Abala at nababahala ang lahat sa Command Center dahil sa nalalapit na pagsugod ng mga Greem sa Sentro ng mga sumunod na araw. Bumisita sa kwarto ni Ricky ang sina Emir at Ren. Naabutan nilang naroon sina Drew, Niño at Alexi. "Kamusta na sya?" tanong ni Ren kay Niño. "Hindi pa rin sya nagigising. Maayos naman ang lagay nya. Kamusta po ang pulong?" tanong ni Niño. "Hindi maganda ang sitwasyon. Hindi natin kakayanin ang pwersa ng Greem sa sitwasyon ngayon. Kung hindi tayo didiskarte ng mahusay ay makukuha na naman nila ang Sentro ng tuluyan," kwento ni Drew. "Kakayanin natin ang mga sundalo pero sa dami ng mga copies ay mahihirapan tayo. May mga Cerberus at Helios pa," wika ni Ren. Naramdaman ni Niño ang pagkilos mula sa kwarto ni Ricky. "Si Kuya!" wika ni Niño na nagtungo sa kwarto ni

