Chapter 6

1999 Words
Aira's POV Masaya akong nagtungo sa kuwarto ko at komportableng humiga. Kakarating ko lang galing sa Nyx Company - ang company kung saan ako nanalo ng one week vacation kasama si Axcel. Ito rin ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon, bukas na kasi agad ang simula ng bakasyon ko kasama si Axcel. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko pag nagkita na kami. Kinakabahan at nae-excite ako at the same time. Humalukipkip ako sa unan at kinikilig, alam ko naman na imposibleng maging kami. Hindi na ako nangangarap dahil alam ko ang istado ng buhay na meron ako at siya. Si Axcel mayaman, kami nakakaraos lang sa araw-araw. Si Axcel sikat, ako ordinaryong mamamayan lang ng Pilipinas. Si Axcel marami nang na-achieve, ako pang academics lang. Marami kaming pagkakaiba at iyon ang humaharang sa amin. Alam ko ang limitasyon ko at alam ko na hindi ako pwedeng umangat doon kahit katiting lang dahil ako rin ang masasaktan at mahihirapan. Kaya noon pa lang - simula nang sumikat ang banda nila at naging fan nila ako, itinatak ko na sa utak ko na ang label namin sa isa't isa ay 'Fan' at 'Idol' lamang. Bawal lumagpas dahil may masasaktan. Gusto ko lang talaga i-enjoy ang pagkakataon na ito. Dahil sa dami ng tao na nangangarap makasama siya o malapitan man lang siya, ako pa ang napili. Ang swerte ko diba? Ang isang ordinaryong mamamayan ng Pilipinas ay makakasama si Axcel sa isang isla sa loob ng isang linggo. Isn't it amazing? Hayss, ang swerte ko talaga. Pipikit na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nawala ang mga ngiti sa mukha ko dahil nakita ko ang pangalan ni Lush. Lush: May event bukas, hindi ka ba pupunta? Dali-dali akong nagtype ng irereply. Bakit ba na sa phonebook ko pa ang number nito? Sa pagkakaalam ko ay matagal ko na itong binura at blinock. Saka, ano ba'ng paki alam niya? Pagkatapos niya ako ipahiya at lokohin may gana pa talaga siyang itext ako. Ha! Manigas ka. Agad kong binura ang message na tinype ko at agad na denelete at blinock ang number niya. Binura ko rin ang message niya dahil nababadtrip lang ako pag na aalala ko ang ginawa niyang panloloko sa akin. Masyado siyang feeling, ang liit naman ng etits niya. Makikiliti lang ako ron. Charot! hahaha Pero seryoso, ang liit talaga. Buti pa yung kay bebe Axcel, daks! Kyaaaaaahhh!!! Pinatay ko na ang cellphone ko at inilagay na ito sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi nang hinihigaan ko. Kahit naman anong gawin kong pagkalimot kay Lush ay bumabalik at bumabalik pa rin siya sa isip ko. Hindi madaling makalimot sa taong sinaktan ka ng sobra. Pero alam ko naman na unti-unti ay nawawala na siya dahil kay Axcel. Si Axcel na ulit ang laging laman ng isip ko. Umayos na ako ng higa at tumingin sa kisame ng kuwarto ko. Alam ko na hindi lang ako ang taong nakakaramdam ng ganito. Marami kami at yung sa iba ay mas malala pa. Kaya lagi ko na lang iniisip na isa itong challenge sa akin na dapat kong lagpasan dahil may parating pa na mas mabigat na problema na dapat kong solusyunan. Mapait na lang akong napangiti nang maalala ang mga araw na masaya pa kaming magkasama ni Lush. Akala ko talaga kami na ang nagkakatuluyan hanggang sa huli, marami rin kasi ang nagsasabi na bagay na bagay kaming dalawa pero hindi pa rin pala sapat ang mga iyon. Hindi pala sapat ang tagal ng pagsasamahan at ang dami ng pinagsamahan dahil once na may problema kayong hindi na solusyunan wala ring kwenta. Matatapos at matatapos lang rin sa 'break up' ang lahat. Kung si Karina nga na PBB housemate, four years na sila ng boyfriend niya pero nagkakalabuan na ngayon. Paano pa kaya kami na wala pang 2 years di'ba? Mahirap kasing kalaban si Love. Walang pinipiling oras at panahon. Kapag tinamaan ka, yari ka. Maybe you love someone accidentally, but you can't unlove someone intentionally. Mahirap dahil it's either ikaw ang masasaktan o may ibang masasaktan ikaw ang dapat mamili dahil ikaw lang ang nakakaalam ng tama at mali. ___________ Kinabukasan ng hapon, nagmamadali akong mag-impake ng mga damit. Tinulungan din ako ni mama dahil alam niya na gusto ko talaga mag bakasyon. Hindi niya pa rin alam hanggang ngayon na may kasama akong lalake at iyon ay walang iba kundi si Axcel. Sigurado kasing magagalit siya pag nalaman niya iyon, oo nga't ini-idolo ko iyon pero iba pa rin ang iisipin ng iba dahil babae ako at lalake siya. Nabubuhay ako sa bansang puno ng mapanghusgang mga tao. Kailangan ko mag adjust dahil hindi mag a-adjust ang buong lipunan para sa akin. We already live like this, we will die like this. Malabo pa sa lumilipad na baboy ang pagbabago sa Pilipinas. Nang matapos kong isalansan ang mga damit sa bag, kinuha ko na ang cellphone ko at inilagay ito sa bulsa. "Wala ka na ba'ng nakalimutan?" Tanong ni mama habang busy sa paglilinis ng bahay. "Wala na po." Sagot ko at tinapik-tapik pa ang bag ko. "Sigurado ka? Eh yung napkin mo, nadala mo na ba?" Tanong pa ni mama na nagpaangat ng kilay ko. "Ma, naman. Kakatapos ko lang po kaya noong nakaraang linggo." Sagot ko at inumpisahan nang bitbitin ang mga gamit ko dahil nakita ko na sa labas ng bintana ang van na sasakyan ko. Ang taray diba, may pa service na van. "Aba, nagpapaka praktikal lang ako anak. Baka bigla ka na namang magkaroon tapos wala kang mabilhan, bahala ka ikaw din ang mahihirapan." Banta niya pa at napailing-iling na lang ako. Mabilis akong bumalik sa kuwarto ko at kinuha ang isang pack ng napkin na madalas kong gamitin. Pagkababa ko ay agad ko itong ipinasok sa bag ko at saka ko zinipper. "Bye, Ma!" paalam ko kay mama at niyakap ko ito bago ako sumakay sa van. Mukhang maayos naman ang itsura ng driver at hindi naman siya mukhang kidnapper, nagsimula nang umandar ang van. Hindi ko pa raw makakasama si Axcel dahil magkaiba kami ng route ng biyahe. Sa bangka raw papunta sa isla kami magkikita. Nag-status muna ako sa sss na malapit ko ng makasama si Axcel. Wala pang limang minuto ay marami na ang nag-react at share ng post ko. Hinayaan ko na lang sila sa kung ano ang iisipin nila, ang mahalaga sa akin ay masaya ako. Nakita ko ang chat ni Lush sa akin na pumunta raw ako sa school ngayon. Matagal ko na siyang inunfriend pero nakakapag chat pa rin siya dahil hindi ko naman siya blinock. Hindi ko na lang ito pinansin. Bahala siya sa buhay niya. "Ma'am, kung gusto niyo pong matulog, matulog muna kayo. Matagal po ang byahe." sabi ni manong driver kaya humiga ako sa kotse. Paggising ko ay madilim na ang paligid, lubak-lubak ang dinadaanan namin ngayon kaya nagising din ako. Pagtingin ko sa cellphone ko ay madaling-araw na. Umabit ng halos anim na oras ang byahe pero wala pa kami sa distinasyon namin. "Malayo pa po ba?" Tanong ko kay kuyang driver na nakipagpalit na pala sa kasama niya. "Medyo malayo pa po." Hindi na ako nagulat sa isinagot ni kuya dahil na sabi na rin sa akin ito ng Nyx Company. ____ Pa-sikat na ang araw nang makarating kami sa gilid ng dagat na kailangan namin bangkain upang makarating sa isla na pagbabakasyunan namin ni Axcel. Wala halos mga kabahayan sa paligid, puro puno lamang at mga halaman ang makikita mong matatag na nakatayo. May bangka na silang inihanda na mag dadala sa amin tungo sa kabilang isla. "Miss, gusto ko lang po ipaalala na wala pong signal sa kabilang isla." Napatingin ako kay kuyang driver na huling nag drive, like what the f? Seriously? "Ayab na pala sila Axcel." anunsyo ni kuyang driver at huminto sa harap namin ang isang itim na van. Unti-unting bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang lalaking naka-shades at may suot ba t-shirt na kulay gray at isang khaki shorts na tinernohan ng isang gray na sneakers. Bakas sa mukha nito ang gulat nang tanggalin niya ang suot na shades. Lumapit siya sa akin at napalitan ng ngiti ang gulat sa kanyang mukha. "Hi, congratulations! I'm Axcel and you are?" Gosh! Is it real?! Na sa harap ko ba talaga ngayon si Axcel Azuela? Matagal ko nang tinitignan ang mga pictures ni Axcel sa cellphone ko. I never in my entire life na nalapitan ko siya nang ganito ka lapit. Hindi ko akalain na malalapitan ko siya nang ganito ka lapit. Hindi ko akalain na ganito pala siya ka-gwapo sa personal! Kyaaah! Laglag panty si ateng! "Hello." Agad akong bumalik sa ulirat nang iwagayway ni Axcel ang kamay niya sa harap ng mukha ko. Gosh! Natulala pala ako sa harap niya. Nakakahiya ka Aira! "A-Ahm, I'm Aira." Utal-utal kong sagot sa kanya na medyo nakakahiya dahil lalong lumapad ang ngiti niya. "Nice to meet you, Aira!" Maligaya niyang bati. Agad na nasira ang moment namin ng tumunog ang makina nang sasakyan naming bangka. "Pumalaot na po tayo dahil malakas na ang alon kapag nagtagal tayo." Nagumpisa nang sumakay ang dalawang driver na naghatid sa akin dito, kasama rin pala sila sa trip. "Tayo na?" Tanong ni Axcel na nagpalaki ng mata ko. "H-Ha?" Bakit ang bilis naman ata? Kami na agad? Kakakilala pa nga lang namin, wala pang ligawan na nangyari tapos kami na agad? Wadapak?! Omy! Waaaaaahhhhh!!!! "Sabi ko tayo na at sumakay sa bangka nang makaalis na tayo." Paglilinaw nito, napatango-tango na lang ako dahil sa pagkapahiya. Masyado akong nag-assume. Hayss, akala ko talaga kami na. Sayang! "Ah! Oo, sige." Awkward kong sagot sa kanya, hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari. Hindi ito ang ini-expect ko. Inalalayan ako ni Axcel sa pagsakay sa bangka. Umupo siya sa tabi ko kaya medyo naiilang ako ngayon. Naiis-starstruck pa rin ako sa t'wing tumitingin ako sa kanya nang pasimple. Walang nagsasalita sa amin pero may mga pagkakataon na nagkakatinginan kami at ngingiti siya sa akin. Mga ilang sandali pa ay hindi na ilog ang binabagtas namin kung hindi dagat na. Matatakot ka na lang dahil walang kahit na anong islang makikita sa paligid. Napapalibutan lang kami ng kulay asul na tubig. At hindi lang pala sa dagat nagtatapos ang lahat dahil nagsimula na ang paghampas ng alon, at sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang umuga ang bangka at bigla akong hinawakan ni Axcel sa bewang. "Okay ka lang? Don't worry hindi ka mapapahamak kapag kasama mo 'ko." Sagot nito sa'kin na tila isang concern boyfriend. "Salamat." Matipid kong sagot dito at ngumiti lang siya, yung ngiti niyang nakakalaglag panty. Humigit-kumulang dalawang oras bago sumigaw ang isa sa mga driver namin ng "Welcome to Isla Grivana!" kahit na ang totoo ay medyo malayo pa ang isla, pero mula rito sa bangka makikita mo na ang kagandahan ng lugar. "Ang ganda no?" Tanong ni Axcel sa'kin, ngayon lang ulit siya nagsalita simula ng lumakas ang alon. "Yup! Grabe ang ganda dito!" Masaya kong sagot sa kanya, feeling ko tuloy kumikinang ang mga mata ko sa sobrang saya. _____________ Grabe ang pagkamangha ko nang makababa kami ng bangka, ito na ang pinakamagandang lugar na nakita ko sa buong buhay ko. Napakalinaw ng dagat, Philippine version ng Maldives! Nagbilin lang ang mga driver na kasama namin at pagkatapos ay umalis din agad sila. Hindi ko akalain na hahayaan nila kaming magsama sa iisang isla na kaming dalawa lang talaga. Ang akala ko ay kasama namin sa bakasyon ang dalawang driver ngunit nagkamali ako dahil inihatid lang pala nila kami dito. "Hmm, ano sa tingin mo ang magandang gawin?" Tanong ni Axcel na nagpataas ng balahibo ko lalo ng makita ko ang mapangakit niyang ngiti. Gosh! Wala sa kontrata na kailangan kong isuko ang bataan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD