Kinabukasan ay maagang nagising si Ricky sinilip sya ni Niño sa kwarto nya. Nakatayo sya sa gilid ng kama nya at nakahawak sa pader. "Sana tumawag ka sa amin Kuya," ani Niño na kaagad umalalay sa kapatid. "Ayos lang. Sinabi rin ni Kuya Oca na kailangan ko rin tumayo paminsan-minsan para maibalik ko ang balanse ko," katwiran ni Ricky. "Baka naman pinipilit mo lang Kuya. Hindi naman po kailangan," ani Niño habang ginabayan ang kapatid sa wheelchair. "Si Nathan?" tanong ni Ricky. "Tulog pa po. Hinayaan ko na munang matulog pa para makabawi-bawi naman ang katawan nya sa lahat ng hirap na dinanas nya sa akin at ng insidente," sabi ni Niño. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matandaan kung ano ang nangyari," amin ni Ricky. "Kahit po ako may mga bagay pa rin po akong hindi matandaan," pag

