“Hindi nasabi sa ‘yo ni Aviona na naku–” “Kuya!” pigil ko. “Hindi po niya alam. Huwag na po nating sabihin, nakakahiya naman sa kaniya,” sabi ko. Saglit lang na natigilan si Kuya saka tumango. “Sabagay… sige. Ikaw na muna ang bahala. Mag-iingat ka palagi, lalo na sa pag-uwi-uwi mo ng gabi.” “Susunduin ko na lang siya palagi pagkagaling sa trabaho, Kuya,” presinta ni Ashton. “Ha? Baka maabala ka niyan?” kumunot ang noo ni Kuya. “Okay lang po. Puwede naman na akong makitulog dito, ‘di ba, kuya?” malambing at may landing tanong ni Ashton. Maging ako ay nanlaki ang mga mata sa pahayag niya. Saglit na napaisip si Kuya pero sana ay huwag siyang pumayag. Pero hindi pumanig sa akin ang kapalaran. “Okay. Kahit bakla ka, ang laki ng katawan mo at mas makakalaban kayo kapag may manloko sa kapa

