Aira's POV Sumapit ang tanghalian at sabay kaming nagla-lunch ni Axcel. Until now nahihiya pa rin ako sa kanya pero masyado siyang makulit at halata naman na gusto niyang makipag close upang maalis ang awkwardness. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ang mga ipinapakita at ipinaparamdam niya o hindi. Masyado akong nagiging kumportableng kasama siya at lumalala na rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung dati crush lang, ngayon nag i-improved na siya to the point na nasasaktan na ako sa posibleng kahantungan nito pero masyado akong tanga upang ipagpatuloy pa ang nararamdaman ko kahit alam ko namang sa umpisa pa lang talo na. "Kanin pa?" Tanong ni Axcel dahil naubos ko na ang pagkain sa pinggan ko. Masarap ang hinandang pagkain at marami na rin akong nakain dahil lagay nang lagay ng kung an

