Third Person POV Tahimik na pinagmamasdan ni Bobby ang nangyayari mula sa di-kalayuan. Nasa gilid siya ng building, may hawak na clipboard na kunwari’y may inaayos… pero malinaw sa mga mata niya ang lahat. Wala ni isang detalye ang nakakalusot. Kita niya kung paanong binuhusan ng basura si Melody sa loob ng CR. Narinig niya ang kalabog ng mga supot, ang impit na mura ng dalaga, at ang pilit nitong pagpigil sa galit habang pinupulot muli ang kalat na ilang minuto lang ang nakalipas ay maayos na niyang nalinis. At hindi pa doon natapos. Sa labas ay nakita niya si Aviona… nakaluhod sa tabi ng mga basurahan, nanginginig ang mga kamay habang muling isinasalin ang halo-halong basura. Isang supot ang biglang ibinato sa kaniya mula sa likuran. Tumama iyon sa balikat niya, sumabog, at kumalat

