"Gising na sya," balita ni Mike na lumabas sa kwarto.
Lumapit ang doktor at kaagad sinuri ang mata ni Niño.
"Niño, naririnig mo ako? Igalaw mo lang kamay mo kung naririnig mo ko," tanong ng doktor.
Ginalaw ni Niño ang kamay nya. Nagsalita ng Vallian si Niño. Sumagot naman si Ricky kay Niño.
"Magpahinga ka muna," anang doktor kay Niño.
"Hindi nya tayo kilala," nabahalang ni Ricky.
"Temporary amnaesia. Babalik naman ang alaala nya," ani Doc Brian.
Kinausap muli ni Niño si Ricky sa Vallian. Napangiti sina Ricky at Doc Brian. Tumugon si Doc Brian sa sinabi ni Niño.
"Hala! Binebenta na ata ako," pabirong wika ni Mike.
"Hindi pa naman. Nagtataka lang si Niño kung bakit naiintindihan nya ang usapan natin pero hindi sya makapagsalita sa lengwahe mo," ani Ricky.
"Natatandaan mo pa ba ako?" tanong ni Mike kay Niño.
Umiling nang marahan si Niño.
"Sya si Kuya Mike mo. Kaibigan natin," pakilala ni Ricky.
Humawak sa ulo si Niño.
"Huwag mo munang pilitin ang sarili mo," wika ni Doc Brian, "Ipapalipat ko na sya sa kwarto nya. Kailangan ko lang munang mag-rounds."
"Salamat po," ani Ricky.
Binalik si Niño sa kwartong tinutuluyan nya sa ospital. Napapikit si Niño at napahawak muli sa ulo nya.
"Anong nangyari?" tanong ni Ricky.
Nagsalita muli si Niño sa wikang Vallian na kumunot ang noo.
"Si Nathan 'yun. Magpahinga ka na," sagot ni Ricky.
Isang katok ang gumambala sa kanila. Pumasok ang isang healer. Kinausap si Ricky nang Healer.
Tumango si Ricky. Napansin ni Ricky ang pangamba sa mukha ni Niño.
"Mga Healers sila. Gagamutin ka nila. Babantayan ka namin," paniniyak ni Ricky kahit ramdam na nya ang sobrang pagod.
Pumayag si Niño. Habang ginagamot si Niño, napansin ni Mike na pagod na pagod na si Ricky. Nang matapos ang gamutan ay tulog na ulit si Niño.
"Power nap ka muna bro. Kakailanganin namin ang lakas at liwanag ng utak mo. Ako muna bahala kay Niño," payo ni Mike.
"Salamat bro pero ok lang ako," ani Ricky.
"Magpahinga ka lang saglit," pangungumbinsi ni Mike.
"Ok. Sige, idlip lang ako," ani Ricky na pumikit sa sofa.
"Gigisingin kita kapag nagising muli si Niño," wika ni Mike.
"Sige. Salamat," ani Ricky.
Dumaan ang dalawang oras, ginising si Ricky ni Bonnie.
"Ric, gising muna," marahang alog ni Bonnie.
Bumangon si Ricky sa sofa.
"Ate, anong ginagawa mo rito?" gulat na wika ni Ricky.
"Tinawagan ako ni Ren. Sinabihan nya ako na samahan kayo dito. Sinabi nya na hindi pa raw kayo nakakapahinga," sagot ni Bonnie.
"Salamat, Ate," ani Ricky na ngumiti.
"May dala akong sopas. Kumain ka muna," sabi ni Bonnie.
"Salamat po," ani Ricky na bumangon at nag-inat.
Lumapit sya sa kama ni Niño. Tinanggal na ang mga makina sa paligid ni Niño. Tanging ang benda na lang sa noo nito ang indikasyon nang nangyaring operasyon.
"Hindi pa sya nagigising," wika ni Bonnie.
"Si Mike po?" tanong ni Ricky nang mapansin na wala si Mike sa kwarto.
"Lumabas. May tatawagan lang daw sya," tugon ni Bonnie.
Maya-maya ay pumasok si Mike.
"Pasensya na. Kinailangan ko lang tumawag," banggit ni Mike.
"Sa chick mo?" pabirong wika ni Ricky.
"Oo," ani Mike na napakamot sa ulo.
"May girlfriend ka na?" tanong ni Bonnie na gulat.
Napangiti lang si Mike at napakamot sa ulo.
"Mama po ni Mike, Ate," salo ni Ricky.
"Ah," ani Bonnie.
Ilang saglit pa ay kumilos si Niño. Dahan-dahang nagmulat ito ng mata. Kaagad namang lumipat si Ricky sa tabi ng kapatid.
"Kuya!" tawag ni Niño na medyo mahina.
Lumapit ang tatlo sa tabi ng kama ni Ricky.
"Tu- big," hiling ni Niño.
Kaagad namang nagsalin ng tubig si Bonnie sa baso at nilagyan ng straw para makainom si Niño. Humigop ng kaunting tubig si Niño bago umiling. Inilayo ni Ricky ang baso kay Niño.
"Kamusta na pakiramdam mo? Ayos ka lang?" tanong ni Ricky.
Tumango si Niño.
"Kuya, nasaan tayo?" tanong ni Niño.
"Nasa ospital, Niño," sagot ni Ricky.
"Naaalala mo pa ako Niño?" tanong ni Bonnie kay Niño.
Umiling si Niño.
"Sino po kayo?" tanong ni Niño kay Bonnie.
Napatingin lang si Ricky kay Bonnie.
"Isa sa mga kaibigan natin, Niño, si Ate Bonnie," sagot ni Ricky.
"Pasensya na po, Ate. Hindi ko po kayo maalala," hingi ng paumanhin ni Niño.
"Maaalala mo rin lahat," ngiti ni Bonnie.
"Ano pong ginagawa natin dito?" tanong ni Niño na mahina.
"Nasaktan ka at kinailangan ipagamot." ani Ricky.
Isang katok ang gumambala sa kanila. Nagbukas ang pinto at pumasok si Ren.
"Gising ka na pala, Niño," bati ni Ren, "Salamat naman."
Napatitig si Niño kay Ren pilit kinikilala ang binatang pumasok sa kwarto.
"Huwag mong pilitin kung hindi mo maalala. Babalik ang lahat sa tamang oras," ani Ricky.
"Bakit?" takang tanong ni Ren kay Ricky.
"Hindi nya tayo maalala, Ren," sabi ni Bonnie kay Ren.
"Nagkaroon sya ng temporary amnaesia, Kuya," paalam ni Mike.
Napapikit si Niño at napahawak sa ulo nya nang makaramdam ng gumuguhit na sakit sa ulo.
"Niño, ayos ka lang?" tanong ni Ricky.
Ilang segundong hindi kumibo si Niño. Napakagat sya sa labi nya sa sobrang kirot. Kaagad lumabas si Mike at tumawag ng doktor.
"Relax, huwag masyadong magpilit. Babalik rin iyang kusa sa iyo." payo ni Ren.
Pagbalik ni Mike ay kasunod nito ang Healer. Kaagad nitong sinuri si Niño.
"Huwag po kayong mag-alala. Babalik din ang alaala nya. Inalis ko na ang nararamdaman nyang kirot," anang healer.
"Salamat," ani Ricky.
Lumabas ang Healer. Napansin ni Ricky na lumalalim ang hinga ni Niño.
"May masakit sa'yo?" tanong ni Ricky.
"Medyo masikip lang po sa dibdib," wika ni Niño.
Kaagad binuksan ni Ricky ang drawer sa side cabinet ng kama. Inabot nya kay Niño ang inhaler nito.
"Inaatake ka na nang asthma mo. May asthma ka since birth," wika ni Ricky.
Ginamit ni Niño ang inhaler bago tuluyang tinitigan itong mabuti. Nilaro nya ito sa pagitan ng mga daliri nya. Iniisip nya pa rin kung anong nangyari sa kanya.
"Kuya anong nangyari sa akin? Bakit po ako narito?" tanong ni Niño.
"Nabagok ang ulo mo nang mahulog ka. Inoperahan ka para matanggal ang pressure sa ulo mo," sagot ni Mike.
"Nakikilala mo kami?" tanong ni Ricky.
"Kapatid po ata kita," nagdadalawang- isip na wika ni Niño.
"Eh ako?" tanong ni Mike.
Saglit na nag-isip si Niño.
"Ikaw po si Kuya... Kuya Mike," banggit ni Niño na saglit nag-isip.
"Eh iyang lalaking isa?" tanong ni Ricky na tinutukoy si Ren.
Tumingin si Niño kay Ren. Saglit na tinitigan ito tila hinahanap ang pangalan sa isip nya. Umiling sya.
"Sya si Kuya Ren. Kilala sya bilang si Eagle," wika ni Ricky.
Parang may nabuksang switch sa utak nya.
"May natatandaan ako sa kanya. Sya ang nagligtas sa buhay ko noon," sambit ni Niño na kinukumpirma kay Ren.
"Tama ka, Niño," ani Ren na napangiti.
"Ang babae naman na kasama nya ay si Ate Bonnie. Kaibigan natin sya mula sa Ark District. Ilang buwan tayo tumigil doon at nag-aral sa University of Valle," kwento ni Ricky.
"Ark District? Hindi po ba doon ang Cakehouse?" tanong ni Niño.
Napangiti si Bonnie nang mabanggit ang Cakehouse.
"Oo doon nga ang Cakehouse," sagot ni Bonnie.
"Kayo po ba ang babaeng tumulong sa amin doon? Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko po kasi malapit kayo sa akin," ani Niño, "Biglang may nag-click nang banggitin nyo po ang pangalan nila," na nilalaro pa rin ang inhaler nya.
"Sino pang natatandaan mo?" tanong ni Mike.
"Wala pa po masyado pero kapag nakita ko ang mukha nila baka po maalala ko," umaasang wika ni Niño.
"Subukan mo lang," hikayat ni Ricky.
Saglit nag-isip si Niño bago muli nagsalita.
"May kapatid po ako, isang bunsong babae. Ang pangalan nya ay si... Jessie Ann. May kakambal po ako na Nathan ang pangalan. Pati po si Kuya Ethan," salaysay ni Niño na nag-iiisip.
"Tama naman ang impormasyon mo. Huwag mo lang munang sagarin ang sarili mo. Babalik 'yan nang unti-unti," galak na wika ni Bonnie.
"May hihilingin po ako Kuya," hiling ni Niño.
"Ano iyon?" tanong ni Ricky.
"Kuya, gusto ko na pong umuwi," pakiusap ni Niño.
Napangiti ang apat.
"Hindi ka pa rin nagbabago," sabi ni Mike na napapailing na natatawa.
"Nakausap ko si Doc Brian. Sinabi nya na kailangan mo na lamang daw maobserbahan ng isang araw pa bago ka palabasin. Baka bukas makauwi ka na," balita ni Ren.
Napalingon si Niño sa bintana dahil may naramdaman syang panganib. Kasabay din iyon ng paglingon ni Ricky sa parehong direksyon.
"May panganib," sambit ni Niño.
Sinubukan ni Niño na gumalaw pero nakaramdam sya ng matinding pagkahilo.
"Huwag pilitin ang sarili. Magpahinga ka lang. Wala pa sa balanse katawan mo," pigil ni Ren.
"Pero..." angal ni Niño.
"Kami na ang bahala," sabi ni Ricky.
"Sige na. Puntahan nyo na. Ako na bahala kay Niño," prisinta ni Bonnie.
"Darating po mamaya ang reyna," ani Mike.
"Sige. Ako na bahalang humarap sa kanya," tango ni Bonnie.
Lumabas ang tatlo sa kwarto.
"Ate Bonnie, pwede po bang humingi mg pabor?" tanong ni Niño.
"Pwede nyo po ba akong kwentuhan tungkol sa Cakehouse at pagtigil namin sa Ark? Pakiramdam ko kasi naging masaya ang pagtigil namin sa Ark. Baka may maalala pa po ako kapag nabigyan ako ng impormasyon," hiling ni Niño.
"Sure. Ang pagkakaalam ko ay na-enjoy nyo ang mga araw na nag-aaral kayo sa University of Valle pati pagtigil nyo sa Cakehouse," ani Bonnie.
Sa palasyo, bumalik sina Ricky at Ren. Sumilip si Ricky sa kwarto ni Jude. Naroon pa rin ang kapatid nakaupo sa may bintana, nagbabasa.
"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Ricky.
"Medyo maayos na po. Kamusta na po si Niño?" tanong ni Jude.
"Maayos na. Nagising na sya, medyo may mga hindi maalala pero nagbabalik na rin. Kapag walang komplikasyon, makakauwi na sya bukas. Eh ikaw?" tanong ni Ricky.
"Hindi pa rin po ako makalabas, Kuya. Kaya minabuti ko na magbasa muna," sagot ni Jude.
"Kailangan mo pang magpahinga ng kaunti. Nararamdaman kong nagbabalik na naman ang lakas mo," ani Ricky.
Naramdaman muli ni Ricky ang panganib.
"Kuya, sa himpilan sa hilagang kanluran," wika ni Jude.
"Dito ka muna," paalam ni Ricky.
"Sasama ako," ani Jude.
"Kailangan mo pang magpahinga. Mas makakatulong ka kay Niño kung magpapahinga ka," tanggi ni Ricky.
"Maiintindihan po ni Niño na kailangan ko pong tumulong sa inyo. Magagalit po kasi si Niño kapag nalaman nya na wala akong gagawin," katwiran ni Jude.
"Puwes, pakawalan mo na ang sarili mo. Hindi ko na maaaring bawiin ang sumpa. Kailangan mong baliin ito," hamon ni Ricky.
Huminga ng malalim si Jude para ihanda ang sarili bago humawak sa door knob ng kwarto nya. Naramdaman nya ang lagitik ng kuryente mula sa door knob na pinipigilan syang mabuksan ang pinto. Tinuon nya ang kapangyarihan nya sa kamay nya bago nya pinalawak ito sa pinto. Dahan-dahan nyang nabuksan ang pinto.
"Magaling nakokontrol mo na ang kapangyarihan mo. Nabasag mo ang sumpa," ani Ricky na napangiti.
Hiningal si Jude at pinawisan. Napalingon sa bintana si Niño.
"Bakit Niño?" tanong ni Bonnie.
"Si Nathan," sambit ni Niño.
"May problema ba?" tanong ni Bonnie na kumunot ang noo.
"Wala po. Guni-guni ko lang po," ani Niño.
Nakaantabay na si Mike sa labas ng kwarto ni Jude.
"Nagawa mo," tuwang wika ni Mike.
"Naramdaman ka na ni Niño," babala ni Ricky.
"Pasensya na po. Hindi ko napigilan," ani Jude.
"Tayo na," yaya ni Ricky.
Umalis ang apat.
"Sa West Sector tayo ng maze. Medyo lumalapit na sila sa bahaging 'yun," turo ni Ricky.
Nakarating sila sa pasukan ng underground maze. Naroon ang dalawang unit ng REU at isang pulutong na kawal. Nakaroon rin sina Ren at Alexi.
"Nakahanda na sila, Kamahalan," wika ni Ren.
Tumango si Ricky.
"Mag-ingat kayo. Kahit gaanong kasaulado natin ang tunnels, hindi natin alam kung may natitira pang patibong sa buong lugar," paalala ni Ren.
"Opo," ani Jude.
"Buksan ang mga trackers para hindi tayo magkadisgrasyahan," utos ni Ren.
"Roger!" anang mga tao.
"Sige. Positions everyone," sigaw ni Ren.
Nagpulasan ang mga sundalo. Naiwan sina Ricky, Jude, at Mike.
"Kaya mo na ba, Prinsipe Nathan?" tanong ni Alexi.
"Opo. Salamat sa pag-aalala, Kuya," ani Jude.
"Kakailanganin natin ang guardians ngayon," pauna ni Ren.
"Yuri!" ani Ricky.
Lumabas si Yuri mula sa kwintas ni Ricky. Lumipad ito pataas bago dumapo sa balikat ni Ricky.
"Beacon Battle Mode!" tawag ni Alexi.
Lumabas si Beacon na balot din ng baluti at sandata ang katawan.
Tumango si Jude bago tinawag si Fin.
"Fin battle mode!" tawag ni Jude.
Lumabas si Fin sa Wolf Mode. Mas malaki at mas mabangis. Kargado ito ng baluti na kulay abo sa katawan nito at ang paa nito ay nakabalot ng mabakal na may matatalim na kuko. Nagulat si Jude sa hitsura ni Fin at namangha.
"Anong nangyari sa'yo, Fin?" tanong ni Jude na hindi makapaniwala.
"Iyan ang tunay na anyo nya sa battle mode," wika ni Alexi na hinimas ang ilong ni Fin.
"Lumabas na ang tunay kong kapangyarihan, Master," banggit ni Fin.
"Eagle enemies approaching," paalala ni Drew
"Tayo na. Let's work," sigaw ni Ren
Samantala sa ospital, nakaramdam ng sakit sa ulo si Niño. Napahawak ito sa sentido nya at sa tainga nya. Kaagad napansin ito ni Jessie na noo'y nagbabantay sa kanya.
"Ayos ka lang, Niño?" tanong ni Jessie.
"Makirot ang ulo ko, Ja," daing ni Niño.
"Mama, si Kuya!" tawag ni Jessie sa reyna.
"Huwag na Jaja!" pigil ni Niño.
Lumapit ang reyna sa kanila. Napansin nito na hinihilot ni Niño ang sentido nito.
"Ayos ka lang, Niño?" tanong ng reyna.
"Medyo makirot lang ulo ko, Ma. Wala ito," wika ni Niño.
"Rica, pakitawag ang Healer," anang reyna.
Kaagad lumabas ang security ni Jessie at tumawag ng tulong. Sumandal si Niño at pumikit. Pilit nyang ni-relax ang sarili. Hindi na nya alam ang sumunod na nangyari. Nanaginip sya na hinahatak sya ng kumunoy pababa. Kahit anong gawin nya ay hindi sya makaahon hanggang sa maramdaman nyang may humahatak sa kanya pataas. Nagising sya na hawak ng mama nya ang kaliwang kamay nya, nakatayo sa likod ng mama nya ang hari, nakaupo si Jude sa paanan ng kama nya katabi si Jessie at si Ricky naman ay nasa kanan nya hawak ang balikat nya.
"Maligayang pagbabalik!" bati ng hari na nakangiti.
"P-po?" tanong ni Niño na nagtataka.
"Budz, tinakot mo kami lahat," bakas sa mukha ni Jude ang pag-aalala.
"Nasaan ako?" tanong ni Niño na kinapa ang salamin nya.
"Nasa kwarto mo, Budz," ani Jude.
Kumunot ang noo ni Niño na gumala ang tingin sa ama at ina nya.
"A-no pong nangyari?" tanong nya na sinubukang iangat ang likod nya para umupo pero hindi nya magawa.
"Nawalan ka nang malay for a few days. Hindi ko naibalik ang kwintas mo sa iyo pagkatapos ng operasyon. Pasensya na," hingi ng tawad ni Ricky.
"Hinagilap ng mga kapatid mo ang life energy mo. Masyado na itong mababa na halos hindi na maramdaman ni Jude. Mabuti na lang at naramdaman pa ito ni Kuya mo," anang hari.
"May natatandaan ka ba?" tanong ni Ricky.
Umiling ng marahan si Niño.
"Anong huli mong natatandaan, Budz?" tanong ni Jude.
"Magkausap pa tayo," wika ni Niño.
"That was five days ago," pabatid ni Ricky.
"Mabuti at ligtas ka na," anang hari.
"Ano na pong nangyari sa LeValle?" tanong ni Niño.
"Minsan nama'y unahin nyo ang sarili nyo," anang reyna.
"Umatras na muli ang Greems sa kaharian nila matapos ang engkwentro sa maze," banggit ni Jude.
"Kuya huwag mo akong tatakutin ng ganun," wika ni Jessie.
"Pasensya na," ani Niño na nagpipilit bumangon.
Iniupo ni Ricky si Niño. Iniayos ang unan para makasandal ng ayos ito. Nagkwentuhan ang mag-anak ng halos ilang oras bago tuluyang nagpaalam ang hari at reyna. Napatingin si Niño sa kamay nya.
"May problema?" tanong ni Jude.
"Wala. May kakaiba lang akong nararamdaman," sagot ni Niño.
Pumasok sina Mike at Drew sa kwarto ni Niño.
"Kamusta na?" tanong ni Mike.
"Ayos lang po. Salamat Kuya," ani Niño.
Nagsalita ng Vallian si Jessie, tinanong si Niño kung may gustong kainin. Sumagot si Niño na wala. Sumabad sa usapan si Drew at pinayuhan si Niño na kumain. Nakisawsaw si Mike sa usapan.
"Mali Kuya. Separtro po. Iba po ang ibig sabihin ng Separro," pagtatama ni Jessie na natatawa.
"Pasensya na. Kailangan ko pa magpraktis," ani Mike.
"Konting praktis pa," payo ni Drew napangisi.
"Ang bilis mo pong matuto, Kuya Mike," wika ni Jessie.
"Kailangan sa trabaho, Jaja," ani Mike.
"Hindi lang kasi nya sineryoso ang Vallian class namin noon," pang-aasar ni Drew.