Chapter VII Hugo's POV "ROSE? WHAT ARE YOU DOING HERE?" Lumingon siya sa'kin ng timawag ko ito. Ngumiti siya. Lumapit naman ako sa kanya. "Wala, medyo na boboringan ako sa loob. Hindi kasi ako sanay sa maingay." Sagot nito at napayakap sa sariling braso. Nilalamig siya. Hinubad ko ang aking coat at inilagay sa kanyang likuran. "Salamat, Hugo." "Your always welcome." Katahimikan. Malamig talaga ang simoy ng hangin, tahimik ang paligid, at maliwanag ang buwan. Full moon. "Can I ask you?" Biglang salita niya. "Anything, basta masasagot ko lang." "Hahahaha. Paano kung di mo masagot?" "I'll try my best to answer your question." Huminga siya ng malalim, seryoso ang mukha, ngunit maamo parin para sa akin. "Sino ka? Bakit mo ako kilala? I mean, parang matagal mo na akong kilala,

