Maagang lumabas si Joey sa kwarto nya kinabukasan. "Magandang umaga," bati ni Tony. "Magandang umaga," bati pabalik ni Joey na ngumiti. "Mukhang hindi ka na naman nakatulog ng maayos," puna ni Tony. Tumango si Joey. "Hindi mo sya dapat alalahanin. Naghihintay na ang agahan sa labas," paalala ni Tony. "Salamat," ani Joey. Habang naglalakad patungo sa kainan ay nakasalubong nila sina Niño at Jude. May arm support ang kanang kamay ni Jude. "Magandang umaga po," bati ng kambal. "Magandang umaga. Kamusta na ang braso mo?" tanong ni Joey. "Maayos na po. Dalawang araw lang po at magiging maayos na po ito," banggit ni Nathan. "May balita na kayo kay Ethan?" tanong ni Joey. "Nakalabas na po sya ng Phoenix Room. Maayos na po sya," wika ni Niño. "Nakita nyo ba si Ethan?" tanong ni Joey.

