Chapter VI "SAAN ANG LAKAD MO, AT NAKA-PORMAL KA NGAYON, HUGO?" "Hell. Wanna come with me?" Ngumisi ito ng nakakaloko. "You know, I live there, Hugo." "Okay, then." At saka ko siya tinalikuran. "See you there. Makakatikim na naman ako ng presko at sariwang dugo." "Kahit ubusin mo pa silang lahat, h'wag mo lang isali sa listahan mo si Rose, Ceasar." Lumingon ulit ako sa kanya at pinaningkitan ng mata. Kahit ubusin niya pa ang lahat ng dugo sa mundo, wala akong pakialam, h'wag na h'wag niya lang lalapitan ulit si Rose. Dahil kapag ginawa niya iyon, kakalimutan kong nakakatandang kapatid ko siya. "Chill, I won't, alam kong poprotektahan mo siya laban sa akin. Kaya mo nga akong sunugin, diba?" "Tch... I have to go, susunduin ko pa ang Reyna ko. See you around." Salita ko, at lumabas

