Kinabukasan maagang nagising si Joey na kaagad bumangon. Naabutan nya na nagsasalin ng kape si Drew. "Good morning! Kape?" alok ni Drew. "Oo. Salamat," ani Joey. Inabutan sya ni Drew ng kape bago sya kumuha ng kanya. "Kamusta na sya?" tanong ni Joey. "Maayos na. Nilagnat na naman sya pero bumaba rin naman agad. Nakatulog rin sya ng payapa nitong madaling araw," sagot ni Drew. "Eh ikaw?" tanong ni Joey. "Naka-power nap na," sagot ni Drew na ngumiti. "Matulog ka pa muna," wika ni Joey. "Mamaya na lang ulit. Salamat nga pala sa tulong kagabi," sabi ni Drew. "Wala iyon. Drew maaari ba akong magtanong?" tanong ni Joey. "Mukhang seryoso yan ah. Maupo muna tayo," pabirong wika ni Drew na hinayaang maupo si Joey sa harap ng lamesang kainan nila, "Fire away!" "Drew, gaano kamahal ni Eth

