Chapter 1
Reign Pov
Dali dali akong bumaba ng kotse ko saka patakbong tinungo ang hallway ng school. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako tinanghali ng gising kung kailang ngayon ang unang araw ng klase.
Gano'n na lang ang paghahabol ko ng hininga nang tuluyan akong makarating sa harapan ng pinto ng room ko. Nakasara ang pinto at mga bintana nito kaya batid kong walang nakakakita sa akin sa loob.
Nakailang beses pa akong huminga ng malalim bago ako tuluyang kumatok. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at ma-ingat na itinulak ang pinto.
Abala ang lahat sa pagsusulat habang si sir. Chua ay abala sa pagtipa sa cellphone niya. Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.
"Ahm, g-good morning sir, I'm sorry, I'm late," nahihiyang panimula ko.
Sandali itong natigilan saka ako tiningnan ng hindi man lang ginagalaw ang ulo niya. Tumikhim ito bago inayos ang necktie niya, nang matapos ay saka lang ito tumayo at humarap ng tuluyan sa akin.
Agad nagwala ang puso ko ng magtama ang aming paningin. Parang biglang nawala ang lahat ng tao sa paligid namin at tanging kaming dalawa lang ang nag e-exist. Maging ang paglakad nito palapit sa gawi ko paghawi nito sa buhok ay nag slow-mo sa paningin ko. Pero mayroong parte sa akin na parang ayaw maniwala na s'ya ang professor ko dahil sa tingin ko ay halos ka-edad ko lang ito o mas matanda lang sa akin ng isa o dalawang taon.
Ang gwapo..
"Miss, are you okay?" rinig kong tanong nito.
"Sir, ang.. ang g-gwapo niyo po," nakangiti at nahihibang kong sabi. Napangisi ito sa sinabi ko.
Umingay naman agad ang paligid dahil sa impit na bungisngisan ng mga estudyante doon. Bigla ay para akong natauhan dahilan para uminit ang buong mukha ko.
"Why are you late?" maya'y maya tanong nito.
"Tinanghali po kasi ako ng gising," kamot ulong tugon ko.
Kung alam ko lang naman na ikaw ang prof ko e 'di sana inagahan ko ang pagpasok.
Wala sa sariling nasampal ko ang pisngi ko dahil sa isiping iyon dahilan para pagtawa na naman ako ng buong klase.
"What's your name?" tanong nito sa akin. "I am Reign, Reign Agatha Vallega po, sir." sagot ko.
"Okay miss. Vallega, aware ka namna siguro na hindi valid ang reason mo, ano?" mahinahong tanong nito. "Yes sir." tanging naisagot ko. "Hmm." Nakapamulsa itong bumalik sa teacher's table at tumingin sa buong klase.
"Excuse me, sir." hindi ko alam kung nagkataon lang o sinadya niyang idiin ang huling salitang sinabi niya.
Mabilis kong nilingon ang kinaroonan nito. Nakangisi ito habang nakataas ang kanang kamay.
"Yes, Mr. Yu?" agad na tugon ni sir.
Tumayo naman ito saka naglakad palapit sa akin. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa bago muling tumingin kay sir. Chua, dahilan para lingunin ko din ito.
"Well... I think she deserve a punishment for breaking our school's rules and regulations." hindi ko man kita ay batid kong nakangisi pa rin ito.
"Punish--- what?" wala sa sariling singhal ko.
Sa isang iglap ay nahagip ko ang kwelyo nito at isinandal ko siya sa pader. May katangkadan ito sa'kin kaya bahagya akong nakatingala sa kan'ya. Nakita ko ang gulat sa mga mata nito pero agad din iyong napalitan ng nakakalokong tingin.
"Nanggagago ka ba?!" inis kong tanong.
"If you think so, then yes." nang aasar nitong tugon. Sa sandaling paghawak nito sa kamay kong nakahawak sa kwelyo niya ay nagawa nitong baguhin ang posisyon naming dalawa.
Ikinulong ako nito sa mga braso niya saka kinagat ang sariling labi. Sa paraan iyon ay para itong nang aakit. Maya maya ay ngumiti ito saka dahan dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hinawakan nito ang labi ko gamit ang dalawang daliri na parang sinasaulo niya ang hugis niyon.
Ngumiti ito ng nang aasar. Gwapo ka nga pero mas gwapo sa'yo si sir.
"You are beautiful, but.. you're not my type." nag pout pa ito matapos sabihin iyon na parang dapat kong manghinayang dahil doon.
Itinulak ko ito saka ito sinamaan ng tingin. "Ang kapal mo, hindi rin kita type 'no!" singhal ko. Natawa lang ito sa sinabi ko.
"Enough!" ma-awtoridad na sabi ni sir. Chua. "Mr. Derick Yu, go back to your seat and you, miss Valega, I have to give you a punishment. You'll dance for us," seryoso aniya.
"But sir—"
"No buts," pigil niya sa akin. Naglakad ito palapit sa'kin, tumigil lang ito ng isang hakbang na lang ang pagitan namin. "You'll dance or I'll kiss you? You choose," sabi nito sa paraang nang aakit.
Mariin akong napalunok dahil sa sinabi nito. Wala sa sariling napatingin ako sa labi nito dahilan para mapalunok ulit ako.
"Ay sir, gusto yata ng kiss." nang aasar na sabi ng isang lalaki.
"Oo nga, sir." sabat naman ng isa pang lalaki.
Nagulat ako ng bigla nitong ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ni hindi ko man lang magawang gumalaw o kumurap man lang ng mapagtanto kong isang maling galaw ay mahahalikan ko na ito.
Wala sa sariling napapikit ako ng maramdaman ang mainit nitong hininga na tumatama sa pisngi ko. Hinintay kong lumapit ang labi nito sa labi ko pero bigo ako, hindi iyon ang nangyari.
"You really want me to kiss you, huh?" Ramdam ko ang biglang paninindig ng balahibo ko ng sabihin niya iyon sa pinaka-sexy na paraan, ramdam ko ang hininga nito sa bahagi ng leeg ko, ganon s'ya kalapit sa akin.
Mabilis kong iminulat ang mata ko ng marinig ko itong tumawa. Pakiramdam ko ay parang gusto kong sumabog sa sobrang kahihiyan. Maging ang mga babae kasi ay halos mamatay na sa katatawa.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako pumasok.
"Dance or kiss?" muling tanong nito.
Sa halip na sumagot ay itinulak ko ito saka kunot noong pumunta sa unahan. Kakamot kamot sa ulo kong ibinaba ang i.d. at bag ko sa sahig saka pinatugtog ang shape of you by ed sheeran.
Shape of you by Ed Sheeran
The club isn't the best place to find a lover,
So the bar is where I go.
Me and my friends at the table doing shots,
Drinking fast and then we talk slow,
Come over and start up a conversation with just me.
And trust me I'll give it a chance now.
Titig na titig ako kay sir. Chua habang nagsasayaw. Nakita ko kung paanong napalitan ng paghanga ang nang aasar nitong titig kanina.
Take my hand, stop, put van the man on the jukebox,
And then we start to dance and now I'm singing like.
Girl, you know I want your love,
Your love was handmade for somebody like me.
Come on now and follow my lead.
I maybe crazy, don't mind me.
Say, boy, let's not talk to much,
Grab my waist, and put that body on me,
Come on now, follow my lead.
Come, come on now, follow my lead.
Binigyan ko ito ng isang nang aakit na tingin saka kinagat ang labi bago ngumiti. Tatlong beses naman itong mariing napalunok habang walang kurap na makatingin sa akin. Napangisi ako dahil doon.
I'm in love with the shape of you,
We push and pull like a magnet do.
Although my heart is falling too,
I'm in love with your body.
And last night you were in my room,
And now my bedsheets smell like you.
Everyday discovering something brand new,
I'm in love with your body.
Oh--I--Oh--I--Oh--I--Oh--I
I'm in love with your body.
Oh--I--Oh--I--Oh--I--Oh--I
I'm in love with your body.
Oh--I--Oh--I--Oh--I--Oh--I
I'm in love with your body.
Everyday discovering something brand new,
I'm in love with you body.
Nang matapos ang chorus ay agad kong kinuha ang cellphone at bag ko. Hindi pa man ako nakakaalis sa unahan ng biglang bumakas ang pintuan at iniluwa doon ang isang lalaking sa tingin ko ay nasa kwarenta ang edad.
"At anong kaguluhan ang nangyayari dito?!" nanlilisik ang matang tanong nito. Sinamaan ako nito ng tingin saka iginala ang paningin sa buong klase.
"Umalis lang ako sandali, nagkagulo na kayo? Mr. Adamson, bakit mo suot 'yang suit ko?!" singhal nito habang deretsong nakatingin kay Sir. Chua? What the?!
So hindi s'ya 'yung profesor ko?
"Sorry, sir." tugon nito saka hinubad ang suit at ma-ingat na inilagay iyon sa ibabaw ng lamesa. Inis ko itong sinundan ng tingin saka napako ang paningin sa suot nitong uniporme.
Hindi nga s'yaaaa.
Gusto kong maiyak sa inis dahil doon.
"At ikaw, sino ka naman?!" muling baling nito sa akin.
"A-ako po?" sa sobrang taranta ko ay iyon ang naisagot ko. Tinaasan ako nito ng kilay at parang sa paraang iyon ay sinasabi niyang ang tanga ko para itanong pa iyon.
"Ako po si Reign Agatha Vallega, kayo po? Sino po kayo?" Agad napuno ng impit na tawa ang buong room dahil sa tanong ko.
"Tahimik!" galit na sigaw nito. Nilingon ako nito saka tiningnan mula ulo hanggang paa saka nakataas ang kilay na nag angat ng tingin sa akin. "Freshmen ka 'noh?"
"Y-yes, sir." kabadong tugon ko.
Bumuntong hininga ito. Iiling iling na naglakad patugo sa teacher's table saka isinuot ang suit na kanina ay suot nung bwisit na lalaking 'yun.
"What's your name, again?" mahinahong tanong nito matapos maupo sa teacher's table.
"Reign Agatha Vallega po," pahina ng pahinang sagot ko.
"Ahm. Ms. Vallega, this room is for 2nd year college, not for 1st year college. Sino bang teacher mo?" mahinahong tanong nito pero ando'n pa din nag inis nito.
"Its sir. Chua." tugon ko.
"I am sir. Lazaro. Room A, 3rd floor ito. Sir. Chua's room is room A, 4th floor." nakangiwing aniya.
"I'm sorry, sir. Please, excuse me." nahihiyang sabi ko.
Dali dali akong naglakad paalis doon. Bago pa man ako tuluyang lumabas ay nilingon ko pa muna 'yung lalaking napagkamalan kong si sir. Chua. Kumaway pa ito sa'kin saka tatawa tawang kumimdat. Maging ang lalaking katabi nito na si Derick ay tawang tawa din at nag aasar ang tingin. Sinamaan ko lang ito ng tingin bago tuluyang lumabas.
Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nakalayo ako sa room na 'yun. Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Zylene nang makita ko ang text nito sa'kin.
Zy:
Room A, 4th floor pala room na'tin, girl.
Bilisan mo.
Sent 7:05 am
Parang biglang gusto kong magwala ng mabasa ko iyon. Sana pala ay tiningnan ko ang cellphone ko noong tumunog iyon kanina, e 'di sana ay hindi ako napagtripan sa room A, 3rd floor.
Humanda ka talaga sa'kin, Zy. Bwisit kaaa.
To be continued..
[This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]