Nasulyapan ni Joey na lumalaban si Ricky bago naisara ni Niño ang tent. Nang matapos ang pangyayari, itinago ng mga lalaki ang mga sandata nila. Napahawak naman sa dibdib si Ricky at nawalan ng balanse matapos maglaho ang sandata nya. "Kuya! Ayos ka lang?" tanong ni Luke na inalalayan si Ricky. Tumango si Ricky. "Ayos lang. Ramdam ko pa rin yung epekto nang aksidente noong isang gabi," sambit ni Ricky. Kaagad inalalayan ni Luke si Ricky sa malapit na upuan. Sumipol si Niño kaya lumabas na rin ang mga babae. Palapit namang tumakbo sina Rissa, Jessie at Joey kay Ricky. Kaagad namang niyakap ni Jessie si Ricky. "Ayos ka lang, Ric?" tanong ni Rissa na nag-aalala. Kaagad namang kinuha ni Joey ang isang bote ng tubig mula sa cooler at inabot kay Ricky. "Salamat. Ayos lang ako," sagot ni

