Aira's POV Days pass, halos hindi ko na namalayan na patapos na pala ang isang linggong bakasyon na napanalunan ko. Masyado akong pre-occupied kay Axcel, sa mga ginagawa at ipinapakita niya. Minsan makikita ko na lang na nakatingin siya sa akin tapos biglang ngingiti. Ako naman ito, sobrang kinikilig. Minsan naman basta-basta na lang siya lalapit sa akin at kakalabitin ako tapos pag lumingon naman ako bigla niyang sasabihin na 'W-Wala-wala.', parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Na-gets niyo? Ang gulo no? I always feel like I'm special, lagi niyang ipinaparamdam sa akin. Minsan nga nakakalimutan ko na kung ano ba ang katayuan naming dalawa. Minsan nakakalimutan ko nang magkaiba nga pala kami ng mundong iniikutan. 'Magkaiba nga pala kami.', masasabi ko na lang out o

