Nakarating sila sa base. Naroon si Emir kausap ang ibang opisyal.
"Iwan nyo muna kami. Nais ko silang makausap nang kami lang. Maiwan ka rin Ren," utos ni Emir sa ibang opisyal na naroon.
Naglabasan ang ibang opisyal maliban sa kay Ren na may benda sa kaliwang braso.
"Anong nasa isip mo kanina, Ricky?" galit na tanong ni Emir kay Ricky.
"Pasensya na po, Sir," ani Ricky.
"Pero Sir hindi naman ni Kuya sinasadya," depensa ni Jude.
"Muntik mo nang mapatay ang ating mga tauhan, Ethan. Muntik na mapahamak ang mga kapatid mo. Pumayag ako na sumama ka sa operasyong ito sa pag-aakalang kaya mo na pero nagkamali ako. Mahalaga ka sa operasyon na ito pero hanggang hindi mo pinakakawalan ang emotional baggage mo, wala kang maitutulong sa amin. Bumalik ka na muna sa palasyo," ani Emir na galit.
"Ayos lang ako, Sir. Kaya ko," protesta ni Ricky.
"Hindi ka maayos. Kailangan mong bumalik na muna sa palasyo. Kayo rin, Jude at Niño and that's an order," utos ni Emir.
"Yes Sir!" ani Ricky na sumaludo kasabay nina Jude at Niño.
"Dismissed!" pahayag ni Emir na lumabas muna ng tent .
Tinapik ni Ren ang balikat ni Ricky.
"Boys mauna na muna kayo sa palasyo. Isama nyo na muna si Drew para makapagpahinga. Kakausapin ko lang si kuya nyo," wika ni Ren.
Tumango lang si Niño.
"Sumunod ka sa akin Ricky," ani Ren na seryoso.
Naglakad ang dalawa patungo sa kakahuyan. Inatake ni Ren nang bigla si Ricky nang makarating sa isang tahaw.
"Bakit Kuya?" tanong ni Ricky na umilag.
Muling umatake si Ren pero hindi inasahan ni Ricky ang ginawa ni Ren kaya tinamaan sya at bumagsak.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Ricky habang nakalugmok.
Tumigil si Ren at hinintay na makabangon si Ricky bago muli nyang inatake si Ricky. Sinubukang umilag ni Ricky pero inabot muli sya ng atake ni Ren.
"Bumangon ka! Lumaban ka!" utos ni Ren.
Narinig ni Drew ang sigaw ni Ren. Kaagad syang lumapit pipigilan sana nya si Ren pero hinarangan sya ni Alexi.
"Hayaan mo na lang sya, Drew. Hayaan mo si Ren. Kailangan mailabas ni Ricky ang kinikimkim nyang sama ng loob," iling ni Alexi.
"Lumaban ka! Tumayo ka , Ric at labanan ako!" hamon ni Ren.
Umiling si Ricky.
"Masasaktan ka kung hindi ka maayos Ric," banta ni Ren, "That's an order, Soldier!"
"Ayos lang ako, Sir. Pasensya na, binigo ko kayo," ani Ricky na noo'y dahan- dahang bumangon.
"Ilabas mo yang nararamdaman mo, Ric. Hindi ganito," hamon ni Ren na inatake muli si Ricky.
"Hindi kita kayang labanan, Kuya," tanggi ni Ricky.
"Lumaban ka dahil kapag hindi ka lumaban mamamatay ka," banta ni Ren na nilabas ang hunting knife nya mula sa scabbard nito.
Muli nyang inatake si Ricky. Umilag at sinangga ang atake ni Ren.
"Hindi! Ayoko, Kuya," tanggi ni Ricky na umilag sa ulos ni Ren.
Inatake muli ni Ren si Ricky. Umilag si Ricky pero nahuli sya nang kaunti kaya nadaplisan sya ni Ren sa damit nya. Out balance si Ricky noon na sinamantala ni Ren.Tinutok ni Ren ang hunting knife nya sa leeg.
