Dumaan ang ilan pang araw at unti-unting naka-recover si Ricky. Patuloy pa rin ang tampo ni Jessie kay Ricky. Lagi nitong iniiwasan ang panganay o di kaya'y hindi kinikibo kapag bumabati ito. Isang araw may nakita si Jessie isang bulaklak sa kama nya kasama ang isang lollipop. Nagtungo si Jessie sa music room at doon magpalipas ng oras sa paggigitara. Napansin nyang wala na ito sa tono kaya sinubukan nya itong itono pero nabigo sya. Nasilip naman iyon ni Ricky na patungo sana sa loob ng kwarto pero hindi na ito tumuloy. Nagtago sya para hindi napansin ng bunso. Lumabas saglit si Jessie para kunin ang tuning whistle na binigay ni Ricky sa kanya sa kwarto nya. Pabalik na sana ang dalagita sa Music Room nang ipatawag sya ng reyna. Pagbalik nya sa kwarto ay kaagad nyang kinuha ang gitara pa

