2

2360 Words
Natagpuan ni Drew si Ricky sa ibabaw ng gusali na nagsisilbing viewing deck nila. Nakatingin ito sa direksyon ng linya ng mga kalaban. Halatang magulo pa rin ang isip nito. Napalingon si Ricky sa likod nya nang maramdamang may tao. Madaling araw noon. "The calm before the storm," sambit ni Ricky nang maramdaman nya na naroon si Drew. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Drew. "Napakagandang panoorin ang pagsikat ng araw dito sa viewing deck," wika ni Ricky. Tumingin sa langit si Drew. "Tama ka. Sa ilang buwan ko na narito sa LeValle, ngayon ko lang nakita ang magandang view dito," sang-ayon ni Drew na napangiti. "Mas maganda kung makikita mo ito sa Peak's Bridge," wika ni Ricky. "Ngayon ko lang napagtanto na sa tagal ko dito sa LeValle, wala pa nga pala akong napapasyalan dito," naisip ni Drew. "Hayaan mo kapag natapos itong lahat, ako mismo ang magpapasyal sa inyo sa magagandang lugar dito sa LeValle," ani Ricky na napangiti. "Ang tinutukoy mo bang Peak's Bridge ay 'yung pinuntahan nyo ni Aly? Naikwento nya minsan sa akin na muntik na daw kayo tumumba sa motor dahil sa kanya," kwento ni Drew. "Iyon nga. Ang huling lugar na pinasyalan namin," wika ni Ricky na muling nalungkot ang tinig. Ilang saglit na natahimik ang dalawa at nakatingin sa bukang-liwayway. "Lalabas nga pala kami ni Mike at nang kambal. Libing ngayong umaga ni Aly. Hindi ka ba sasama?" tanong ni Drew. Umiling si Ricky. "Hindi. I want to remember her happy. Hindi ko kayang makita sya nang ganyan," wika ni Ricky. "Ok," ani Drew. "Salamat sa pag-unawa. Pasensya na at nadamay kayo sa kaguluhang ito," dispensa ni Ricky. "Pamilya tayo. Hindi mo rin kami iniwan noong panahong gipit kami," katwiran ni Drew. "Nabalitaan ko na tinawagan na kayo ni Mike ng Academy," sabi ni Ricky. "Oo pero tatapusin na muna namin ang lahat dito. Blood brothers 'di ba? Walang iwanan," katwiran ni Drew. "Pero pagkakataon na nyo ito. Matagal nyo nang hinihintay ang tawag na ito," wika ni Ricky. "May susunod na pagkakataon pa. Napag-usapan na namin 'yan ni Mike. Hindi ka namin pwedeng iwan dito," paliwanag ni Drew. "Maraming salamat, bro," ani Ricky. Natahimik muli ang dalawa. "Dapat nagpapahinga ka na. Kakailanganin namin ang buong lakas mo," banggit ni Drew. "Nagpapahangin lang. Hindi kasi ako makapahinga sa baba. Eh ikaw?" tanong ni Ricky. "Nagpapakalma," ani Drew pabiro. Kinagat ni Ricky ang pendant ng kwintas nya. "May bumabagabag sa'yo," pansin ni Drew. "Parang may mali," banggit ni Ricky. "Natatatakot ako sa kutob mo na 'yan," ani Drew. "Hindi ko alam kung bakit. Pero parang may mali," kabadong wika ni Ricky. "Pinaghandaan naman natin lahat nang anggulo na pwedeng mabutasan tayo. Baka napa-paranoid ka lang. Magpahinga ka na muna, ilang araw ka na walang tulog, pagod lang 'yan, 'tol," ani Drew na napapailing. "Siguro nga," sang-ayon ni Ricky. "Mauna na ako sa baba. Maghahanda na kami umalis. Itulog mo na muna 'yan," paalam ni Drew. "Oo salamat," wika ni Ricky. "I mean it, bro. Magpahinga ka na muna. Masyadong mabigat ang mga nakaraang araw para sa'yo," wika ni Drew na seryoso at may tonong pag-aalala. "Huwag kang mag-alala. Titirhan kita ng Greems para sa miryenda mamayang hapon," ani Ricky pabiro. "Ric! Subukan mong matulog kahit saglit," protesta ni Drew. "Ayos lang ako. Bababa na ako maya-maya nang kaunti," ani Ricky. Umalis sina Drew at Mike sa settlement kasama ang kambal para makipaglibing kay Alyssa. Sa mga oras na kasabay noon ay naglibot si Ricky sa settlement. Sinubukan nyang matulog