66

2778 Words

Kinabukasan ay nagkaroon ng engrandeng pagdiriwang sa palasyo. Naging abala ang lahat sa paghahanda para sa pagdiriwang. Ipinatawag ni Ricky ang magpinsan sa silid nya bago ang pagdiriwang. Nakabihis na si Ricky ng kanyang damit para sa kasiyahan gayundin ang dalawa. "Pinatawag mo kami Kamahalan?" tanong ni Drew. "Bagay sa inyo ang suot nyo. Hahanapin ko ang pagkakataong maisuot muli ang uniporme ng ACTSU na iyan," bati ni Ricky. "Malamang na madalang ka na rin naming makikitang nakasuot ng unipormeng militar, Kamahalan," patuksong wika ni Drew. "Ako pa rin si Ricky at bahagi ako ng REU at magkikita pa rin naman tayo kaya lang sa magkaibang uniporme. Nakalulungkot lang na iiwan nyo na ako dito," sabi ni Ricky. "Isang tawag lang at susulpot kami dito ng walang pasabi," paniniyak ni Dr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD