Chapter XXIV ALPHA Nahihilong bumangon ako kung saan ako tumilapon nang isang lalaking hindi ko kaagad namukhaan. Who is he? Wait! Where's Omega? Yes. I know her. Nakikinig ako sa kadaldalan niya kanina, tamad lang talaga ako magsalita. Ayaw kong magsimba, dahil ayaw ko. Period. Walang maraming salita. "Omega? Where are you?" Nang makabangon ay palinga linga ako sa paligid. Napansin ko kaagad ang mga taong nagtatakang nakatingin sakin. "Ayos lang ba siya?" "Dalhin kaya natin sa ospital?" "'Yong babae—" Natigil sa pagsasalita ang isang babae nang binalingan ko ito. Dumulog ako sa kinalulugaran nila upang magtanong. Nagtangka pa silang magsitago nang makalapit na ako nang tuluyan. "Nasaan 'yong babae? Nasaan 'yong kasama ko kanina?!" Walang may sumagot. Damn! Sinapo ko ang akin

