Kyla's POV "HA? NA-HIT and run ako ma, tas may nagmalasakit lang na nagdala sa akin sa ospital.", pagsisinungaling ko. "Nakita mo ba yung plaka ng kotse?", tanong naman sa akin ni papa. "Hindi po eh, madilim na kasi non." "Madilim o lasing ka na non?", pang-aasar ng bunso namin. "Ate, piktsuran kita. Post natin sa instagram.", singit ng kapatid kong babae. "Tumigil ka nga. Wag mo ko idamay dyan. Ma yung health care card ko nandun sa wallet sa bulsa ng pants ko. Pakitanong naman sa nurse. Bayaran niyo na yung bill para makaalis na tayo dito." "Sabi ba ng doktor, okay ka na?",alalang tanong sa akin ni mama. "Hindi ko natanong eh. Pero sabi sa akin nung nurse small fracture lang naman daw. Tsaka feeling ko naman okay na ako." "Sige. Pa, pacheck naman na para sa bahay na makapagpahing

