S2 : Chapter 21

1097 Words

Kyla's POV "SALAMAT SA concern mo sa anak ko Kit. Ruth na lang ang itawag mo sa akin. Tita Ruth, ako ang ina ni Kyla. Sige pumasok ka muna at ng makausap mo si Kyla. Kyla, anak ikaw na muna bahala sa kaibigan mo. Kausapin ko lang saglit si Tita Trinie mo.", wika ni Mama sabay talikod sa akin. "Pasok ka Kit.", nagawa ko ring magsalita sa wakas. "Sige po Tita.", tinanguan lang si Kit ng aking ina. Agad naman siyang lumapit sa akin at siya ng umalalay sa akin sa pagpasok sa bahay. Dumiretso kaming dalawa sa sala at duon naupo. Nagkaroon naman kami ng privacy dahil pumasok na sa sarili nilang mga kwarto ang mga kapatid ko. "Anong nangyari sa'yo?", panimulang tanong sa akin ni Kit. "Nahagip ako ng kotse e. Ayun may fracture ako sa kaliwang binti ko. Di naman ganun kagrabe.", paliwanag ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD