Sa kwarto na dinala ang kambal. "Kamusta na sila?" tanong ni Emir. "Mabuti na naman. Nagamot ko na ang mga pinsala nila pero hindi ko pa tiyak kung kailan sila magigising." balita ni Sandy, "May balita na ba?" tanong nito. "Tapos na ang digmaan. Naubos ang mga Greem sa Sentro. Bumalik na sa kaharian nila ang iba na tumakas." wika ni Emir. "Si Ricky?" tanong ni Sandy. "Wala pang katiyakan sa nangyari. Nararamdaman ko pa ang kapangyarihan ni Yuri pero hindi ko maramdaman si Ricky." sagot ni Emir. Makaraan ang ilang araw nagising si Jude. Nagmulat sya ng mata at dahan-dahang umupo. "Gising na sya!" pahayag ni Sandy. "Kuya Jude!" wika ni Jessie na niyakap ang kapatid. "Welcome back!" bati ni Drew, "Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nya. "Maayos na. Anong pong nangyari?" tanong ni

