"Pasensya na talaga at hindi natin masasaksihan ang fireworks mamaya," nakayukong sambit ko nang nasa van na kami.
Napagdesisyunan din nilang umuwi nang nang marinig nila ang sinabi ni Aling Beth sa akin sa tawag kanina. Nagui-guilty tuloy ako kasi hindi namin masasaksihan 'yong fireworks nang dahil sa akin.
"Naku ayos lang, Akki. Gusto na rin namin umuwi eh," sambit ni Eli.
Alam kong sinasabi niya lang iyon para hindi ako lalo mag-alala at ma-guilty sa sarili ko. Pero kahit na anong sabihin nila, hindi pa rin ako makampante kasi nasira ko 'yong magandang bond namin kanina.
Tiningnan ko sila isa't-isa at gano'n pa rin ang pagkakaayos ng pagkakaupo namin katulad ng kanina. At habang tinitingnan ko sila ay parang hindi man lang sila nakaramdam ng disappointment dahil busy sila sa kanya-kanyang ginagawa at paminsan-minsang tumatawa. Ayos lang sa kanila 'yon? Na hindi namin masasaksihan ang fireworks?
"Alam niyo ba, itong si Louie todo kapit sa akin habang nasa loob tayo ng Horror House," natatawang kwento ni Quirro. Siya rin ang bumasag sa katahimikan.
"Sira! Hindi kaya!" pangatwiran ni Louie.
"Ang sabihin mo, nakakatakot ka lang," natatawang singit ni Kairen.
"Halata naman eh," singit din ni Bjorn na siyang nagmamaneho ng sinasakyan naming van.
"Ang sabi pa niya sa akin, 'wag mo 'kong bitawan, Quirro!" Ginaya pa ni Quirro ang paraan ng pagkakasalita ni Louie na siyang nagpatawa sa aming lahat.
"Parang 'yon lang eh," nakangusong sambit ni Louie. Sumuko na ata siya sa pagtatanggol sa sarili niya. Cute.
"Ito pa, nung nasa Roller Coaster tayo. 'Di ba sumisigaw tayong lahat?" Sumingit si Callen sa usapan. Lahat kami ay tumango nang nagtanong siya. "May ale kaming nakatabi ni Aixiel at dahil si Aixiel ang may pinakamalakas na sigaw ay pinagalitan siya no'ng ale kasi sobrang ingay niya raw. Sinabi pa no'ng ale na kalalaking tao ang ingay-ingay," natatawang kwento ni Callen.
Natawa kaming lahat dahil doon.
"Dahil din naman sa 'yo kaya tayo napagalitan kanina eh. Ang ingay kaya natin," aminadong sambit niya na mas lalo naming ikinatawa.
Marami pa kaming naikwento tungkol sa naging karanasan namin sa amusement park kanina. Napuno ng asaran at tawanan ang buong van. Nalaman ko rin na hindi lang din pala ako ang nadapa sa horror house dahil nadapa rin pala si Eli doon. Tawa ako nang tawa dahil sa nalaman.
At habang nagkwekwentuhan kami ay palagi kong binabantayan ang mga kilos ni Shaun. Hindi siya nagsasalita pero nakikitawa naman siya. Humahalakhak pa nga ito.
Napansin ko lang na sa tuwing tumatawa siya ay sumisingkit ang mga mata niya, parang ngumingiti rin 'yong mga mata niya. At saka napansin ko rin na kapag kasama niya ang mga kaibigan niya ay roon lang lumalabas ang other side niya. Ibang-iba siya kapag mag-isa lang siya.
Bakit kaya gano'n?
Nauna nila kaming hinatid ni Shaun sa bahay namin. Nang makababa ako sa van ay nagpasalamat ko sa kanila.
"Salamat sa paghatid at salamat dahil sinama niyo 'ko sa lakad niyo. Pasensya na ulit kanina ah?"
"Naku wala lang sa amin 'yon, Akki," sambit ni Eli.
"Sige, salamat ulit! Ingat sa pag-uwi!" Huling bilin ko saka sila kumaway sa amin at umalis na.
Nilingon ko si Shaun na nakatingin na pala sa akin. Nasa tapat kami ng bahay namin.
"Pasok na 'ko," pagpaalam ko. Ngumiti rin ako sa kaniya pagkatapos.
Wala akong narinig na tugon mula sa kaniya at tumango lang ito. Nagtungo na ako sa gate at binuksan iyon. Nasa tapat pa rin siya ng bahay namin at tila hinihintay niyang pumasok muna ako sa loob bago siya umuwi sa kanila. Ginawa ko naman iyon at tuluyan nang pumasok. Pero hindi ko pa man nasasarado ang gate ay titingnan ko muna siya at nakita kong nakapamulsa na itong naglalakad papasok sa bahay niya. I can help but to smile. May pagka-soft side rin pala ang lalaking iyon.
Kung hindi ko lang siya kilala, matagal na akong nacre-creepyhan sa kaniya.
Nang makapasok na ako sa bahay ay agad nila akong sinalubong.
"Buti na lang at nakauwi ka na. Ayos ka lang ba?" tanong ni Aling Beth.
"Ayos lang po ako," tugon ko.
"Pasensya na at naabala pa namin ang lakad niyo. Tumawag kasi ang mama mo eh."
"Ayos lang po 'yon. Galit po ba si Mommy?" tanong ko.
"Hindi ko alam eh. Matapos ko kasing sabihin sa kaniya na kasama mo ang mga kaibigan mo ay bigla na lang ka niyang pinapauwi," sagot niya. Hindi na ako sumagot at tumango na lamang. "Kumain ka na ba?" dagdag niya.
"Hindi pa po pero busog pa naman po ako eh. Akyat na po sa kwarto," paalam ko. Tinanguan lang ako ni Aling Beth saka siya nagtungo sa kusina.
Nang makapasok sa kwarto ay agad ko ring ginawa ng evening routine ko. Saka lang ako nakaramdam ng pagod kaya napagdesisyunan kong matulog na.
Kinaumagahan ay ang tawag ni mommy ang bumungad sa akin. Alas sais pa lang ng umaga ay tumawag na siya. Kahit inaantok pa ay sinagot ko ang tawag niya.
"Where have you been yesterday?" tanong niya. Sa tanong niya pa lang ay alam kong galit na siya.
Napabangon ako sa kama at nagtungo sa terrace para magpaaraw.
"Sa amusement park po. I was with my friends, mom," sagot ko.
"Friends? Akala ko si Mika lang ang kaibigan mo? May iba pa pala?"
"Yeah, they were my neighbor's friends and eventually naging friends ko na rin."
"So you were hanging out with your guy friends? Bakit sumama ka sa kanila gayong nag-iisang babae ka lang? Alam mo ba kung gaano kadelikado 'yan, Akki?"
Hindi pa man ako nakasagot ay napadako ang tingin ko sa terrace nila Shaun at nakita ko siya roon na nagkakape. Nang makita niya ako ay bahagya niya pang itinaas ang hawak niyang mug. Kumaway na lamang ako sa kaniya saka siya ningitian bago ko sinagot si mom.
"They were nice to me and I don't see any problem with that, Mom," I answered.
"Paano kung may gawin silang masama sa 'yo?"
Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Humphrey sa akin no'ng nakaraan. Speaking of Humphrey, hindi ko pa pala siya natanong kagabi dahil nakatulog ako!
"They can't do that to me, Mom, and I am sure of that. At saka kakaibiganin ko ba sila kung may balak silang masama sa akin?" I defended.
"Okay, whatever. Basta mag-iingat ka lang."
"Yes, Mom."
"I'll hang up now. Napatawag lang talaga ako to check you. Love you, anak!" Narinig ko pa ang pag I love you sa akin ni dad.
"Love you both!" I greeted back before she hangs up the call.
Lumingon ako sa terrace nila Shaun at nakita ko pa rin siya roon at nagkakape. Seryosong-seryoso siyang nagkakape at paminsan-minsang tinitingnan ang paligid. Batid kong nakaramdam siya ng kapayapaan dahil doon. A smile formed into my lips and then I decided to leave the terrace.
Agad akong bumaba ng kwarto at nagtungo sa kusina para magbreakfast. Naabutan ko sina Aling Beth, Aling Rosa at Kuya Alex sa hapag at payapang kumakain.
"Good morning po," bati ko sa kanila.
"Good morning, Akki. Halika, samahan mo kami," pag-aayaya ni Kuya Alex.
"Sige po."
"Sandali, ikuha muna kita ng kubyertos," paalam ni Aling Rosa.
Tumabi ako kay Aling Beth at tiningnan ang mga pagkain na nakalapag sa hapag. May itlog, hotdog, tocino, longganisa, gatas at kanin.
"Sabado ngayon 'di ba? Akala ko ba magjo-jogging ka ngayon?" sunod-sunod na tanong ni Aling Beth. Nabigyan na rin ako ng kubyertos ni Aling Rosa.
"Late na po akong nagising eh at saka tumawag din po kasi si Mommy kanina," sagot ko.
"Oh ano sinabi?" pag-usisa nila.
"Tinanong po kung saan ako nagtungo kahapon at pinagsabihan lang po na mag-ingat sa mga kaibigan ko."
"Hay naku itong nanay mo talaga. Ang bait-bait kaya ng mga kaibigan mo. Lalo na 'yong kapitbahay natin na si Shaun. Siya pa nga 'yong nagpaalam sa amin na isama ka sa lakad nila eh," komento ni Aling Rosa.
"Po? Si Shaun po?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Abay oo naman. Ang bait-bait ng batang 'yon."
Natahimik na lamang ako at kumain na. Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa 'yon ni Shaun kahapon. Akala ko ba wala siyang pakialam sa akin? Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.
Nang matapos akong mag-agahan ay pinagpatuloy ko ang paggawa ko ng thesis paper sa salas. Habang abala ako sa pagta-type sa laptop ko ay dumako ang mga mata ko sa cellphone kong nakapatong sa lamesa. Bigla kong naalala si Humphrey. Ngayon ko na siya tatanungin.
Pagkabukas ko pa lang sa messenger app ay pangalan niya agad ang bumungad sa akin. Biglang lumiwanag ang mukha ko dahil sa nakita. Agad kong clinick ang pangalan niya at nakita kong nagchat pala siya kagabi.
Humphrey:
Hi!
Agad din akong nagtype ng irereply ko sa kaniya.
Akki:
Hello!
Good morning!
Hindi ko alam na nagchat ka pala kagabi, nakatulog kasi ako kaagad eh. Galing kasi ako sa amusement park kahapon kasama ang mga kaibigan ko
Humphrey is typing...
Humphrey:
Good morning!
And it's okay though
So what happened yesterday?
Akki:
Ayon! Buti natanong mo
Sobra akong nag-enjoy sa lakad namin kahapon
Hindi ko nga alam na yayayain pala nila ako kahapon. Bigla ba namang pumunta sa school ko para yayain ako
Nakita kong nagse-seen si Humphrey sa chats ko kaya pinagpatuloy ko ang pagkwento.
Akki:
Si Aixiel ang nagbayad sa tickets namin. Sampu kami lahat at tatlong booths ang pinuntahan namin.
Humphrey:
HAHAHAHAHA siguro malaki-laking pera ang nagastos niya roon
Akki:
Sinabi mo pa
Ang mahal pa naman ng tickets doon pero mayaman naman siya eh kaya ayos lang yon sa kanya
Ayon na nga, una naming pinuntahan ang ferris wheel
Sumunod roller coaster na siyang nagpasuka karamihan sa mga kaibigan ko pero matibay ako kaya hindi ako tinablan ng suka
Last namin pinuntahan yung horror house
Ang malas ko pa kasi nadapa at nasugatan yung tuhod ko
Humphrey:
Are you okay?
Akki:
Oo naman no!
Malayo to sa bituka
Tsaka kasalanan yun ng lalaking humablot sa akin kaya ako nadapa at nasugatan
At eto pa, ako na lang yung naiwan sa loob at nakalabas na yung mga kasama ko
Pero buti na lang dumating si Shaun (kaibigan ko rin) at sinamahan akong lumabas sa horror house
Humphrey:
That guy must be nice.
Akki:
Sinabi mo pa
Siya rin pala yung sinabi kong kapitbahay na pinaglihi sa yelo HAHAHAHAHA
Cold siya pero may tinatago rin pala siyang kabaitan
Humphrey:
May pagka-mysterious pala ang kaibigan mo.
Akki:
Parang ganon na nga
Pero bakit napunta tayo sa kanya? HAHAHAHAHA
Humphrey:
Ikaw nagsimula, hindi ako HAHAHAHAHA
Akki:
Okay, anyways, after nung sa horror house ay nagpahinga na kami. Manonood pa sana kami ng fireworks eh kaso tumawag si Aling Beth at pinapauwi na raw ako ni Mommy kaya agad din kaming umuwi
Na-guilty tuloy ako kasi nang dahil sa akin hindi namin nasaksihan ang fireworks
Humphrey:
Don't blame yourself. Hindi niyo rin naman inaasahan na gano'n ang mangyayari.
Akki:
Tama ka pero nagui-guilty pa rin talaga ako
Sana wala silang tinatagong sama ng loob sa akin HAHAHAHAHA
Humphrey:
Hindi naman siguro.
Akki:
Sana nga
Anyways, curious lang
Paano mo pala ako nakilala? Like, ano yung dahilan kung bakit napa-chat ka sa akin?
Sa wakas naitanong ko na rin 'yon sa kaniya.
Humphrey:
Hmm, paano nga ba?
I saw your account na dumaan sa newsfeed ko dati.
And it seems like you're friendly so I decided to chat you, to socialize.
At hindi nga ako nagkakamali kasi friendly ka nga.
I hope nasagot ko ang tanong ko.
Akki:
I'm speechless
Marami pa kaming napag-usapan at isa na roon ang paggawa ng thesis. Buti na lang maalam siya rito at natulungan niya pa ako. Pero curious pa rin talaga ako sa identity niya. Nasagot naman niya ang tanong ko pero parang may kulang. Hindi ko mawari.
At dahil umiiral na naman ang pagiging curious ko, nagsimula na akong alamin ang pagkatao ni Shaun.
Stinalk ko ulit ang account niya, nagbabakasakaling may makita akong importante. Agad din namang bumagsak ang balikat ko dahil wala ulit akong makitang pictures at friends niya. Tanging ako lang ang friend niya.
Agad akong kinutuban.
Hindi kaya poser itong ka-chat ko?