pero hindi sya mapakali. Kaya tumulong sya sa paghahanda sa settlement. Samantala sa sementeryo, nagsagawa ng huling misa ang pari para kay Alyssa at nilibing na sya. Matapos maibaba ang kabaong nya sa ilalim ng lupa ay nagpulasan na ang mga tao. Hinintay nina Drew at Mike matabunan ang libingan bago sila lumapit sa baron at kay Nerva. "Hindi sumama si Ricky?" tanong ni Nerva. Umiling lang si Drew. "Hindi man lang sya nakapagpaalam," patampong wika ni Nerva. "Pasensya na po. Masyado pang masakit para sa kanya na tanggapin," paliwanag ni Mike. "Hayaan nyo muna sya. Naiintindihan ko sya. Mahal na mahal nya si Aly at hindi pa sya handang magpaalam," anang baron. Naramdaman ni Jude ang isang kakaibang kilabot na napatingin sya sa puntod ni Alyssa. ."Tingnan nyo," aniya na nakalingon sa pinagbaunan kay Alyssa. Biglang napuno ng bulaklak ng sunflower ang puntod. "Si Kuya, nagpaalam na sya," sambit ni Niño. Samantala sa Reem, tumayo si Ricky mula sa pagkakaupo. Nasa likod nya si Yuri pinanonood sya. "Salamat sa pagpapahiram mo muli nang lakas mo, Yuri," wika ni Ricky. "Ikinararangal ko rin na makapagpaalam sa binibini," ani Yuri bago naglaho. Muli sa sementeryo. "Magpapaalam na po kami," paalam ni Drew. "Maraming salamat," anang baron na ngumiti. Naglakad palayo ang apat patungo sa kotse nila. Sa parking area, biglang natumba at napahawak si Jude kay Niño. "Budz!" tawag ni Niño na kaagad inalalayan ang kapatid. Mabilis namang binuksan ni Mike ang passenger side sa likod ng kotse at pinaupo dun si Jude. Kaagad namang binuksan ni Drew ang passenger side sa may driver at naglabas ng tubig mula sa glove compartment. Inabot nya ito kay Niño na binuksan bago inabot kay Jude. "Anong nangyari?" tanong ni Mike. "May nagtangkang pumasok sa depensa ng Reem. Sinusubukan nila ang ating depensa," wika ni Jude na sumandal sa upuan at pumikit. "Uminom ka muna," habang binibigay ni Niño. "Paano mo nalaman?" tanong ni Mike. "Naglagay sya nang sensitivity alarms noong naglatag tayo nang patibong sa paligid ng Reem. Budz, masyado namang mataas ang sensitivity ng alarm na nilagay mo. Kahit ako ay nararamdaman ko," paliwanag ni Niño na humagod sa dibdib nya. Lumagok muna si Jude at lumunok ng tubig. Pumikit muli sya saglit at hindi kumilos. Makaraan ang ilang segundo ay nagmulat sya. "Pasensya na. Nakalimutan kong i-adjust pababa kanina," ani Jude. Makalipas ang ilang minuto ay umayos na ang pakiramdam ni Jude kaya naglakbay na sila pauwi. Habang naglalakbay pumikit si Niño habang nakikinig sa music player nya. Si Jude naman ay nakatingin sa daan. Makaraan ang ilang minuto ay naalarma si Jude. "Budz! Budz!" tawag ni Jude na niyugyog ang kapatid. Hindi rumesponde ito. Napasilip sa rearview mirror si Drew na nagmamaneho. "Bakit Jude?" tanong ni Drew. "Nawala si Niño, Kuya. Kausap ko sya tapos bigla syang nawala," nababahalang sabi ni Jude. Kaagad lumingon sa likod si Mike at kinuha ang braso ni Niño. Pinakiramdaman nya ang pulso ni Niño. "Drew pull over," wika ni Mike. Naghanap ng pagpaparadahan si Drew saka sya nakaparada. Bumaba si Drew at binuksan ang pinto ng kotse sa gilid ni Niño. Kaagad nyang kinuhanan ng pulso si Niño. "Pakitawagan si Ricky. Sabihin mo Code 1-2," utos ni Drew kay Mike. Sinunod naman ni Mike si Drew. Ilang saglit lang ay lumitaw si Ricky. Nang makita si Niño ay kaagad na umupo sa tabi ng kapatid. "Anong nangyari 'tol?" tanong ni Ricky kay Jude. "Kausap ko kanina lang si Niño. May tinatanong ako nang bigla syang nawala," wika ni Jude na sumandal din. Kaagad hinawakan