Menudo
Sa isang bayan ng bacolod, may isang lalaki na nagngangalang ben. Si ben ay isang simpleng lalaki, na may simpleng buhay at pangarap. Medyo mahirap ang buhay nya dahil wala syang regular na trabaho. Pag aalaga lamang ng baka ang kanyang pinagkakakitaan sa araw-araw. Hindi sya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kanilang kahirapan. Sampu silang magkakaptid kaya mas pinahirap pa ang kanilang sitwasyon noon kaya hindi sya nakatapos ng pag -aaral. Grade 1 lamang ang inabot ni ben. Gayunman, sa kabila ng hirap ng buhay, ay masaya dahil kasama nya ngayun ang pinakamamahal nyang si agnes. Matagal na silang nagsasama ni agnes at ang nais nya sana ay mapakasalan ito at mabigyan ng masayang buhay.
Habang naglilinis ng baboy, biglang dumating si shane na may dalang menudo.
Oh shane, nabisita ka! " sabi ni ben
"Hi ben. Kamusta. Abalang abala ka ah. May dala nga pala kong menudo. Dumating kasi kamaga-anak ni mama kaya may konting salo-salo. "Sabi naman ni shane.
Mukang masarap ah. Pakisabi kay tita salamat. " Sabi ni ben.
Hay nako ben,kung andito si mama ang isasagot sayu nun eh wag kana magpasalamat, pumunta ka nalang daw sa bahay at mis kana nya." sabi ni shane.
(Napatawa) pakisabi kay tita kapag hindi busy dalawin ko sya " sabi ni ben.
Sa patapos na usapang iyon ay biglang dumating si agnes.
Oh mahal. May dala nga palang menudo si shane. Sabi ni ben.
Bilisan mong maglinis jan at pagkatapos mo maligo ka mabuti. Hwag ka tatabi sakin na amoy baka ka." ani ni agnes.
Sige na ipasok kona tong menudo." kasunod na sabi niya na biglang tumalikod.
Hay nako ben. Ang sama talaga ng ugali nyang babaeng yan. Bakit kasi pinagtitiyagaan mopa yan.Nga pala, tinutulungan ka manlang ba sa bayarin nyo sa bahay?" Tanong ni shane.
Hindi. Pero ayus lang naman yun. Ako naman yung lalaki eh. Syaka sya yung prinsesa ko. " pabirong sabi ni ben.
Hay ewan ko sayu ben. Kailan kaba magigising. Dapat tinutulungan kapa din nya. Hindi yung puro sya luho. Pagalit na sabi ni shane.
Sige na alis nako. May gagawin pako. Basta pag may problema hwag ka mahiya magsabi." Sabi ni shane sabay alis na may pagkainis sa kanyang muka.
Matagal kona kaibigan si shane kaya ganun sila kaclose. Magkababata sila. Kaya naman ganun nalang ang concern nito kay ben kapag may problema ito, lalo kapag tungkol kay agnes.
Hindi ko alam pero kapag nagmamahal siguro talaga, lahat gagawin at mamahalin mo sa isang tao kahit yung bad side nya. Pabulong na sabi ni ben sa kanyang sarili.