Naglakad sa pasilyo na magkasunod sina Ricky at Alexi. "Anong meron, Kuya?" tanong ni Ricky. "May isang malaking grupo na nagsusubok na namang pumasok sa depensa ng Kanluran. Nahihirapan silang linsagin ang grupo nila dahil may mga Cerberus," ulat ni Alexi. "Hindi nila talaga tayo titigilan," asar na wika ni Ricky. Nagtungo sya kaagad sa kwarto ni Jessie, naroon din sina Jude at Niño. "Jaja, lalabas muna kami nina Kuya Nathan at Kuya Niño," paalam ni Ricky. "Saan po kayo pupunta?" tanong ni Jessie. "Sa Kanluran, Jaja. Huwag kang mag-alala, babalik din kami kaagad," paniniyak ni Jude. "Mag-ingat kayo. Balik po agad kayo?" wika ni Jessie. "Oo, Prinsesa. Babalik kami," anang tatlo na humalik sa tuktok ng ulo ni Jessie bago isa-isang lumabas. "Ikaw na munang bahala, Rica," bilin ni R