ni Ricky si Jude at saglit nagconcentrate. Umilaw ang kwintas ni Jude. "Nanghihina sya," sumbong ni Drew kay Ricky na ang tinutukoy ay si Niño. Hinawakan ni Ricky si Niño sa balikat. Pumikit ito at ginamit ang kapangyarihan nya. Huminga ng malalim si Niño. Tinapik ni Ricky nang marahan si Niño sa pisngi. "Niño gising! Gising!" maharang alog ni Ricky. Kaagad namang nagmulat ng mata si Niño at umayos ng upo. Sinuri kaagad ni Drew ang pulso ni Niño. "Kuya!" mahinang wika ni Niño. "Kamusta na pakiramdam mo? May masakit sa iyo?" tanong ni Ricky sa kapatid. "Wala po," sagot ni Niño, "Ano pong nangyari?" "Inabot mo na ang threshold sa baba ng lakas mo. May natatandaan ka ba?" tanong ni Ricky. "Ang pakiramdam ko po kanina nanlalambot ako kaya pumikit muna ako. Kausap ko pa nga po si Jude tapos biglang pakiramdam ko lumulutang ako," umiling si Niño. "Pasensya na nakalimutan ko. Masyado nang mababa ang kapangyarihan nyo. Bumigay ang katawan ni Niño. Muntik ka na rin masagad, Jude," banggit ni Ricky. Napahawak muli si Jude sa ulo nya. "Anong problema, Jude?" tanong ni Ricky. "Natamaan na naman nila ang alarma. Nilagyan ko po nang sensitivity alarm ang defense lines natin," sagot ni Jude. Tumunog ang cellphone ni Ricky na kaagad naman nyang sinagot. "Opo. Ganun po ba? Sige po," sagot ni Ricky na pinatay ang tawag sa cellphone nya. "Kailangan na nating bumalik," ani Ricky na tumingin ng seryoso kina Drew at Mike. Kaagad tumango ang dalawa na sumakay sa kotse. Umalis ang lima pabalik sa Reem. Pagdating doon ay dumiretso sila sa Command Center. "Heneral Eagle," tawag ni Ricky. "Naghahanda na silang pumasok. Napansin na nila ang butas sa depensa natin. Maghanda na kayo," utos ni Ren. Kaagad nagpalit ang apat sa kanilang Commando uniform. Napansin ni Mike na nag-aalala si Ricky. "Anong problema bro?" tanong ni Ricky. "Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Mike may isang pabor akong hihingin sa iyo," pakiusap ni Ricky. "Ano 'yun?" tanong ni Mike. "Nasa Guadalupe sina Papa at Colonel Alexi. Gusto ko sanang puntahan mo sila. May masama talaga akong kutob," wika ni Ricky. "Sige. Nakakatakot kasi 'yung kutob mong 'yan. Madalas tama 'yan," banggit ni Mike. "Isama mo ang ilan sa Wolf Unit," dugtong ni Ricky. "Ok. Ibibilin ko lang kay Drew ang mga deto," ani Mike. "Mag-ingat ka, 'tol," bilin ni Ricky. Nagtungo sila sa kanilang pwesto nila. Nang makapasok sa loob ang Greem forces ay nakahanda na sila. "Napasok na tayo!" anang operator. "Execute plan. It's showtime people!" ani Ricky. Nagpakawala ng decoy drones ang tropa ng Vallians para hatiin ang pwersa nang Greems. Binuksan ni Drew ang signal at frequency jammers para sa drones. ."Blind Eye activated people!" ani Ren sa radyo. "Yuri, lumabas ka!" utos ni Ricky, "Flame Fence!" utos nito. Hinati ng bakod ang mga sundalong Greem at mga Cerberus. Gaya nang plano tinaboy ng tropa ang mga Cerberus patungo sa mga patibong. "Konti pa," babala ni Ricky sa radyo. Nahuli nila ang limang Cerberus na sinunog ni Yuri. "May nakawalang isa!" sigaw ni Drew. "Ako na po ang bahala," ani Jude na nilabas ang pisi nya. Hinuli ni Jude ang Cerberus gamit ang spider's web. "Fin!" tawag ni Jude. Lumabas si Fin na naka-battle mode. "Hatak!" sigaw ni Jude habang hinahatak ang pisi. Tinulungan ni Fin si Jude na hatakin ang huling Cerberus palapit sa bitag. Napansin ni Niño ang ginagawa ni Jude. "Fido!" tawag ni Niño. Lumitaw si Fido. "Tulungan mo sina Fin at Jude!" utos ni Niño. Kaagad sumunod si Fido kaya nahatak nila ang Cerberus sa bitag. Naitaboy