Chapter VIII Rose's POV THE NEXT MORNING Late na akong gumising dahil madaling araw na akong naihatid ni Hugo ng bahay. Muling bumalik sa isipan ko ang mga tanong ko sa kanya kagabi. "Masasagot niya na kaya?" Tanong ko sa aking sarili. Agad akong bumangon at dumiricho sa banyo para maligo. Makalipas ang kalahating oras lumabas na ako. Oo, ganyan ako katagal maligo kung walang pasok. *Tok! Tok! Tok!* "Rose, gising kana ba? Bilisan mo diyan at may bisita ka." Kumunot ang aking noo ng magsalita si Russel sa labas ng aking kwarto. "Bisita? Kelan pa ba ako nagkaroon ng bisita dito sa bahay? Maliban kina Abigail, Cherrie, at Harold, wala na. Hays. Matapos kong mabihis ay hinayaan kong nakalugay ang aking buhok dahil sa basa pa ito, hindi ko na rin kailangan suotin ng salamin ko d

