Kyla's POV "SERYOSO KA Ma? Babae pa rin ho ako kahit papaano. Dun na lang siya matulog sa kwarto ni Jay.", naiinis ko pa ding sagot. "Si Jay na lang patabihin mo sa akin." "Kaibigan mo naman yan. At saka may tiwala naman kami sa inyo ng papa mo. Isa pa, alam mong parang bodega ang kwarto ng kapatid mong yon eh." "Ah tita kahit doon na lang po ako sa sala.", singit ni Kit sabay tingin sa akin. Inirapan ko lamang siya. Hindi ko nagustuhan ang naging takbo ng pang-aasar nila ni papa sa akin. "Tigilan mo nga ang tantrums mo, Kyla. Mahiya ka sa bisita mo. Iho doon ka na sa kwarto ni Kyla." Matapos akong kumain ay nagpaalam na akong papasok sa aking kwarto. Hindi ko na inantay pa si Kit. Buti na lamang at hindi ko na kailangan pa umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Nagawa kong pumunta sa