"Hindi ka nakakapag-isip ng maayos, hindi ka makakilos nang maayos. Paano mo maipagtatanggol ang mga taong mahal mo? Paano mo paninindigan kay Aly ang pangako mo na pangangalagaan mo lahat ng mahal mo?" usig ni Ren.
"Pangako kay Aly?" tanong ni Ricky na natigilan.
"Nangako ka na papangalagaan mo ang lahat ng mahal mo at mukhang wala kang balak na pahalagahan ang pangako mo," wika ni Ren.
"Marunong akong magpahalaga sa pangako. Wala akong pangakong binitawan sa kanya," sigaw ni Ricky na nakatingin ng direkta kay Ren.
Nanginginig at kalaunan'y nabasag ang boses nito.
"Hindi mo pinahahalagahan ang mga bagay na minamahal ni Aly. Mahal nya ang LeValle, ang pamilya nya, pamilya mo, mga nilalang na nakatira dito, ang sarili mo. Nang minahal mo sya nangako kang pangangalagaan at pahahalagahan ang lahat ng mahal nya. Hindi mo iyon ginagawa. Muntik nang mapahamak ang mga tao sa paligid mo," pamukha ni Ren na nakatitig kay Ricky.
Binaba ni Ren ang hunting knife nya at binalik sa holder nito. Sinikmuraan nya si Ricky bago tumalikod. Napaluhod sa isang tuhod si Ricky.
"I'm sorry Kuya. Hindi mo alam ang nararamdaman ko," ani Ricky na pinilit tumayo.
"Alam ko," yamot ni Ren na tumalikod kay Ricky, "Alam ko ang pakiramdam nang mawalan! Alam ko ang pakiramdam nang mawalan, Ricky," na may halong lungkot ang boses.
Humarap si Ren kay Ricky.
"Hindi ito ang Ricky na kilala ko," deklara ni Ren, "Alam ko ang sakit nang mawalan kaya huwag mong sabihin na hindi ko naiintindihan," dugtong nya na tumalikod muli at naglakad palayo kay Ricky.
Nagbalik sa palasyo si Ricky na tahimik. Napansin nina Niño at Jude na may pasa si Ricky sa mukha at putok na labi.
"Kuya, anong nangyari sa'yo?" gulat na wika ni Niño.
"Ayos ka lang?" tanong ni Jude.
"Wala ito. Ayos lang ako," wika ni Ricky.
Kaagad namang inabutan ni Drew nang ice pack si Ricky.
"Drew, salamat. Iwan nyo na muna ako," pakiusap ni Ricky.
"Sure you can manage?" tanong ni Drew.
"Oo," ani Ricky.
"Sige," ani Drew.
Naligo si Ricky at nagbabad sa shower doon pilit nyang inilabas ang lahat ng frustration at galit sa sarili. Kinabukasan nagkulong syang muli sa kwarto nya. Hindi sinasadyang nahulog mula sa side table nya ang kahon ni Alyssa. Kaagad nya itong nasambot. Hinawakan nya ito at tinitigan bago sya umupo sa kama nya. Binuksan nya ito at sa loob nakita nya ang iba't ibang bagay na binigay nya kay Alyssa. Simula sa bracelet na binigay nya nung grade one sila hanggang sa tuyong dahon ng punong pinagkahulugan nila. Naroon di ang sirang ribbon nya na niregalo nya hanggang sa sapphire hair clip na binigay nya noong Pasko sa kanya. Isang katok ang nagpatigil sa pagmumuni-muni nya. Pumasok ang reyna sa kwarto ni Ricky.
"Mama," bati ni Ricky.
"Hindi ka pa raw lumalabas ng kwarto mo," anang reyna.
"Wala po akong ganang kumain o makipag-usap sa iba," paliwanag ni Ricky.
"Anong ginagawa mo rito? Nagmumukmok?" anang reyna na nagtaas ng kilay.
"Hindi naman po. Ayoko lang po lumabas," wika ni Ricky.
"Hindi lang ako sanay na hindi ka nakikita kasama ng mga kapatid mo. Dati kasi kapag dumating ka sa mga mabibigat mong misyon, ilang oras ka lang nagkukulong sa kwarto mo para mag 'decompress' tapos nakikipaglaro ka na sa kanila," anang reyna.
"Pasensya na po, Ma. Wala lang talaga akong ganang lumabas," dahilan ni Ricky na pilit ngumiti kahit ramdam mo ang lungkot.
Umupo ang reyna sa tabi ni Ricky sa kama nito.
"Hindi ka ba pupunta sa burol ni Alyssa?" tanong ng reyna.
"Ma, hindi ko po alam," sagot ni Ricky.
"Hindi ka ba magpapaalam sa kanya?" tanong ng reyna.
Hindi kumibo si Ricky. Napansin ng reyna ang kahon na tinitingnan ni Ricky.
"Ma, hindi ko po yata kayang magpaalam," amin ni Ricky.
"Kung mahal mo sya, you have to let her go. Sa palagay mo ba kung narito sya ay matutuwa sya kapag nakita ka nyang ganyan?" tanong ng reyna.
Napailing si Ricky.
"Magagalit po 'yun. Baka masuntok na naman po nya ako," ani Ricky na humagod sa balikat nya.
Napangiti ang reyna sa sagot ng binata.
"Ano ba yang hawak mo?" tanong ng reyna na tinutukoy ay ang kahon na nasa hita nya.
"Koleksyon po ni Alyssa. Box of memories nya. Pinabigay po nya sa akin," sagot ni Ricky na ngumiti.
"Alalahanin mo ang magagandang alaala nya. Kaya siguro nya pinabigay sa'yo. Kung buhay si Aly tiyak na malulungkot sya kapag nakita ka nyang nagmumukmok. Magagalit yun dahil gusto nyang maalala sya sa masasayang alaala," anang reyna.
Natahimik si Ricky napaisip.
"May eulogy na gagawin ngayon ang mga kaklase nyo at mga kaibigan ni Aly. Last night na nya ngayon at tinanong ko si Drew, hindi ka pa raw pumupunta. Nagpaalam sila ni Mike na mag-off ngayong gabi para makilamay," anang reyna.
"Hindi ko po ata kayang makita si Aly," takot na wika ni Ricky.
"Huling gabi na nya. Kailangan mo nang magpaalam," anang reyna.
"Salamat, Ma. Pag-iisipan ko po," ani Ricky.
Kinagabihan lumabas si Ricky sa kwarto nya nakabihis. Kaagad syang nagpaalam na lalabas muna dala ang motorsiklo nya. Hindi nya alam kung saan sya pupunta o dadalhin ng motor nya. Nagulat sya nang makita ang sarili sa funeral chapel na pinagbuburulan ni Alyssa.
Nagsisimula na ang isang video tribute na mga pictures at alaala ni Aly nang mga kasama nya sa foundation na pinagvolunteeran nya nang dumating si Ricky. Hinubad nya ang baseball cap nya at tahimik na umupo sa bandang likuran. Lumingon si Drew sa pwesto nya at binati sya sa senyas. Nang matapos ang presentation ng foundation ay sumunod naman ang mga malalapit nyang kaklaseng nagpakita ng video presentation nya.
Huling nagpakita ng picture compilation si Niño. Nagulat si Ricky nang makita ang mga litrato nila. Kita ang ngiti at saya ni Alyssa sa bawat litrato. Nakita rin ang mga litrato ni Aly nang nasa ospital sya, pati ang ilang litrato ng pagke-chemo nya. Pati ang ilang kuha na natutulog si Ricky sa hita ni Alyssa at ang pagtulog ni Alyssa sa hita nya.
Saka lang na-realize ni Ricky ang tuwang naidulot ni Aly sa mga tao sa paligid nya. Pagkatapos ng eulogy ay nilapitan sya nina Mike, Drew at ng kambal.
"Kanina ka pa?" tanong ni Mike.
Tumango si Ricky.
"Hindi ka ba papasok para makita si Aly?" tanong ni Drew.
"Mamaya na siguro. Gusto ko sanang maalala sya na masaya at masigla," iling ni Ricky.
"Ganyan nga nya gustong maalala ng mga kaibigan nya," sang-ayon ni Mike.
"Kamusta nga pala ang baron at si Tita Nerva?" tanong ni Ricky.
"Maayos naman ang baron. Si Tita Nerva ang pinakaapektado," balita ni Niño.
"Sya na ang nagsilbing ina ni Aly mula nang mamatay ang nanay nya," ani Ricky
Makaraan ang ilang sandali ay tinabig ni Drew si Ricky.
"Mabuti pa ay pumasok ka na para makita sya," yakag ni Drew.
"Hindi ko ata kayang makita sya, bro," pagtatapat ni Ricky.
"Ric, nariyan ang baron sa loob. Gusto ka nyang makausap," wika ni Bok na lumapit sa kanila.
"Salamat, Kuya Bok," sagot ni Ricky.
"Sasamahan kita sa loob," alok ni Drew.
Lumapit si Ricky sa labi ni Aly kahit puno ang alinlangan. Nauna sa kanya si Drew na sinalubong ng baron.
"Mabuti at nakarating ka," anang baron na nakangiti.
"Nakikiramay po ako, Tito," ani Ricky.
"Payapa na ang mahal nating si Aly. Wala nang sakit na nararamdaman. Kasama na nya ang mama nya." anang baron na napabuntong-hininga.
"Hindi ko akalain na ikaw pala ang lalaking kaagaw ko sa puso nya ng mga nakaraang araw," pabirong dugtong ng baron na nakangiti.
"Pasensya na po kung hindi na namin naipaalam sa inyo," wika ni Ricky.
"She was very happy. The past days. She even cooked my favorite dish. And now I know why," anang baron.
Tiningnan ni Ricky ang kabaong ni Alyssa. Hindi napigilan ni Ricky na mapaluha na lang habang hawak ang kabaong ni Alyssa.
"Alam nyang kung gaano mo sya kamahal at natutuwa ako na sa maiksing panahon ay pinadanas mo sa kanya ang tamis ng pag-ibig. Tuwang-tuwa sya noong naging kayo. Noong nararamdaman nyang humihina na sya, binilin nya na huwag huhubarin ang kwintas na suot nya," anang baron.
"I'm sorry po. Nadugtungan ko pa sana ang buhay nya," hingi ng dispensa ni Ricky.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad. Kami pa nga ang dapat magpasalamat dahil dinugtungan mo na ang buhay nya. Ito ang nakatakda sa kanya kaya tanggap na namin kahit mahirap. Kita naman sa mukha nya na wala syang pinagsisihan o hiniling na iba pa. Salamat," anang baron.
Nagpahid ng luha si Ricky.
"Sumilip ka na," ani Drew kay Ricky.
Umiling lang si Ricky. Tumunog ang cellphone ni Drew.
"Kailangan na po naming umalis," paalam ni Drew sa baron.
"Mag-ingat kayo," anang baron.
"Salamat po," ani Drew.
Sa labas ng chapel ay nagtungo sina Mike, Drew at ang kambal sa kanilang sasakyan.
"Mauna ka na sa palasyo, Ric. Naghahandang umatake na naman sila sa Reem. Alam mo naman na medyo kritikal," ani Drew.
"Sasama ako," prisinta ni Ricky.
"Kaya mo ba?" tanong ni Mike.
"Tayo na," ani Ricky.
Naglaho sina Ricky at lumitaw sa Reem sa Command Center. Naroon si Ren nagbibigay ng instruction sa ibang unit leader.
"Salute!" ani Ricky.
Sumaludo ang grupo ni Ricky kay Ren.
"REU Phoenix Unit reporting Sir!" pahayag ni Ricky.
"At ease!" utos ni Ren.
Tumikas pahinga ang lima.
"Awaiting for your instruction Sir!" ani Drew.
"Phoenix Unit, kailangan natin makapasok sa linya ng mga kalaban. Kailangan nating mabulabog ang frontline nila. Hindi kakayanin ng ground forces natin ang ganung kadami. Ayon sa scouting report any time maaaring mangyari ang inaasahan," lahad ni Ren.
"Ano po nasa harapin natin?" tanong ni Ricky.
"May anim na Cerberus at anim na Helios ang nasa harapan. Maalis lang natin ang mga iyon kaya na nang mga tao ang mga Greems," ani Ren na tumingin kay Ricky na direkta.
"Cowboy, pwede ba nating mapabagal ang mga Helios at Cerberus?" tanong ni Ren.
"Pwede po Sir, pero kakailanganin natin ng sinkhole para mapabagal ang mga Cerberus na ganyang kalaki at higanteng fly trap para mapigilan ang mga Helios na 'yan," sinabi ni Cowboy.
"At parehong wala tayo ng dalawang 'yan, Gentlemen," sakay ni Ren.
"We do what we do best. Kami na po ang bahala sa kanila," ani Ricky na seryosong tumingin kay Ren.
"Then deploy. Mag-ingat kayo," bilin ni Ren.
Sumaludo ang grupo kay Ren na binalik ang saludo. Umalis ang lima at nagbihis ng gamit nila.
"Your call Ric," paubaya ni Drew.
"Jude kakayanin mo bang gumawa nang ganung karaming Spider's Web?" tanong ni Ricky habang nag-iisip ng plano.
"Sa ganung kaiksing oras, Kuya? Susubukan ko po. Kakailanganin ko lang ang distraction para hindi nila mahalata," nag-aalangang wika ni Jude.
"Eh mga sinkholes para sa Cerberus?" tanong ni Ricky.
"May mga C-4 ako dyan na kayang gumawa ng butas four floors ang taas. Kakailanganin ko lang ng tulong na maitago ito at mapapunta sa spots nila ang mga Cerberus na yun para mahuli natin sila," wika ni Mike.
"Madali nang sunugin ang mga Cerberus kapag nahuli natin. Kaya ko na namang tunawin ng yelo ang mga Helios na yun," ani Niño.
"Sige ako na bahala sa mga drones," ako ni Drew.
Napatingin si Ricky kay Drew.
"Paano?" tanong ni Ricky.
"Kaya kong i-jam ang transmitter nila at frequency ng drones nila through supersonic waves. Misdirect ko na lang ang frequency nila. Kakailanganin ko lang ng sattelite link para magawa ito?" wika ni Drew na nilabas ang tablet nya.
"May mata-tap ba tayo?" tanong ni Ricky.
"Malas!" ani Drew.
"Kuya kaya mo bang gumawa ng frequency na makakabulahaw sa kanila?" tanong ni Jude.
"Susubukan ko," wika ni Drew.
"Ako na bahala sa mga Cerberus at sa distraction. Anything else na nakalimutan ko?" tanong ni Ricky.
"May isang bagay pa, Kuya," banggit ni Niño.
"Ano 'yun?" tanong ni Ricky na lumingon sa kapatid.
"Kaya mo na ba?" tanong ni Jude.
"Huwag kayong mag-alala. Ayos na ako," ani Ricky na ngumiti.
"Kung ganon ay ayos na," deklara ni Mike.
"Let's work people! We have a few hours to prepare," utos ni Ricky.
Mabilis na kumilos ang lima sa kani-kanilang posisyon.