7

2566 Words
Nagising si Niño sa kwarto nya. Ramdam nya ang pagod at ginhawa na nakabalik sya. Hindi na makirot ang kanang braso nya pero ramdam nya ang panlalambot. Dahan-dahan syang umupo sa kama nya. "Whoa! Huwag masyadong magmadali Niño," pigil ni Mike na inalalayang umupo si Niño. "Kuya paano ako nakarating dito?" tanong ni Niño. "Iniuwi ka ng Rescue Team. Mabuti at nagising ka na. Nag-aalala na pamilya mo," wika ni Mike na ngumiti. "Ang Unit! Kamusta na ang Wolves?" naalalang tanong ni Niño na nabahala. "Nasa ospital sila ngayon. Maayos na sila. Na-discharge na 'yung iba maliban kay Ivan at kay Rico. Medyo malala ang bali ng paa ni Rico samantalang medyo maraming dugo ang nawala kay Ivan. Ligtas na sila kaya huwag mo na muna silang alalahanin," sagot ni Mike. "Si Jude?" tanong ni Niño "Nakabalik na rin sya. Nagpapahinga. Dislocated ang kaliwang balikat maliban pa sa isang tama sa tagiliran. Pinagaling na ng Healer ang mga tama nya pero kailangan nyang magpahinga," banggit ni Mike. Nang marinig ni Niño ang tungkol sa tama ay nagpumilit syang tumayo. "Ooops! Huwag mo nang gayahin ang kakulitan ni Jude. Muntik ng matuktukan ni Ricky nang biglang bumangon ng wala ka pang malay. Kailangan nyo ng pahinga. Medyo mahirap ang pinagdaanan nyo," banggit ni Mike. Isang katok ang umantala sa usapan nila. "Mukhang andyan na sila," wika ni Mike. "Sino pong sila?" tanong ni Niño. "Tuloy!" tawag ni Mike. Pumasok si Jessie kasama si Drew. Mapapansing nakasimangot si Jessie. "Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Drew kay Niño. "Maayos na po. O bakit nakasimangot ka?" tanong ni Niño kay Jessie. Hindi kumibo ang dalagita. "Halika nga rito sa tabi ko," senyas ni Niño na tinapik ang kama nya para doon maupo si Jessie. Umupo si Jessie sa tabi ni Niño. Niyakap ni Niño si Jessie. "Hindi kasi sya pinayagan ni kuya mo na lumabas nang walang kasama," kwento ni Drew. "Walang kasama? Saan mo balak pumunta?" tanong ni Niño. "Kay Ate Rica. Hindi kasi sya pumasok dahil may sakit ang mama nya. Dalawang araw na po kasi syang hindi pumapasok," nag-aalalang wika ni Jessie. "Maaari kitang samahan," sabi ni Niño. "Pero hindi ka pa maaring lumabas. Pahinga muna kayo ni Kuya Jude," wika ni Jessie. "Kaya ko na naman," kilos ni Niño na kumalas kay Jessie at nagpilit tumayo. Nahilo si Niño kaya kaagad nawalan ng balanse. Kaagad syang sinalo ni Jessie. "Kuya!" tawag ni Jessie na nag-alala. "Sinasabi na kailangan mong magpahinga. Masyadong marami kang naubos na lakas sa ginawa mo noong huling labas nyo. Kailangan mo munang magpahinga para makabawi," asar na wika ni Drew na tinutulungan si Jessie na ibalik si Niño sa higaan. "Pasensya na hindi kita masasamahan kahit gusto ko," wika ni Niño na sumandal sa unan. "Ayos lang po. Ang mahalaga ay ligtas kayo. Magpahinga ka na muna, Kuya," sabi ni Jessie. "Kung mahihintay mo ako mamaya, masasamahan kita. May tatapusin lang ako dito sa palasyo. Balak ko rin syang puntahan mamaya," ani Drew. "Talaga po?" nabiglang wika ni Jessie. "Oo. Tinutulungan kasi nya ako sa mga halamang gamot dito sa LeValle," katwiran ni Drew. "Ok po. Salamat Kuya Drew," masayang wika ni Jessie. "No problem," ani Drew. Biglang nanlabo ang paningin ni Niño. Nakaramdam sya nang kirot sa ulo nya kaya napahawak sya sa sentido nya. Kaagad iyon napansin ng tatlo. "Kuya? Ayos ka lang?" tanong ni Jessie na hahawakan sana ang kapatid. Hindi kumibo si Niño kitang-kita sa mukha na may masakit na nararamdaman. "Prinsesa sandali lang," pigil ni Drew na kaagad nilapitan at sinuri ni Drew si Niño. "Niño, ayos ka lang?" tanong ni Drew. "A-ayos lang po Kuya," sagot ni Niño na hindi sigurado sa nararamdaman. "Mike!" tawag ni Drew kay Mike. Kaagad tinitigan nya ng coded si Mike. Tumango lang si Mike at tumawag ng isang security sa labas ng kwarto. "Pakitawag si Ate Sandy at ang Royal Doctor ngayon na," utos ni Mike sa isang bantay. Lumabas ang sundalo at kaagad umalis. Naramdaman ni Jessie na may mali sa nangyayari. "Kuya Niño? Ayos ka lang? Kuya Drew, ayos lang ba si Kuya?" tanong ni Jessie. "Kailangan syang tingnan ng doktor," wika ni Drew na kinunan ng pulso si Niño. Medyo nahimasmasan si Niño. "Huwag kang mag-alala, Jessie. Makasasama sa Kuya Nathan mo 'yan ngayon. Madaragdagan ang sakit na nararamdaman nya ngayon. Ang mabuti pa ay tawagin mo si Kuya Ethan," sabi ni Mike. Ilang saglit ay dumating ang doktor na kaagad sinundan ng reyna. Ipinaliwanag ni Drew ang nangyari kay Niño habang sinuri nang sya nang doktor. Nang lumabas sina Sandy at ang doktor ay kaagad silang sinalubong ng reyna. "Kamusta Doc?" tanong ng reyna. "Tama ang diagnosis ni Drew, Kamahalan. Mabuti at naagapan pero kailangan natin syang dalhin sa ospital. Kailangan nyang sumailalim sa ilang laboratory test para makasiguro kami. May hinala kami na nagkaroon ng pressure sa ulo nya. Kailangang matanggal ang pressure sa ulo nya kung hindi baka maapektuhan utak nya," paliwanag ng doktor. "Paano nangyari iyon?" tanong ng reyna. "Marahil po ay nabagok ang ulo nya sa isang aksidente at nawalan sya nang malay. Hindi naman nya naramdaman o napansin ang epekto dahil sa survival instincts nya, Kamahalan," paliwanag ni Drew. "Hindi po kaya nang mahika na pakialaman ang naturang sitwasyon, Kamahalan. Baka lalo kasing mapahamak ang Prinsipe. Paumanhin Kamahalan," ani Sandy. "Naunawaan ko. Sige pinapayagan ko kayong dalhin nyo sya sa ospital. Kayo na ang bahala sa kanya," anang reyna. "Masusunod po Kamahalan. Parating na po ang ambulansyang pinatawag ko," ani Sandy. Sa kwarto ni Jude, napabalikwas sya na hinihingal. Ramdam nya ang bahagyang kirot sa ulo nya. "Niño!" sambit ni Jude. Nagpilit bumangon si Jude at lumabas ng kwarto nya. Nakita sya ni Ricky sa pasilyo bumabaybay sa dingding patungo sa kwarto ni Niño. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Ricky kay Jude na inalalayan si Jude. "Pupunta po sa kwarto ni Niño. May masamang nangyari sa kanya. Nararamdaman ko," ani Jude. "Nasa ospital na sya. Kailangan syang magamot. Kaya magpahinga ka na," balita ni Ricky na inalalayan pabalik sa kwarto si Jude. Nang makabalik sa higaan ay inayos ni Ricky ang unan sa likod ni Jude. "Anong nangyari sa kanya, Kuya?" tanong ni Jude. "Sumasakit ang ulo nya. Nauntog ba sya o nahulog?" tanong ni Ricky. "Nabanggit sa akin ni Levi na bumagsak daw sila mula sa mataas na pwesto. Hindi namin sila na-contact ng ilang minuto. Nang matagpuan namin sila, inaasikaso na ni Niño si Levi," alala ni Jude. "Nasa ospital sya ngayon, undergoing some test. Tawagan natin sya to check in," ani Ricky. Dinampot ni Jude ang cellphone nya sa side table nya at pinindot ang speed dial. Pinindot din nya ang loudspeaker para marinig ni Ricky ang pinag-uusapan nila. "Budz, ayos ka lang?" tanong ni Niño. "Ikaw nga sana tatanungin ko nyan," ani Jude. "Ayos lang ako," ani Niño. "Nasaan ka?" tanong ni Jude. "Nasa ospital. Kasama ko si Kuya Drew at Mama. Sabi ni Mama kailangan ko daw sumailalim sa ilang test," sagot ni Niño. "Sumasakit kasi ulo ko. Sabi ko naman sa kanila ayos lang ako. Pinagbigyan ko lang si mama. Eh ikaw?" sabi ni Niño "Maayos na. Pahinga na lang," ani Jude na may tonong nag-aalala. "Budz, huwag kang ganyan. Uuwi rin ako kaagad," paniniguro ni Niño. "Pupuntahan kita mamaya, Niño para makauwi si mama. May papadala ka?" tanong ni Ricky. "Cheeseburger po. Nagugutom na ako. Hindi masarap pagkain dito," reklamo ni Niño. "Ok. Sige." ani Ricky. "Andito na si mama. Ibababa ko na ito. Baka mahuli nya ako. Pinagalitan nya ako ng sumubok akong hawakan cellphone ko," wika ni Niño. "See you later," ani Ricky. "Huwag kang mag-alala, Budz. Baka mamaya makauwi na 'ko," sabi ni Niño. "Sige Budz," ani Jude na pinatay ang tawag. Ilang saglit pa ay nakaramdam ng hilo at sakit sa dibdib. Napahawak si Jude sa dibdib nya. "Kita mo na. Magpahinga ka na muna. Hindi ka makakatulong kay Niño kapag pinag-alala mo sya," ani Ricky na naramdaman din ang sakit sa dibdib pero hindi pinahalata. "Sige po," ani Jude na pumikit at pinakiramdaman muli ang sarili. "At pakiusap, huwag mong subukang tumakas habang nagpapagaling ka. Nilagyan ko ng sumpa ang kwarto mo nang pumasok tayo. Hindi ka makakalabas hanggang hindi ka pa nakakabalik ang lakas mo," bilin ni Ricky. "Pero, Kuya," angal ni Jude. Sa kabila nang pag-angal nya ay napahawak sa ulo si Jude. "Walang angal. Magpagaling ka na lang," ani Ricky na palabas na sana. Napansin nyang tinitiis lang ni Jude ang nararamdamang sakit. "Alexi!" tawag ni Ricky. Lumitaw si Alexi na nakaluhod ang isang tuhod at nakayuko. "Pinatawag mo ako, Kamahalan?" tanong ni Alexi "Pasensya na po kung naabala ko kayo. Pero nais kong humingi ng tulong," wika ni Ricky na nakatingin kay Jude. Napalingon si Alexi kay Jude. "Naunawaan ko. Pansamantala kong puputulin ang ugnayan ng dalawa habang nagpapagaling si Niño. Nabalitaan ko ang nangyari sa kanya mula kay Sandy at mukhang pinapasok na sya sa OR sa mga oras na ito. Mararamdaman pa rin nya ang kakambal nya pero hindi kasing tindi nang dati. Pansamantala lang ito habang nasa ospital pa si Niño," pabatid ni Alexi. "Salamat po. Ayaw ko syang mag-alala masyado kay Niño at baka sisihin na naman nya ang sarili nya sa nangyari," banggit ni Ricky. "Naunawaan ko ang nais mo, Kamahalan," ani Alexi na ngumiti. Lumapit sila kay Jude. Nagulat si Jude nang naroon si Alexi. "Kuya Alexi!" bati ni Jude. "Kamusta Trix? Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Alexi na nakangiti. "Medyo nahihilo po pero ayos lang. Ikinulong ako ni Kuya dito sa kwarto," sumbong ni Jude. "May magandang hangarin naman si Ricky. Anyways, nais kong patibayin muli ang protection spell na binigay ko sa'yo," na sinuri muli ang braso ni Jude na minarkahan ni Alexi dati. Umusal nang tahimik si Alexi at pinatong ang kanang braso nya sa braso ni Jude. Nakaramdam ng bahagyang init si Jude at ginhawa. "Maayos pa naman ang spell. Napansin kong medyo masama ang pakiramdam mo kaya may dinagdag akong spell para guminhawa ka. Magpapabilis din ito ng recovery mo pero kakailanganin mong matulog para maramdaman mo ang epeko," ani Alexi na pumitik. "A-a-ano-ong gi-na-wa m-mo, Ku-ku-ya?" tanong ni Jude na unti-unting nakaramdam nang antok bago natuluyang makatulog. "Huwag kang mag-alala, Kamahalan. Pinagbigyan ko lang ang hiling ng katawan nya. Magigising din sya. Mararamdaman nyang masama pakiramdam nya habang inooperahan at ginagamot si Niño. Hayaan nyong magpahinga si Jude," dugtong ni Alexi. "Maraming salamat po," ani Ricky. "Kasiyahan kong makatulong sa inyo," tugon ni Alexi. "Sige po magpahinga na muna kayo. Maraming salamat po," ani Ricky. Naglaho si Alexi. Nagtungo si Ricky sa ospital kung saan nakaconfine si Niño. Natagpuan nya ang mama nya na nasa loob ng kwartong tinutuluyan ni Niño. Naroon din sina Drew at isang close-in detail ng reyna noon nakaantabay sa loob ng kwarto. "Ma!" ani Ricky na humalik sa pisngi ng reyna. "Mabuti at dumating ka na," anang reyna na yumakap kay Ricky. Nabigla si Ricky nang umiyak ang reyna sa balikat nya. "Anong nangyari?" tanong ni Ricky sa reyna pero hindi ito nakasagot. Tumingin sya kay Drew na noo'y humarap sa kanya. "Tol, anong mangyari?" tanong ni Ricky kay Drew. "Pagkababa nya ng telepono ay nakaramdam ulit si Niño ng sakit ng ulo. Kinakausap sya nang reyna nang bigla syang nag-seizure. Dinala na sya sa Operating Room nang makumpirma na may namuong pressure sa ulo nya," paliwanag ni Drew. "Hanggang ngayon nasa Operating Room sya," anang reyna. "Si Papa?" tanong ni Ricky. "Narito sya kanina pero kinailangan bumalik sa palasyo dahil sa paghahanda sa digmaan. Ayaw sana nyang bumalik pero pinilit sya ng Heneral Emir," sabi ni Drew. Hinagod ni Ricky ang likod ng ina nya. "Mama, huwag kang mag-alala. Malakas si Niño. Makakaya nya yan. Marami na syang pinagdaanan na mas mahirap dyan, Mama. Hindi sya pababayaan ng Maylikha, Mama," alo ni Ricky. "Kailangan nyong magpakatatag, Kamahalan. Malulungkot lang si Niño kapag nalaman nyang ganito ang nangyayari sa inyo. Matatag si Niño at naniniwala akong makakayanan nya iyan. Kailangan nyo pong magpakatatag para sa pamilya nyo," dugtong ni Drew. Kumalas ang reyna. Pinahid ni Ricky ang luha ng ina gamit ang panyo mula sa bulsa nya. Nang kumalma ang reyna ay kaagad tinungo nya ang waiting area Operating Room kung saan nakaantabay si Mike. "Anong balita, 'tol?" tanong ni Ricky kay Mike. Umiling lang si Mike. "Wala pa," ani Mike na hinawakan si Ricky sa balikat. Naghintay ng ilan pang oras sina Ricky at Mike hanggang sa lumabas ang isang doktor mula sa OR na naka-scrub suit. Kaagad silang nilapitan. "Nasa Recovery Room na sya. Nasa wait and see stage na tayo. Nasa ICU for the mean time para maobserbahan. Kapag nagnormal at walang aberya sa vitals nya at response sa gamot later, ililipat sya sa kwarto nya rito mamayang gabi o bukas ng umaga," balita ni Doctor Brian. "Salamat Doc," ani Ricky na napahinga ng malalim. "Wala kayong dapat ipagpasalamat, Kamahalan. Mauuna na po ako. May isa pa akong naka-schedule na operation," wika ni Doc Brian. "Salamat po muli," ani Ricky. Nagtungo ang dalawa sa ICU kung saan pansamantalang nakalagak si Niño. May heartbeat at blood pressure monitor na nakakabit sa kanya bukod sa oxygen na nakastandby sa bibig nya. "Pakisuyo, Bro. Pakisabihan si Drew na nailabas na nang Operating Room si Niño," pakiusap ni Ricky. "Ire-relay ko na," ani Mike na mabilis na nagtext kay Drew. Napansin nya si Ricky na yumuko na nakapikit. "Ayos ka lang, bro?" tanong ni Mike na tinabihan si Ricky. Tumango lang si Ricky. "Kaya pa?" tanong ni Mike. Pinilit ngumiti ni Ricky. Inakbayan ni Mike ang kaibigan nya. "Kinakaya, bro. Medyo pagod lang," amin ni Ricky. "Andito lang kami. Magpakatatag ka lang," tapik ni Mike kay Ricky. "Salamat, Mike," ani Ricky. "Halika na. Bumalik na muna tayo sa kwarto," yaya ni Mike. Pagbalik sa kwarto ay naupo si Ricky sa sofa. "Mama, nasa Recovery Room pa si Niño. Mabuti pa ay umuwi muna kayo. Ako na po muna ang bahala kay Niño," ani Ricky. "Sigurado ka Ethan?" tanong ng reyna. "Kailangan po kayo ni Papa. Nag-aalala na rin po si Jaja," katwiran ni Ricky. "Pero kailangan mo ring magpahinga, Anak," anang reyna. "Huwag nyo po akong alalahanin. Magpapahinga po ako. Kailangan nyo rin magpahinga," pakiusap ni Ricky. "Sige na po, Kamahalan. Huwag mo pong alalahanin ang mga Prinsipe, kami na po bahala," susog ni Drew. "Kailangan nyo ring umuwi. Malamang nagsusubok na lumabas ng kwarto si Jude. Ikinulong ko sya doon habang hindi pa sya nakaka-recover," dugtong ni Ricky. "Sige. Magpahinga ka muna bago ako umalis," anang reyna. "Hindi na po, Mama. Drew, bumalik ka muna para masamahan si Jessie sa pupuntahan nyo," wika ni Ricky. "Ok," ani Drew. Makaraan ang ilang minuto nagpaalam ang reyna kay Ricky. Dumaan ang ilang oras at pinatawag sina Ricky at Mike sa ICU ng doktor. Sinilip naman ni Ricky sa Viewing Window ICU si Niño pumasok naman sa loob si Mike. Tinanggal na ang tubo sa bibig nya at oxygen na lang sa ilong ang nakalagay. Nakakabit pa rin ang blood pressure at heart beat monitor. Balot ang noo nya ng gasa. "Kamusta na po sya, Doc?" tanong ni Ricky. "Nagising na sya saglit kanina. Mukhang tagumpay naman ang operasyon. Papapasukin ko na ang mga healers para mapagaling na ang mga sugat nya at mailipat na sya sa kwarto nya," ani Doc Brian. Muling gumalaw si Niño at dahan-dahang nagmulat.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD