"Ingat sa pagtakbo, Akki," bilin sa akin ni Kuya Alex. Nang makababa kasi ako sa sasakyan ay sinimulan ko nang tumakbo papasok sa university. Hindi naman ako late pero tumatakbo ako para salubungin si Mika sa classroom. Hindi na kasi ako makapaghintay na sabihin sa kaniya ang nalaman ko noong sabado.
"Opo!" sigaw ko at saka pinagpatuloy ang pagtakbo.
Maraming nakakita sa akin pero hindi ko na binigyan ng pansin iyon. Nang makapasok ako sa classroom ay saka na ako huminto. Hingal na hingal akong umupo sa upuan ko. Napansin kong wala pa ang mga gamit ni Mika at wala rin siya sa upuan niya. Hindi pa dumadating ang babaitang iyon.
Napansin ng mga kaklase ko ang pangyayari at nagtataka silang tumingin sa akin.
"Ayos ka lang, Akki?" tanong ng isa kong kaklaseng babae.
"Oo, ayos lang ako." I gave her a assuring smile. Ningitian niya lang ako at saka niya binalik ang atensyon sa pakikipag-usap sa katabi niya.
Wala akong choice kundi hintayin na dumating si Mika para sabihin sa kaniya ang nalaman ko. While waiting for her to arrive, I busied myself doing my readings. Wala naman kaming quiz or exams pero nagbabasa pa rin ako ng notes ko incase na may biglaang recitation para naman handa ako kahit papaano.
Habang nagbabasa ako ay may biglang tumapik sa balikat ko at pagtingin ko ay nakita ko si Mika ma may malaking ngiti sa labi.
"Good morning! What's your tea for today?" pambubungad niya sa akin nang makaupo siya sa tabi ko.
"Gosh bakit ang tagal mo?" naiiritang sambit ko. Ofcouse, I didn't mean that. I just want to tease her.
"Alam mo naman kung gaano ka traffic sa Pinas 'di ba?" sarcastic niyang tanong. Natawa na lamang ako. "So ano na nga 'yong sasabihin mo sa akin? May nakuha ka na bang sagot mula doon sa nakachat mo?" sunod-sunod niyang tanong. Pasimple akong tumango. "Ikwento mo na!" dagdag niya. Ramdam ko ang excitement niya. Natawa na lamang ako.
"Sabi niya sa akin, napadaan lang daw 'yong account ko sa newsfeed niya. Mukhang friendly raw ako kaya napachat siya sa akin, to socialize na rin."
"'Yon lang?" Parang hindi satisfied si Mika dahil sa pagkakatanong niya.
I smiled. "Apprently, yes."
"Parang wala namang maibibigay na clue 'yon sa identity niya," komento ni Mika.
"Sinabi mo pa," I agreed.
"So paano na 'yan?" tanong niya.
Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. I was about to answer when our prof enters the room. Hindi ko na nasagot ang tanong ni Mika dahil nagsimula nang magdiscuss ang prof namin.
After ng morning class namin ay sabay kaming nagtungo ni Mika sa cafeteria to eat our lunch. Pinabaunan pala ako ni Aling Rosa ng niluto niyang adobong manok. Natuwa pa nga si Mika dahil makakatikim na naman siya ng niluto ni Aling Rosa.
"Ibabalik ko 'yong naudlot kong tanong kanina. So paano na 'yan? Hindi naman nakakatulong ang sagot niya sa identity niya." Mika just opened the topic about Humphrey's identity.
"For now, pakikisamahan ko muna siya. Pero hindi ko pa rin maiwasang itanong sa sarili ko na what if poser pala ang lalaking 'yon? What if may masama pala siyang intensyon sa akin?" I asked. Napasubo rin ako ng kanin matapos kong itanong iyon.
"Ikaw na mismong nagsabi sa akin na mabuti siyang tao." She just shrugged.
"Alam ko pero hindi ko pa rin maiwasang isipin iyon. Well, I don't judge him naman. Wala rin naman siyang pinapakita na kakaiba sa akin para pag-isipan ko siya nang masama. He even helped me with my thesis paper," I said.
"Tama ka rin naman," she agreed. "Pero 'di ba may mga kaibigan ka naman? Iyong ikinwento mo sa akin dati? Tanungin mo kaya sila kung isa ba sa kanila si Humphrey? What do you think?" she suggested.
"Oo nga 'no? Bakit hindi ko naisip 'yon?" Natawa ako sa sarili kong tanong.
"Ang tali-talino mo pero bobo ka naman sa ganito," natatawang sambit niya.
"Pero thank you ulit sa 'yo."
"Anything for my girl." She smiled at me.
Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain at nagkwentuhan pa kami ng kung anu-anong bagay. Mika is a blessing. Hindi ko naisipan ng masama itong babae ito kaya ko rin siya naging kaibigan.
"Hello, Neighbor!" I greeted Shaun as I passed by in their house. Nakita ko siyang nagdidilig ng mga halaman nila. Nang makita ako ay tinanguan niya lang ako.
Nakauwi na rin kasi ako galing sa university kaya nang dumaan ang sasakyan namin sa bahay nila ay bumati ako sa kaniya. Bumaba na rin ako ng sasakyan namin nang makapasok ito sa garahe. Lumabas muna ako ng bahay para puntahan si Shaun pero nagulat na lang ako nang may makita ko ang walo niyang kaibigan sa mini garder nila.
"Uy! Nandito pala kayo?" gulat kong tanong. "Wala pa kayo rito kanina ah?" dagdag ko.
"Nasa loob kasi kami, eh narinig namin 'yong pagbati mo kay Shaun edi lumabas kami para makita ka," sambit ni Bjorn.
"Bakit pala kayo nandito?" tanong ko sa kanila.
"Binisita lang namin si Shaun. Wala raw siyang kasama eh, siyempre mag-isa lang siya," sagot ni Eli.
Bilib din ako sa magkakaibigang ito dahil kompleto talaga silang lahat kapag pumupunta sila sa bahay ni Shaun.
"Halika, Akki, samahan mo kami rito!" pag-aayaya ni Kairen.
"Sigurado kayo?" may pag-alinlangan kong tanong.
"Oo naman! Welcome na welcome ka kaya rito," sagot naman ni Aixiel.
Tiningnan ko si Shaun at nakatingin na pala siya sa akin. He gave me a nod like he was allowing me to join them so I gave him a smile.
"Sige ba pero uuwi muna ako, magbibihis lang," paalam ko.
Agad akong nagtungo sa bahay para magbihis. Mabilis lang din naman ako at agad na akong natungo kila Shaun.
Hindi pa man ako nakakarating sa kanila ay kitang-kita ko na ang pinaggagawa nila sa mini garden. Parang budol fight ang gagawin nila. May mga lamesang nakalatag, may ihawan din, at mga cooler.
"Tulungan ko na kayo," pagboluntaryo ko.
"Naku 'wag na, Akki. Kaya na namin 'to," pagtanggi ni Quirro.
"Tulungan ko na kayo," I insisted. "Alangan namang tutunganga lang ako rito at walang gagawin," natatawang sambit ko. Hindi na sila nakaangal pa nang sinimulan ko nang ilagay ang mga pagkain sa lamesa. Tinulungan ko rin si Louie na ilagay ang mga inumin sa cooler.
Lahat sila ay abala sa kanya-kanya nilang ginagawa. Magba-barbeque kami ngayon dahil maraming nakalatag na marinated barbeque sa lamesa. Nagsimula na ring mag-ihaw ng mga barbeque sina Dendrick at Bjorn. May mga ibang pagkain rin na nakalatag sa lamesa.
Lumapit ako sa mga upuang pinagpapatong at kukunin ko na sana iyon para buhatin papunta doon sa lamesa nang pinigilan ako ng kamay ni Shaun. Tiningnan ko siya at iyong mga kamay naming nakapatong sa isa't-isa.
"Ako na rito, mabigat 'yan eh," sambit niya. "Kapag nalagay ko na roon, saka mo lang sila ihiwalay at i-arrange," dagdag niya.
"Okay."
Umusog ako para makadaan siya. Walang kahirap-hirap na binuhat niya ang mga upuan papunta doon sa lamesa. Parang hindi man lang siya pinagpawisan. Sabagay lalaki rin naman siya.
Siyempre ginawa ko ang sinabi niya. Pinaghiwalay ko na ang mga upuan at saka ko sila inarrange. Nang matapos akong mag-arrange ay kanya-kanya na silang umupo roon.
Nagsimula na rin kaming kumain. Nagkwe-kwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay. Nakwento rin nila sa akin tungkol sa mga trabaho nila. Hindi pala basta-basta ang mga trabaho nila, pwera na lang kay Shaun. Nakapagtapos si Shaun hanggang college pero hindi pa siya nagtatrabaho ngayon. Sabi nila, may hinahawakan na raw na kompanya si Shaun ngayon pero ang tito niya ang nagma-manage roon. Nagpag-isip-isip nga ako kung bakit hindi siya ang nagma-manage roon o 'yong magulang niya kung sariling kompanya naman nila iyon? Pero hindi ko na inalam pa ang buong detalye tungkol doon.
Bigla ko tuloy naalala 'yong sinabi sa akin ni Mika kanina. Tanungin ko kaya sila ngayon?
"May tanong sana ako sa inyo," sambit ko. Nalipat ang buong atensyon nila sa akin.
"Ano 'yon, Akki?" tanong ni Callen.
Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring ngumiti sa kanila. "May kilala ba kayong Humphrey?" tanong ko.
Hindi pa man sila nakakasagot ay bigla kaming napatingin kay Shaun dahil bigla na lamang itong nabulunan sa iniinom niyang tubig.
"Ayos ka lang?" tanong ni Eli sa pinsan niya. Tumango naman si Shaun habang pinupunasan ang bibig. Umuubo pa ito.
"Sorry," pagpaumanhin niya.
"Humphrey? Wala akong kilalang gano'n, Akki. Wala rin naman ganyan sa pangalan ko," sagot ni Kairen.
"Ako rin," isa-isang sambit nila.
Bigla tuloy akong nanlumo dahil sa narinig. Paano ko kaya makikilala ang lalaking iyon?
"Teka," sambit ni Eli. Napaangat ang tingin ko sa kaniya at naghihintay sa sasabihin niya. "'Di ba si—" Natigil siya sa pagsasalita dahil uminom muna ito ng tubig.
"Sino?" tanong ko.
"Ay hindi pala siya 'yon. Wala namang Humphrey sa pangalan niya," sagot niya. Mas lalo tuloy akong nanlumo. "Bakit mo pala natanong, Akki?" dagdag niya.
"Narinig ko lang kasi 'yong pangalan na iyon. Huwag niyo na lang pansinin 'yon," pagsisinungaling ko.
Nagtuloy ulit kami sa pagkain. Nagsimula na rin silang mag-inuman. Hindi na ako nakisali dahil hindi naman ako umiinom ng alak. Nakikinig lang ako sa mga kwento nila. Paminsan-minsan din silang kumakanta na sinasabayan ko rin.
Nang mapansin kong lumalalim na ang gabi ay nagpaalam na ako sa kanila dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Naintindihan din naman nila iyon. Kumaway pa sila sa akin bago ako umalis.
Bago ako natulog ay binuksan ko muna ang cellphone ko at bumungad sa akin ang chat ni Humphrey ngayon.
Humphrey:
Hi!
Akki:
Hello!
Himala at hindi ako late na nagreply ngayon HAHAHAHAHA
Humphrey:
Musta?
Akki:
I'm doing good
Kasama ko ang friends ko kanina lang. Nagkayayaan na magbarbeque sa bahay ng kapitbahay namin
Pero umuwi rin ako dahil maaga pa ang pasok ko bukas, nagpaalam naman ako sa kanila bago ako umuwi
Humphrey:
Oh dapat natutulog ka na ngayon.
Akki:
Matutulog na sana ako eh kaso nagchat ka sa akin kaya naudlot HAHAHAHAHA charot
Humphrey:
Mag-o-offline na lang ako para makatulog ka na.
Akki:
Ito naman hindi mabiro
Humphrey:
HAHAHAHAHAHA
Akki:
Ah, may itatanong pala ako sa 'yo
Humphrey:
Hmm, what is that?
Akki:
No offense ha pero hindi ka naman poser 'di ba?
Matagal bago siya nagtype ng irereply niya kaya kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa dalawang rason. Kinakabahan ako dahil sa magiging reaksiyon niya at sa irereply niya sa akin.
Akki:
Okay lang naman na hindi mo sagutin kung naiilang ka hehehe
Mas lalo pa atang dumoble ang kaba ko dahil hindi pa siya nagrereply.
Humphrey:
Do you think I'm a poser? What makes you you think that I'm a poser?
Galit ba siya?
Akki:
Hindi naman sa ganon
Wala kasi akong masyadong alam sa identity mo, pangalan lang alam ko tungkol sayo
Pero hindi ko rin kasi maiwasang isipin na ano
Humphrey:
Na ano? Na baka may gawin akong masama sa 'yo? Na masama akong tao? Gano'n ba, Akki?
Akki:
Oo?
Humphrey:
Unang-una, hindi ako ganoong klaseng tao. Pangalawa, malinis ang intensyon ko sa 'yo. Gusto ko lang makipagkaibigan sa 'yo.
Kung gano'n ang tingin mo sa akin, then go. Hindi kita pipigilan kung ano man ang iniisip mo tungkol sa akin.
Akki:
I'm sorry.
Hindi na siya nagreply sa akin mula no'ng humingi ako ng tawad sa kaniya.
Galit ata siya sa akin.
Kasalanan ko rin naman dahil nagpadalos-dalos ako. Hindi ko man lang naisip ang mararamdaman niya kung sakaling tinanong ko 'yon sa kaniya. Hindi kasi ako nag-iisip eh!
Matapos no'n ay natulog na lang ako. Wala rin naman akong natanggap na reply mula sa kaniya.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising para pumasok sa school. Maaga ang klase ko ngayon kaya dapat maaga akong papasok. Pupunta na sana ako sa banyo nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita kong nagtext sa akin si Mika. Binasa ko iyon.
Mika:
Wala tayong pasok ngayong linggo dahil binigyan tayo ng araw para atupagin ang mga thesis natin. Sa lunes na raw tayo papasok ulit. Oh di ba ang bait nila?
Akki:
Nice! Thank you, Mika!
Mika:
You're welcome, Girl!
Lumapad ang ngiti ko dahil sa balitang iyon. Buti na lang at walang pasok ngayon. Makakapagpahinga pa ako.
Bumaba na lang ako at nagtungo sa kusina para magbreakfast.
"'Di ba maaga pasok mo ngayon, Akki? Bakit hindi ka pa nakaayos?" tanong sa akin ni Kuya Alex. Kumakain na rin siya ng agahan at naghahanda na sanang ihatid ako sa school.
"Wala raw ho kaming pasok ngayong linggo eh," sagot ko. Tumango na lamang si Kuya Alex..
"Akki, ihatid mo muna ito kay Shaun para makapag-agahan na siya roon sa kanila. Sinabihan ko kasi siya kahapon na magluluto ako ng agahan," utos sa akin ni Aling Beth.
"Sige po."
"Balik ka rin kaagad para makapag-agahan ka na," huling bilin nila sa akin bago ako lumabas ng bahay.
Agad akong nakapasok sa gate nila Shaun dahil bukas naman na ito. Napansin ko rin na wala na 'yong mga sasakyan nila Eli kaya baka nakauwi na sila. Nang tumuntong ako paanan ng pinto nila ay hindi na ako nag-atubiling kumatok sa pinto. Nakailang katok pa ako bago ako pinagbuksan ng pinto ni Shaun.
"Hello, Neighbor!" bati ko sa kaniya.
Napansin kong kagigising niya pa lang dahil wala sa ayos ang kaniyang buhok at pumipikit pa ito.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Sa paraan ng pagkakatanong niya ay parang galit siya. Galit ata siya dahil nabulabog ko ang tulog niya.
"Galit ka ba? Hindi naman kita inaano eh," nakabusangot kong sambit. "Anyways, ito pala 'yong pinangako na ulam ni Aling Beth sa 'yo kahapon." Binigay ko sa kaniya ang tupperware na naglalaman ng ulam.
Tiningnan niya lang 'yong ulam at parang wala siyang planong tanggapin iyon.
"Uy! Wala ka bang planong kunin 'to?" tanong ko. Sa huli ay kinuha niya pa rin ang tupperware.
"Pakisabi kay Aling Beth na salamat. Makakaalis ka na," sambit niya bago ako pinagsarhan ng pinto. Napairap na lang ako at umalis na roon.
Galit ba siya sa akin?