Chapter 25 Abused

2000 Words

Huminga ako nang malalim, parang doon ko lang napansin na nanginginig pala ang mga kamay ko. “Mel…” dahan-dahang panimula ko, “may kasalanan ako kay Kuya. Pero ayaw kong magkaroon din ng kasalanan sa ‘yo.” Umirap siya. “Hindi mo kailangang ipaalala. Halata ko naman na halos himatayin ka na riyan. Bakit ka ba nagsinungaling na may sakit?” Napabuntong-hininga ako, saka umupo sa tapat niya. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya… hindi naman galit bagkus ay nalilito at nag-aalala. “Dito kasi natulog si Ashton, tapos naabutan siya rito ni Kuya kaninang umaga,” mabilis kong sabi. Namilog naman ang mga mata niya. “Ano?! My gosh, Aviona! Bakit ka nagpapatulog ng lalaki dito sa apartment ninyo?” panenermon na niya agad. “At iyong tungkol sa sakit mo?” tugis niya sa akin. Umiling ako. “Wala rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD