Halatang inapura niya ang pagpunta rito, at galing sa pagmamadali. Napatayo ang dalawang pulis at hinawakan siya sa magkabilang braso dahil gusto niyang sugurin ang mga nanakit sa akin.
“Nasaan sila?!” pasigaw niyang tanong. “Nasaan ang mga demonyong gumawa nito sa kapatid ko?!”
Napapitlag ako nang makita ko siyang ganoon. Hindi ko pa siya nakitang ganito kahit kailan. Si Kuya ay palaging kalmado, palaging inuuna ang isip kaysa emosyon… ngayon ay parang handang manakit at hindi magpapapigil.
“Kuya…” muli kong tawag sa kaniya.
Agad siyang tumigil nang marinig ang boses ko. Lumingon siya at nang magtama ang mga mata namin, parang may kung anong nabasag sa loob niya.
“Avi…” Lumapit siya agad pero hinarangan pa rin siya ng mga pulis. “Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Sabihin mo kay kuya, huwag kang matakot, ha?”
Hindi ko alam ang isasagot. Tumango lang ako, tapos umiling, tapos muling tumango. Ngunit ang tugon kong iyon ay lalong naging daan para magngitngit siya.
“Mga hayop kayo!” sigaw niya sa direksyon ng pitong lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng mesa… ngayon ay hindi na mayayabang ang datingan ng mga ito. Nakayuko ang iba, may umiiyak pa nga at parang nagsisisi sa ginawa.
Kung hindi lang pinigilan ng mga pulis at ng isang school authority si Kuya, sigurado akong may mababalian ng buto sa araw na ito.
“Sir, kalma lang po,” sabi ng pulis. “Naiintindihan namin ang galit niyo, pero hayaan niyo pong sundin natin ang legal na proseso. Bibigyan natin ng hustisya ang nangyari sa kapatid ninyo.”
Pinaupo nila kaming magkapatid sa isang gilid. Katabi ko si Melody, habang si Kuya ay halos nanginginig na sa pagpipigil ng kamao niyang nakakuyom.
Isa-isa ring dumating ang mga magulang ng mga sangkot. May mga mukhang nagulat. May mga galit. May mga halatang sanay mag-utos at sanay na sila ang nasusunod.
At doon nagsimula ang totoong banggaan.
“Ayaw na naming lumaki pa ito,” sabi ng tatay ng isa sa kanila, nagkukunwari na mahinahon pero halatang mayabang ang tono. “Bata pa ang mga anak namin. Nagkamali lang sila.”
“Nagkamali po? Bata?” Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nanginig ang boses ko pero dire-diretso akong tumingin sa kaniya. “Hindi po iyon pagkakamali. Matatanda na po iyang mga anak ninyo!”
Natahimik ang silid. Ang ilang magulang ay masama ang tingin sa akin, ganoon din ang mga anak nila. Sila pa talaga ang may ganang magalit pagkatapos ng lahat.
Isang ginang ang tumikhim… maayos ang bihis, kumikinang ang alahas sa bawat galaw niya, matalim ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
“Miss,” malamig niyang sabi, “alam mo bang kaya naming ipaglaban ang anak namin hanggang dulo? Hindi kami papayag na makulong siya dahil lang sa,” huminto siya saglit, sinukat ako ng tingin, “isang eksena na puwedeng maayos sa usapan.”
Bago pa makapagwala si Kuya ay tumayo agad ang pulis.
“At this point, Ma’am, that statement can already be considered intimidation.”
Sumingit ang school lawyer na seryoso ang mukha. “I would advise you to choose your words carefully, Ma’am. The victim is under protection.”
Namula ang babae pero hindi umatras.
“Hindi ninyo kami kayang takutin,” dagdag pa niya. “May pangalan kami sa lipunan. Maraming puwedeng tumulong sa amin at baka mabaliktad pa ang lahat.”
Tumayo na si Kuya Arvill kaya tumindi ang kaba ko. Kalalabas pa lang ni Kuya sa kulungan kaya hindi ako papayag na mapahamak na naman siya. Tapos dahil pa sa akin.
“At ako,” nanginginig pero matatag ang boses niya, “wala. Wala akong pangalan. Wala akong pera. Pero may kapatid ako. At hindi ko hahayaang yurakan ninyo siya nang ganoon lang. Magdedemanda ho kami!”
Muli, walang nakaimik sinuman sa buong silid.
Doon na nagsalita ang school lawyer, inilatag ang mga dokumento sa mesa.
