Tahimik si Ashnea, pero kita ang pag-aalala sa mga mata. “Ashton,” mahinahon niyang sabi, “ilang araw kang hindi umuwi sa bahay. Wala ka rin naman daw sa condo mo. Saan ka ba nagpupunta?” “Eh, ‘di puro bulakbol lang ‘yan, Mommy! Sakit ng ulo kahit kelan!” angil ni Asher. “You know nothing about me, Kuya!” palag ni Ashton. Pero nginisian lang siya ni Asher. “I know everything about you… I even know about Aviona,” tila may panunuyang saad ni Asher. Doon natahimik si Ashton at tila uminit ang ulo. Si Asher naman ay nanatiling nakangisi. Sa isip niya, mukhang tinamaan ang kapatid sa sinabi niya. “Huwag mong pakialaman ang buhay ko, Kuya! Mind your own!” galit na asik ni Ashton sa panganay niyang kapatid. “Please stop…” pakiusap ni Ashnea. “Ashton, next time, do not do anything that is a

