Kyla's POV PILIT KONG inabot ang kanyang ulo para batukan siya. "Sira ulo ka talaga! Madami kayang gago diyan. Pano kung mapagtripan ka, dayo ka pa naman dito.", panenermon ko sa kanya. Ganti ganti din ng sermon pag may time. "Hahaha, uuuyyy! concerned siya sa akin. Kinikilig naman ako.", sinubukan ko siya uli batukan ngunit nakaiwas na siya. "Hindi naman nila kakayanin tong mga muscles ko no.", mayabang na sabi ni Kit sabay flex ng mga braso niya para ipagmayabang sa akin ang maumbok na muscles niya doon. "Yabang mo! Nasaan pala yung kotse mo?", tanong ko ng maalala ang gray na kotseng nakita ko noon sa tapat ng bahay nila Tita Trinie. "Wala naman ako dalang kotse papunta dito eh, nagcommute lang ako.", tango na lamang ang naisagot ko sa kanya. "Tara na sa loob, dun na natin kainin