“Based on the incident, and the video evidence currently circulating online,” sabi niya, “multiple cases may be filed… grave coercion, acts of lasciviousness, attempted s****l assault, and depending on further investigation, conspiracy.”
May mga napasinghap. May napaiyak na.
“As for the school’s part,” dugtong niya, “these students will face immediate preventive suspension, followed by expulsion pending the board’s final decision. The school is also coordinating with authorities to ensure compliance with the law.”
“Hindi ba puwedeng basta suspension na lang?” tanong ng isang ina, nanginginig ang boses. “Our children deserve a second chance!”
“Hindi po,” diretsong sagot ng Dean. “Dahil hindi lang estudyante ang naapektuhan. Nandito ang pangalan ng paaralan. Nandito ang batas.”
“And the matter escalated online without delay. Ang paaralan ang magigisa at maaaring malagay sa alanganin kung hindi natin susundin ang batas,” segunda ng school lawyer.
Tumingin ako sa pitong lalaki. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang takot sa mga mata nila… tunay at walang arteng takot.
Isa sa kanila ang biglang tumayo at humarap sa akin. “Please,” umiiyak niyang sabi, “huwag mo nang palakihin ito. Sirang-sira na ang buhay namin. Hindi kami puwedeng makulong.”
Tiningnan ko siya nang masama. “Sana naisip niyo ‘yan bago ninyo gawin ang ginawa ninyo sa akin. Ikaw ang unang bumastos sa akin, naalala mo!”
Hindi ko na napigilan ang sumigaw at maiyak. Biglang nanumbalik sa akin kung paano niya ako niyakap at pinaghihipo ang maseselang parte ng katawan ko.
Hindi ko sila mapapatawad lalo na at naalala ko ang panginginig ko sa loob ng silid na iyon. Ang takot. Ang pakiramdam na wala akong laban at nag-iisa lang ako.
Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa pagsasalita.
“Hindi ko po ito pinalalaki,” mahina pero malinaw kong sabi. “Kayo ang gumawa nito. At ngayon… haharapin ninyo ang resulta ng gawa niyo.”
Umakay si Kuya sa balikat ko. “Tama ‘yan, Avi. Maging matapang ka,” bulong niya. “Wala tayong anumang yaman at tanging dignidad na lang ang mapanghahawakan natin.”
Third Person POV
Tatlong oras bago ang gulo sa buong unibersidad, tahimik na nakaupo si Bobby sa bandang gilid ng quadrangle, kunwari ay abala sa cellphone.
Pero ang totoo, nakatutok ang mga mata niya sa isang pamilyar na pigura, si Aviona Vinaroa, na naglalakad mag-isa papunta sa kabilang building.
May kung anong hindi tama dahil napansin niya ang ilang lalaki na tila palihim na nakasunod at nagmamasid kay Aviona. Ang dalawa sa kanila ay paikot-ikot sa hallway.
Pagkatapos ay umikot sila at pumasok sa isang classroom. Para lang sa laboratory class ang silid na iyon kaya walang gagamit niyon ngayon.
Kilala niya ang mga lalaking iyon. Kahit sinong matagal na sa unibersidad, alam ang pagkakakilanlan nila.
Ruyi’s gang.
Mga anak ng negosyante, pulitiko, may-ari ng kung anu-anong kumpanya. Untouchable. Ilang beses nang may nagreklamo laban sa kanila… pero laging nawawala, laging natatabunan.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Bobby nang makita niyang may humawak kay Aviona sa braso. At sa isang mabilis na galaw naipasok nila ito sa clasroom na iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Bobby.
“P********a” napamura si Bobby sa pagkabigla. Hindi na siya nag-isip pa.
Tinawagan niya agad ang numero ng taong nag-utos sa kaniyang bantayan si Aviona dito sa school.
“Boss Ashton,” hingal niyang bungad, “may problema po.”
Sa kabilang linya ay hindi muna umimik agad si Ashton. Medyo napapangiwi pa rin siya sa tinamong bugbog mula sa kuya niya.
“Ano?” malamig ang boses ni Ashton, pero may bigat.
“Si Aviona. Kinuha siya nina Ruyi. Dinala doon sa laboratory room. Mukhang bibiktimahin nila si Aviona.”
Saglit na katahimikan. Tapos, isang mababang mura ang pinakawalan ni Ashton.
“Sigurado ka ba?”
“Oo, Boss. Kita ko mismo.”
