Kinabukasan pagkatapos ng agahan ay dumiretso si Ricky sa training ground. Naghihintay doon sina Drew at Mike. May hawak si Drew na bato na paulit-ulit nyang ihinahagis pataas at sinasalo ng kaparehong kamay. "Sigurado ka, Tol?" tanong ni Mike kay Drew. "Handa ka na?" tanong ni Drew. Tumango si Ricky. "Simulan na natin," wika ni Drew na naghagis ng bato patungo sa pwesto ni Ricky. Nailagan naman iyon ni Ricky na kinagulat nya. Mas nagulat sya ng isang sherricane ang nailagan din nya mula sa direksyon ni Mike. "Paano ko nagawa iyon?" tanong ni Ricky na nagtataka. "Matagal mo na ginagawa iyon. Nasa instincts mo na iyon, Ricky," paliwanag ni Drew. "Hindi ako si Ricky. Ethan ang pangalan ko," salungat ni Ricky. "Ikaw si Ricky, ang isa sa pinakamatinik na operatiba ng ACTSU. Isa sa pin

