Chapter XXIII Omega Nakaka-bingi ang subrang tahimik habang nilalakad naman daan palabas ng gubat. Napa-tingin ako sa kanya nang mahuli ako sa paglalakad. Hindi parin kasi mawala-wala sa isip ko 'yong nangyari kanina, tapos dumagdag pa 'yong eksina nina Venus ba 'yon at siya. Nakakatakot sila sa totoo lang. "Stop staring at me, madapa ka." Napa-labi ako sabay habol sa kanya. "Ang bilis mo naman kasi maglakad. Saka, puwede ba sumakay nalang tayo?" "Sasakay? Hindi pa nga tayo nakalabas ng gubat, sasakay? Where's your mind Lady?" Napa-tampal ako ng aking noo, dahil, tama nga naman. "Sori." Nguso ko. "Tss!" Grabe! Suplado niya talaga. Bakit ba ako sumama sa lalaking 'to? Saka, bakit ang tahimik niya na naman? Hays! Naalala ko. Kaarawan niya pala ngayon. Babatiin ko ba siya? O, bab