“Makinig ka,” utos ni Ashton, mabilis at diretso. “Tawagan mo lahat ng kakilala mong estudyante riyan. Pati student council, org members, kahit sino. Sabihin mong may emergency. Tapos sabihan mo rin silang mag-live.”
“Boss Ashton–”
“Ngayon na, Bobby,” mariing utos niya.
Kasunod niyon ay pinutol na ni Ashton ang tawag. Ipinikit pa niya sandali ang mga mata.
Masakit pa ang panga niya. Ramdam pa rin niya ang bigat ng mga suntok ni Asher kahapon. Pero wala nang saysay iyon ngayon.
May mas mahalaga siyang dapat gawin.
“Tsk,” singhal niya sa sarili. “Mga walanghiya! Who told you to touch what’s mine? You’re going to pay for it.”
Mabilis siyang tumawag at nagpadala ng mensahe, nag-utos sa mga taong kailangan niya. Sa loob lang ng ilang minuto, kumalat ang balita. Nagatungan pa nga iyon nang maglabasan na ang mga live feed mula sa mga estudyante ng university.
Hindi lang mga estudyanteng may dala-dalang cellphone ang sumali, maging ang mga usisero. Mga taong ayaw madamay pero ayaw ring palampasin ang kaganapan.
“You messed with the wrong person,” nakangising usal ni Ashton habang pinapanood ang kaguluhan sa TV.
Ngunit muli siyang mapamura nang mahagip ng kamera ang histura ni Aviona habang maingat itong ibinababa mula sa lamesa.
Magulo ang buhok, nakalilis ang palda at umiiyak. Something burned inside him that he wanted to smash the heads of those bastards!
Muli niyang inilabas ang cellphone at direktang tinawagan ang presidente ng university.
“Hello, who’s this?” maawtoridad na tanong ni Mr. De Asis.
“This is Ashton Nicholo Aguilar. The son of Marcus Aguilar!” walang ligoy na pagpapakilala ni Ashton sa sarili. Agad na kinabahan ang presidente sa pagkakabanggit niya ng pangalan ng Daddy niya.
“To whom do I owe this pleasure of receiving a call from you, hijo?” naging malambing ang tono nito kaya lalong napangiti si Ashton.
“My girlfriend was assaulted in your school. And I am very angry right now that I want to call all the board members to pull out their shares in your university. How ‘s that?”
Mapanganib ang tonong na binigkas ni Ashton na sukdulang nanlamig pa ang mga kamay ni Mr. De Asis at agad na namutla.
“Hey… let’s talk about this, okay? There must be–”
“Ayusin mo agad ‘yan, De Asis. hindi ako mahilig sa mahahabang usapan!” deklara ni Ashton saka mabilis nang pinutol ang tawag.
“f**k! What did I say? ‘My girlfriend’? Damn you, Ashton! You’re a damn fool!”
Natawa na lang siya sa sarili. Pakiramdam niya ay isa itong laro at siya ang nagmamanipula ng lahat.
Sa kabilang banda, nagmamadali naman si Mr. De Asis na tawagan ang abogado ng university upang malaman kung ano ang gagawin.
Kilala niya ang mga Aguilar. At baliw lang ang maglalakas-loob na banggain ang pader na gaya nila.
Kahit gaano pa kalaki at katibay ang university nila, kayang-kaya itong pabagsakin ng mga Aguilar sa isang pitik lang ng mga daliri.
Present Time…
Three Hours Later
Nakatayo si Bobby sa may lobby, hawak ang cellphone, nakatalikod sa pintuan.
“Yes, Bossing,” bulong niya sa tawag, “tapos na yata. Lumalabas na sila sa conference hall. May police pa rin. Mukhang seryoso–”
Bigla siyang napatigil. May kung anong presensya sa likod niya.
Isang malamig na hangin. Isang amoy ng cologne na hindi niya kailangang lingunin para makilala kung sino ang nagmamay-ari.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone pero hindi pa tapos ang tawag.
“Ay, Boss Ashton,” mahina at gulat niyang sabi, “nandito ka na pala–”
Bago pa siya tuluyang makalingon, isang anino ang tuluyang pumuwesto sa likod niya.
“Good job,” mababa ang boses na papuri sa kaniya ni Ashton.
Napasinghap nang malakas si Bobby, muntik nang mabitawan ang cellphone.
Sa likod niya kasi ay hindi inaasahang nakatayo na si Ashton… tahimik lang ito, malamig ang tingin at may bakas pa ng pasa sa mukha.
*****
A/N:
Hello guys, magde-daily update po ito hanggang next week. Maraming salamat sa mga nag-add.