"Anong nangyayari sa kanya?" mahinang tanong ni Joey kay Drew. "Sinisisi pa rin nya ang sarili nya sa nangyari kay Jessie - sa inyo," wika ni Drew. "Halika muna dito. May kape akong ininit dyan," na sinama si Joey sa isang lamesa. "Ate, nagbago si Jaja matapos ang aksidente. Nasasaktan po ako sa tuwing nakikita kong natatakot si Jessie, tuwing nagpa-panic sya kapag nakikita ang uniporme na kinagigiliwan nya noon. Nadudurog ang puso ko tuwing nagkukulong sya sa kwarto at hindi nagagawa ang dati nyang ginagawa. Bakit kasi sabay-sabay? Bakit kasi hindi ko sya napangalagaan gaya ng pangako ko sa kanya?" sising wika ni Ricky na lasing. "Hindi mo makokontrol ang lahat ng sitwasyon. Alam mo 'yan," wika ni Bonnie. Nag-uusap sina Drew at Joey nang lumapit si Tony at pinatong sa balikat ni Joe

