangiwi. "Ah. Wala," gusto na lang niyang batukan ang sarili.
Pansin niya ang paninitig nito. Nakita rin sigurong nahihirapan siyang umakyat sa matarik na daan. Inilahad nito ang isang kamay. "Humawak ka. Baka abutin pa tayo kinabukasan sa bagal mong maglakad."
Nakataas ang mga kilay na tiningnan niya ito. "Minsan na nga lang umimik... tama nga si Manong para talaga siyang pinaglihi sa sama ng loob." hindi naman iyon narinig ng binata na ikinaluwag ng paghinga naman ni Riadella.
Magkaagapay na silang naglalakad na animo'y close na close sa isa't isa. 'Di kalaunan, narating na rin nila ang mabatong Waterfalls. Walang paligoy ligoy na nagtanggal si Riadella ng kanyang mga damit at tanging ang panloob at itim na cycling short na lamang ang tanging suot. May pagmamadaling tumalon at walang sawang nagtampisaw sa malawak at hugis bilog na tubig.
Nakalimutan na yatang may kasama siyang masungit na binata na may mariin at seryosong tingin na ipinupukol sa kanyang lantad na maputi at makurbang likod.
Huminto ang dalaga sa paglangoy at nakangiting binalingan si Syd na tahimik lamang na nakaupo sa isang malapad na bato "Hindi ka ba maliligo?" mayamaya ay tanong niya rito.
Umiling si Syd. Pinilit naman siya ni Riadella, "Tara. Maligo ka na din, kaysa naman nakaupo ka lang d'yan."
Muling umiling si Syd kaya iningusan niya ito. Unti-unti siyang lumapit rito at nang magkatapat na sila ay ngumisi siya rito at walang pagdadalawang isip na kinuha ang mga kamay ni Syd at mabilis iyon na hinila dahilan para tuluyan itong malaglag sa tubig.
Basang basa si Syd na ikinatawa niya. Walang imik naman siyang pinagmasdan ng binata. Nagtitigan lamang sila hanggang sa walang imik at seryosong tinanggal nito ang suot na puting shirt at basta na lamang nitong sinampay sa malapad na batong inuupuan nito kanina.
"Sei così cattiva, signorina." (You're so naughty, young lady.)
RIADELLA did her best not to showed any emotions when Syd's removed his own shirt in front of her. She was thinking that this man has no shame. Pero naalala niyang ganoon din naman ang ginawa niya na basta na lamang ang pagtatanggal ng sariling kasuotan sa harapan nito. Riadella tried to move backward. So that she couldn't feel intimidated because of their height's differences. Syd was tall. Sa tangkad nito ay kailangan pang yumuko para tingnan siya.
"Oh, now you're stepping back." ani nito sa nanghahamon na tono.
Marahil ay ayaw niyang basta na lamang ang manahimik, tinaasan niya pa si Syd ng kilay. "Masyado ka nang malapit. Don't you even know... what space supposedly mean?"
"Does the space we have is bothering you?" turan naman ni Syd na halata pa rin ang kaseryosohan sa mga mata nito.
Eksaherada naman ang pag iling ni Riadella rito. "No. You're just blocking the air,"
"Why?" ngumisi pa ito sa kanya na ikinais naman niya. "Maybe, my presence is now taking your breath away, hmm?" tumalikod si Syd at hinayaan ang sariling lumusong pailalim sa malinaw na tubig palayo sa kanya.
Napatanga na lang siya dahil sa sinabi nito, kumurap-kurap pa nga ang mga mata na tila ba pinoproseso pa ang mga salitang binitawan rito ng binata. 'Di yata makapaniwala si Riadella na basta na lamang babanat ng ganoon si Syd na animo'y guwapong guwapo sa sarili. Napailing pa siya. Napasukan pa yata ng tubig ang tainga nito kaya pati ang matinong kaisipan ay naapektuhan?
Biglang lumitaw si Syd sa mismong harapan niya, nagtama ang kanilang mga mata. "Ang kapal mo!" aniya habang malayang pinagmamasdan ang kulay berdeng mga mata na kasing kulay ng tubig na nakapaligid sa kanilang dalawa.
Wala yata siya sa tamang huwisyo dahil nakita na lamang niya ang sariling itinataas ang mga kamay at inihawak pa ang mga iyon sa parehong pisngi ni Syd at muli itong tinitigan na para bang nahihipnotismo.
"Ang ganda ng mga mata mo,"
•••
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and events and incidents are just the product of the writer's imaginations. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime.
Posted on: February 15, 2023