Makaraan ang ilang minuto ay umalis ang lima papunta sa Cakehouse. Dumating sila na nakahain na sa Sun Room at nagkukwentuhan na sina Nana Marta at ang mga babae. "Narito na pala sila," sabi ni Ren ng pumasok sina Ricky. "Patatawagan ko na sana kayo dahil nawala kayo. Magkasunod lang tayo kanina noong umalis," wika ni Bonnie. "Pasensya na kung nahuli kami ng kaunti. May sinilip lang po ako sa motor kanina," hingi ng dipensa ni Ricky na humalik sa pisngi ni Nana Marta. "Ayos lang. Sige na kumain na kayo," ani Nana Marta. "Nana, tama na ang luto. Baka wala na tayong maihanda para bukas," lambing ni Ricky. "Oo," ani Nana Marta. Naghahabulan sina Bert at Mariko habang nagtulung- tulong mag-aayos ng mga dekorasyon ang mga naroon. Pinagtulung-tulungan nila na maayusan ang Sun Room at ang

