Chapter 3 Danger

2000 Words
Aviona’s POV Ongoing na ang ibang mga klase kaya tahimik na ang hallway habang naglalakad ako papunta sa next class ko. May ilang estudyanteng nagmamadali, may nag-uusap, may naka-earbuds… lahat normal lang sa paligid. Pilit kong inuulit sa sarili ko na tapos na ang magulong umaga, na kailangan ko na lang mag-focus sa klase. Maagang umalis ng bahay si Kuya kanina at may lakad daw. Hindi ko namalayan na may sumusunod pala sa akin. Pagkatapos ay isang biglaang hatak sa braso ko ang gumulantang sa akin. “Hoy!” Hindi pa ako ganap na nakasisigaw nang may kamay na tumakip sa bibig ko at hinila ako papasok sa isang bakanteng classroom. Mabilis na sumara ang pinto sa likod namin at nasundan ang biglang pag-lock ng doorknob sa pamamagitan ng isang click lang. Nanlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang ilang mga lalaking estudyante. May 6 or 7. Hindi ako sigurado dahil mabilis na nilukuban ng takot ang dibdib ko. “Sino kayo? Ano’ng kailangan niyo sa akin?” nagtatapang-tapangan kong tanong. Kahit ang totoo ay nag-uumpisa nang mangatog ang mga tuhod ko. Sa hitsura pa lang nila, halatang lahat sila ay mas matatanda sa akin. They also looked like some typical rich college boys. Naka-branded shoes, mamahaling relo, maaangas ang tindig. At ang mga mata nila… hindi maipagkakailangang may hindi magandang binabalak. Halos maubos ang hininga ko para labanan ang kaba sa dibdib ko. Tumawa ang isa. Iyong klase ng tawa na lalong nagpangalisag sa lahat ng balahibo sa katawan ko. “Relax ka lang,” sabi ng isa pa, parang nag-aalok lang ng inumin. “Gusto lang naming makausap ang pinakamagandang babae sa campus. Alam mo bang matagal na kitang pinagmamasdan sa malayo?” “Bakit niyo ako dinala rito?” nanginginig kong tanong, pilit tinatanggal ang kamay na nakatakip sa bibig ko. “Wala akong ginawa sa inyo.” May sumipol. “Ay, cute. Kunwari pa. Malaki ang kasalanan mo sa amin.” Kumunot ang noo ko. “Kasalanan? Hindi ko nga kayo kilala, so paano ako magkakaroon ng kasalanan sa inyo?” Lumapit ang isa at parang demonyong nakangisi. “Ang kasalanan mo… ay masyado mong pinapasakit ang puson ko!” Inilapit pa nito ang mukha sa akin kaya nahindik ako at itinulak siya. “Bastos!” sigaw ko. Pero nagtawanan lang sila kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. “Alam mo, ganiyan talaga iyong gusto ko sa babae. Maganda na, palaban pa. Alam mo, ang sarap mo sigurong paungulin sa kama. Virgin ka pa, ‘di ba?” dagdag ng isa, nakasandal sa teacher’s desk at nakangisi. Parang bumigat ang dibdib ko. Ramdam kong nanlalamig ang mga daliri ko. Hindi ko na kailangan pa ng paliwanag para maintindihan kung anong klaseng mga lalaki sila. Mga sanay makuha ang gusto. Mga hindi sanay tumanggap ng pagtanggi. At ang mga tingin ng pagnanasa sa mga mata nila ang halos magpaiyak na sa akin sa nerbyos. “Please,” sabi ko, pilit pinatatatag ang boses. “May klase pa ako. Kung may problema kayo… huwag niyo na akong idamay.” Lumapit sila. Isa-isa. Mabagal. Tila sinasadya dahil natutuwa silang nakikitang natatakot na ako. Sumungaw na nga ang luha sa mga mata ko. “Problema?” tumawa ang nasa harap niya. “Wala kaming problema. Pero ikaw ang solusyon para maging masaya ang araw ko.” May biglang yumakap sa akin mula sa likuran… ang parehong lalaking humila sa akin kanina. Mahigpit ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa baywang ko… lubhang mapang-angkin. Bigla akong nandiri lalo nang maramdaman kong tila tinitigasan na ito. “Bitawan mo ‘ko!” sigaw ko, nagsisimula na akong mag-panic. Sinubukan kong sikuin siya at kumawala mula sa kaniya, pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. “Malakas ka pala,” bulong niya sa tainga ko, sabay tawa. “Mas exciting ito.” Sinundan din iyon ng tawa ng mga kasama niya. “Ihiga niyo na iyan sa mesa. Umpisahan na natin ang masarap na kagananapan!” utos ng isa. Para bang ito ang pinaka-lider nila. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling nang umiling. “Bitiwan niyo ako… please!” pakiusap ko na nang mag-umpisa na ang lalaking umabante kaya napipilitan na rin akong maglakad paatras. Nanginginig na ang buong katawan ko. Parang wala na akong balanse. Ramdam ko ang pawis sa palad ko, ang pangingilo sa batok, ang bilis ng t***k ng puso ko na parang gusto nang sumabog. “Ang bango-bango mo, baby… just wait… maglalaro tayo mamaya!” puno ng kamanyakang sabi ng isa na hinaplos pa ang pisngi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinipa ko siya. Eksakto yatang tinamaan ko ang ari niya dahil malakas itong dumaing at halos malukot ang katawan. “f**k! Ahh! Damn it!” galit na galit niyang sigaw. Pero iyong mga kasamahan niya ay tumawa lang. Dalawang lalaki na ang bumuhat sa akin at dinala ako sa ibabaw ng teacher’s table. “Please… tama na,” pakiusap ko, hindi ko na napigilan ang pag-iyak. “Pakawalan niyo na ako. Wala kayong karapatan–” “Shut up, baby!” pigil ng isa sa akin. “Save your scream later as I made you come. Huwag mong masyadong ubusin ang energy mo kasi kailangan mo iyan para pagsilbihan kaming lahat!” “No! Huwag!” nanghilakbot ako nang maramdaman ang ilang kamay na humimas sa hita ko. “s**t! Ang kinis-kinis niya mga pare. Ang ganda… parang ang sarap-sarap niya talaga!” libog na libog na sambit ng isa. Wala silang pakialam kahit halos himatayin na ako sa kaiiyak. “I told you, she’s the prettiest here. Look at her body…” sang-ayon pa ng isa. Ginagamit ko ang lahat ng lakas ko para magpumiglas. Pinipilit kong sumigaw ulit, buong lakas… pero bago pa man lumabas ang boses ko, may biglang kumalabog sa pinto. Natigilan ang lahat. Nagkatinginan sila, halatang nagulat na may halong inis. “Anong meron?” iritadong tanong ng isa. “Akala ko ba walang iistorbo sa atin ngayon?” Isa pang malakas na kalampag ang sumunod… mas malakas at mas galit. At sa sandaling iyon, kahit sobrang nanginginig pa rin ako, kumapit ako sa isang pag-asa na matagal ko nang hindi naramdaman… sana may makarinig. Sana may pumasok at tulungan ako sa kinasasadlakan ko ngayon. Bumukas nang biglaan ang pinto na siyang lalong ikinagulat ng lahat ng nasa loob. Tatlo pa rin sa mga lalaking ito ang nakahawak sa akin habang nakatuhaya ako sa ibabaw ng mesa. Ang dalawa ay nasa magkabilang hita ko, habang ang isa ay hawak ang dalawang kamay ko. Ang iba ay nakapaligid sa akin at handa na sanang wasakin ang suot kong uniform. Biglang pumasok ang maraming estudyante, nagsisiksikan pa nga, may mga cellphone na nakataas. May umiilaw na screens, may nagsisigawan, may nagsasabing “Live ‘to!” at “I-share n’yo na!” Parang huminto ang oras. Nanlaki ang mga mata ng pitong lalaki. Iyong kaninang mga mayayabang at maaangas, ngayon ay parang mga batang nahuling may ginawang kalokohan. May umatras. May napamura. May pilit na inaayos ang sarili. Ang mga nakahawak sa akin ay biglang bumitiw at napaatras din. “Pu*****na! Patayin niyo ‘yang camera!” sigaw ng isa. Namumula sa magkahalong galit at kaba. Pero huli na. Lahat ay nakita at narinig na ang mga nagaganap. Nanginginig ako at umiiyak, hindi na lamang sa takot Kundi sa tuwa dahil hindi nila ako nagawan ng masama. Punong-puno ng pasasalamat ang puso ko na hindi sila nagtagumpay sa kahalayang binabalak nila sa akin. “Avi!” Boses ni Melody ang unang tumagos sa ingay ng paligid. Lalo akong naiyak sa pagkaramdam na hindi na ako nag-iisa ngayon. Hinawi niya ang mga tao at diretso siyang lumapit sa akin, kasama ang ilang kaklase naming mga babae. At may dalawang lalaki ring galit na galit ang mukha. “Ayos ka lang ba? Oh, my God…” Nanginginig ang boses niya habang tinutulungan niya akong makatayo. Ramdam ko ang mga kamay nila sa braso ko, maingat at para bang natatakot sila na lalong masaktan ako. Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang mga tuhod ko habang inilalayo nila ako sa gitna ng silid… palayo sa mesa, palayo sa mga lalaking kanina lang ay akala nila ay kontrolado nila ang lahat. “Mga hayop kayo!” sigaw ng isang estudyante. “May kaluluwa pa ba kayo?!” “May live ‘yan! Patay kayo!” May sumubok tumakas palabas pero hinarangan na ng ibang estudyante ang pinto. May isang lalaki sa likod ang nagsabing, “Tinawagan ko na ang guard.” Narinig ko iyon at parang saka lang bumalik ang hangin sa baga ko… kahit papaano, dama kong ligtas na nga ako. Maya-maya, dumating ang campus security, kasunod ang isang faculty member na namumutla ang mukha. Halatang wala siyang ideya kung paanong haharapin ang eksena… may mga umiiyak, mga galit, mga cellphone na nakatutok sa lahat. “Everybody stop recording!” sigaw ng guro. “This is a serious matter!” Pero may sumagot mula sa crowd, “Ma’am, naka-live na po. Hindi na ito mapipigilan. Siguradong hindi lang si Aviona ang biktima nila!” At doon ko nakita ang takot sa mga mata niya. Dinala ako palabas ng classroom, diretso sa guidance office. Nasa magkabilang gilid ko si Melody at isa pang classmate, hawak ang mga kamay ko na nanginginig pa rin. Sa hallway, naririnig ko ang bulungan. “Sila iyon.” “Mga rich kids iyan ah.” “May video na sa F@ceb**k.” “Trending na ito agad, grabe! Ang bilis nag-viral.” Pagpasok namin sa office, pinaupo nila ako, binigyan ng tubig. May tumawag ng school nurse. May isa pang tumawag ng administration. Wala pang limang minuto, dumating na ang Dean… seryoso ang mukha, nanginginig ang kamay habang hawak ang phone niya. “May live broadcast,” mahina niyang sabi sa principal na kakarating lang. “Name ng school ang naka-tag. God, ang sakit nito sa ulo!” Parang may humampas ng bakal sa sikmura ko. Hindi lang pala ako ang maaapektuhan sa nangyaring ito, pati ang buong eskwelahan. At dahil doon, kahit ano pang gawin nila, hindi na ito maitatago pa. Hindi puwedeng ayusin lang dito sa loob ng school. Hindi rin puwedeng gamitan ng pera at patahimikin na lang ako basta. Dumating ang pulis. Isa-isa nilang kinuha ang mga cellphone ng mga estudyanteng nag-live para ma-secure ang footage. Tinawagan ang mga magulang ng mga sangkot. May umiiyak na lalaki sa labas, isa sa pitong iyon, habang kausap ang daddy niya sa telepono. Narinig ko ang isang administrator na nagsabing, “This will go to the board. Suspension is not enough.” At doon ko lang tuluyang naramdaman ang bigat ng lahat. Ngunit panay ang usal ko ng panalangin sa Diyos. Nakaligtas ako sa isang ganap na panganib. Ang ginawa nila ay krimen. Lalo na at nasa tamang mga edad na sila. At dahil nakita ng buong mundo ang lahat… hindi nila makakayang baluktutin ang nangyari. Kahit mapera sila samantalang ako ay isang hampaslupa lamang, hindi nila mamamanipula ang lahat. Hawak pa rin ni Melody ang kamay ko nang mahigpit. “Avi,” bulong niya, bakas ang galit at awa para sa akin, “Hindi ka namin pababayaan. Nandito lang ako, okay?” Napapikit ako, umiiyak pa rin, pero sa unang pagkakataon mula kanina, mas nakadama na ako ng kapanatagan. Hindi ko namalayang nanginginig na naman ang mga kamay ko nang bumukas ang pinto ng conference hall. At doon ko siya nakita. Si Kuya Arvill. Hingal na hingal ito at alalang-alala ang hitsura. Parang gusto ko na namang maiyak at tumakbo sa kaniya para yumakap. “Kuya…” humihikbing usal ko. Nakatayo siya sa bungad, pawis na pawis, tumatahip ang dibdib at namumula ang mga mata… hindi ko alam kung dahil sa galit o sa takot. ******* A/N: Ilalaban ko po ito sa Nova Ranking next week. Sana po ay patuloy ninyong suportahan. Maraming salamat po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD