Bago magtanghalian, binisita ni Drew muli si Ricky sa kwarto nya. Naroon sina Mariko, Jan, Jessie at Troy na gumuguhit sa mga papel sa sahig, habang tinuturuan nya si Luke sa gitara. "Anong meron dito?" pabirong tanong ni Drew sa mga bata. "Gumuguhit po kami," sagot ni Mariko. "Sino ang ginuguhit nyo?" usisa ni Drew. "Ako po si Arrow, magaling sya sa pana at matalino," tugon ni Troy. "Ako naman po si Trix, magaling po sya. Sabi po ng mga tagasilbi may tinulungan daw po silang mga tao sa kakahuyan kanina nang atakihin ng mga bandido," bida ni Jan. "Ibibigay ko po ito sa kanya pag nagkita kami." wika ni Troy. "Kasama kanina ni Kuya Trix si Arrow? Akala ko po naiwan sya sa Sentro?" ani Jessie. "Kilala mo si Kuya Trix, Ate Jaja?" tanong ni Jan. Sumenyas si Ricky na huwag sabihin ni J