ng mga Vallians ang mga Greems palayo. "Umaatras na sila!" anang operator. Pagod na pagod na noon ang kambal at si Drew na bumalik sa Command Center. "May mali! Masyadong madali," ani Ren na napapaisip. Ilang saglit lang ay may pumasok na tawag. "Sir ang Guadalupe! Inatake nila ang Guadalupe! Napasok na nila ang Guadalupe!" anang operator na nababahala. "Ha? Andun ang hari!" nagimbal na wika ni Ren. "Kamusta si Papa?" tanong ni Ricky na seryoso. ."Nakatakas sila pero sugatan. Medyo malubha daw ang tama ni Captain Cowboy," anang operator. "Ipadala ang Delta at Echo Unit sa Guadalupe," utos ni Ren. Nakitaan ng galit sa mukha si Ricky. . "Aalis muna ako," paalam ni Ricky. "Saan ka pupunta?" tanong ni Ren. "Sa Guadalupe!" sagot ni Ricky. "Prinsipe Eric, masyadong mapanganib," anang operator. "Kuya, sasama kami," prisinta ni Jude. "Huwag na. Bumalik na kayo sa palasyo at alalayan si Mama. Kayo na muna bahala," utos ni Ricky. "Sasama ako," boluntaryo ni Drew na tumitig ng diretso kay Ricky. Tumango si Ricky. .Naglaho sina Ricky at Drew. Lumitaw sila sa gitna ng Guadalupe. Kasunod nila na lumitaw si Ren at si Steve. Wasak ang buong bayan. Nasusunog ang mga gusali at maraming sibilyan ang namatay. Nakarinig sila ng mga iyak mula sa isang nalalapit na gusali. Napatakbo ang grupo patungo sa iyak. Isang grupo ng Greems ang noo'y pumatay sa isang madre na pinangangalagaan ang tatlong batang umiiyak. Kaagad binaril ni Drew ang Greem na sasaksak sa isa sa mga batang umiiyak. Samantalang pinangalagaan ni Steve ang isa pang bata na aatakehin din ng isa pang Greem. Kaagad ginilitan ni Ren na noo'y galit na rin ang dalawa pang nanonood sa pangyayari. Tinapos naman ni Ricky ang lider ng grupo na pinaputukan muli ang bata. Naiilag ni Drew ang bata. Kaagad namang sinakal ni Ricky gamit ang lubid ang kalaban hanggang sa malagutan ng hininga. Nilapitan ni Ricky ang umiiyak na bata. "Huwag po! Huwag nyo po akong patayin! Maawa na po kayo!" samo ng bata na umiiyak. Umatras sya hanggang sa masukol sya sa pader. "Hindi ka namin sasaktan! Ligtas ka na," alo ni Ricky na dahan-dahang nilapitan ang bata. "Anong nangyari dito?" tanong ni Drew na malumanay sa batang hawak nya. "Pinasok kami ng Greems. Pinapatay nila yung matatanda, tapos sinusunog po ang mga bata," anang bata habang umiiyak. "They have gone far enough!" ani Drew na galit. "Sobra na sila!" wika ni Steve habang sinusubukang patahanin ang batang kinarga nya. "Kuya, ilayo nyo na sila. Lumikas na kayo," pakiusap ni Ricky na seryosong-seryoso. "Ric, kung ano man yang nasa isip mo huwag mo nang ituloy," pigil ni Ren. "Sige na po, Kuya. Susunod ako," wika ni Ricky. Ramdam sa boses ni Ricky ang pagkapoot nito. "Pero, Ric!" protesta ni Drew. "Hindi ko kayo mapoprotektahan habang narito kayo," lahad ni Ricky na nagkuyom na nang kamay. "Tayo na Drew," utos ni Ren. "Kuya Steve, dalhin mo sila sa hangganan," atas ni Ricky. "Masusunod, Kamahalan," tugon ni Steve. Umalis ang grupo ni Ren. Lumingon muli si Drew kay Ricky bago muli tumakbo. "Yuri!" tawag ni Ricky Lumabas si Yuri sa anyong phoenix. "Kamahalan!" anang Phoenix na dumapo sa braso ni Ricky. "Pasensya na sa gagawin natin," pauna ni Ricky. "May mga oras na kailangan daanin sa hinahon pero may mga pagkakataong kailangan diligan ang lupa ng dugo," malungkot na wika ni Yuri. "Seeking song!" utos ni Ricky. "Masusunod Kamahalan!" ani Yuri na lumipad. "Buhay ang inutang nila, buhay din ng kapalit. Sumosobra na sila," pahayag ni Ricky.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD