Marumi at may galos sa mukha si Joey, si Rissa naman ay kalong ang ulo ni Jessie may bahid ng dugo ang damit. Si Jessie naman nakahiga sa hita ni Rissa. Dinidiinan ni Joey ang isang tela sa ulo nito. "Jaja, huwag kang matutulog ha," paalala ni Joey. "Darating na sina Kuya. Ililigtas nila tayo," mahinang wika ng dalagita na papikit-pikit. "Oo darating sila kaya pakiusap huwag kang matutulog," wika ni Rissa. "Hintayin natin sila," wika ni Joey. "Nakita na namin sila. East side ng settlement," wika ni Mike sa radyo na sinilip ang pwesto ng mga babae. "Palapit na kami. Longshot, check mo ang kondisyon ni Jessie," wika ni Ricky sa radyo. "Ace, mukhang kailangan ni Jessie ng immediate medical attention. Mahirap matantya ang kalagayan nya," sabi ni Drew na sinubukang gamitin ang zoom in ng

